Pagkatapos namin kumain ng hapunan ay nakita ko si papa sa mini office niya sa bahay namin. Dito siya nagpapalipas ng oras at minsan rin ay dito siya nagtratrabaho kapag andito na siya sa bahay. Pumasok ako sa mini office niya at umupo sa harapan niya. Tumingin siya sa akin

“Janica, may kailangan ka ba?”

Kinagat ko ang labi ko at huminga ng malalim. Hindi na kasi ako mapakali sa mga pinagsasabi ni Xavier sa akin kaya gusto kong tanungin si papa baka alam niya kung bakit ganon si Xavier “May tanong po ako sa inyo”

“Ano yun?”

“Bakit palaging nagtatanong si Xavier sa akin ng kahit ano? Katulad ng nagmamahalan daw kami noon tapos bakit kilala ko si Thea at iba pa. Hindi ko nga siya maintindihan. May alam ka ba dito pa?”

Huminga siya ng malalim at umupo sa tabi ko “Nica, may sasabihin ako sayo pero sana huwag kang magalit”

Tinignan ko siya sa kanyang mga mata. Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko. May dapat ba akong malaman?

“Naaksidente ka kasi noon tapos nagka amnesia ka. Nakalimutan mo kami lahat”

Nagulat ako sa sinabi ng papa ko. Nagka amnesia ako? Totoo ba ang sinasabi niya? “Ba…ba…baki..bakit hindi ninyo ako sinabihan tungkol dito?”

“Kasi habang tumatagal, nakikita ka naming masaya ngayon sa buhay mo”

“Pero pa! Karapatan ko pa rin malaman ito lahat!” tumayo ako “Ayaw kong magalit sa inyo pero hindi ko mapigilan ang sarili ko. I feel betrayed. Galit na galit na ako sa inyo”

Umalis ako at pumasok sa kwarto ko. Hindi ako umiiyak pero galit na galit talaga ako sa kanila. All this time, tinago nila ito sa akin? Nakakainis talaga sila! Pumasok si Duke sa kwarto ko at umupo sa tabi ko. Tumingin ako sa kanya

“Alam mo rin na nagka amnesia ako?”

Tumango si Duke. Tumayo ako at hinawakan ang ulo ko “Bakit ba hindi mo ako sinabihan nito?! Bakit itinago niyo ito sa akin?”

“Ate, gusto ko nga sabihin sayo pero natatakot ako baka maging complicated yung buhay mo ngayon dahil sa nakaraan mo”

“Bakit mo nasabi yan? Ano bang meron sa nakaraan ko?”

Huminga siya ng malalim “Hindi ako makakasagot niyan. Tanungin mo si kuya Kevin. Siya lang yung makakasabi sayo”

“Anong meron kay Kevin? Kung ikaw nalang kaya ang magsabi sa akin”

“Ayoko. Mas mabuti kung si kuya Kevin yung tatanungin mo”

Kinabukasan ay hindi ako kumain ng agahan sa bahay dahil iniiwasan ko sina mama at papa. Galit pa rin ako sa kanila dahil hindi nila ako sinabihan na nagka amnesia ako. Habang papunta na ako sa office ko ay napag isipan kong pumunta kay Jefferson. Nagtratrabaho si  Jefferson sa restaurant ni mama. Si mama ang may ari ng restaurant habang si Jefferson yung chef. Tamang tama! Wala pa don si mama. Pumasok ako sa restaurant at hinanap si Jefferson. Nakita ko si Jefferson na naghihiwa ng baboy. Lumapit ako sa kanya at nagulat siya “Anong ginagawa mo dito?”

My First and Last (JaDine) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon