Chapter 11

56 2 0
                                    

Harry's POV

" o, diba..sabi ko naman kasi sa inyong siguradong tanggap na tayo dun. Wala kasi kayong kumpyansa sakin e." pagmamayabang na sabi ni Caloy na nuoy mangiti ngiti pa.

Kagagaling lang kasi namin sa bar na sinasabi nito and luckily, ayon sa manager ng bar ay maaari na daw kaming magsimula kapagkabukas nito sa susunod na linggo.

" e di, ang saya mo na? so kung pwede umayos ka muna dyan sa pagmamaneho bago mo pa ibangga to'ng sasakyan ko." sabi ko dito na nuoy minamaneho ang sarili kong sasakyan.

" kulot, hayaan mo na..masyado lang talaga syang na over whelmed sa nangyari." sambat ni Lucas na nasa likod ng sasakyan kasama sina Asyong at Macoy. " pare, san mo nga pala nakilala yung may-ari ng bar? ikaw ha, naglilihim ka na samin ngayon ha." 

" e, bakit ba? talaga bang wala na'kong karapatan magkaroon ng mga kakilalang pang BIG TIME?"

" e, iniisip lang kasi ni Lucas na baka nga'y pumapatol ka na sa 4M ngayon... MATANDANG MAYAMAN, MADALING MAMATAY! baka nga pumapatol ka na talaga sa mga kauri mo, alam mo na..mahirap pa naman ang panahon ngayon." dagdag na sabi ni Macoy.

" ikaw Macoy, wag mo talaga akong sisimulan ngayon. Tandaan nyo, hawak ko ang kaligtasan ng buhay nyo sa pagkakataong' to. Baka pag nagdilim tong paningin ko'y..naku pasensyahan nalang talaga tayo."

" e di, pano ba yan..kita kits nalang tayo nito sa langit,wala pa namang beer dun." nakatawang sabi ni Asyong.

" kung maka TAYO naman to, parang sa langit ka talaga mapupunta. tsk.." nakatawang sambat ni Macoy.

" magsitigil nga kayo d'yan ang lalakas ng mga bunganga nyo, daig nyo pang kinder sa pagiging pasaway nyo." angal kong sabi sa kanila na nuoy nagsisimula na namang magtuksuhan. Napakaingay talaga ng paligid ko pag ang mga gagong to ang kasama ko. Ni minsa'y diko narinig na nakatikom yung mga bibig nila kahit isang segundo. 

" e, ba't ba ang sungit mo ngayon Harold? may monthly period kaba? alam mo, ang sama sama mo samin pero pag bebot ang sumasakay dito sa sasakyan mo, ang babait mo sa kanila. why so unfair dude!" nagboboses batang sabi ni Macoy.

" Bebot nyo yang mukha nyo! At least sila napapakinabangan ko. Eh kayo may napapala bako sa inyo? Puro na nga lang kalokohan yang palaging nasa isip nyo. May pa-emote emote pa kayong nalalaman dyan, hindi naman bagay. Buti pa, isarado nyo muna yang mga bunganga nyo nang makahinga naman kayo paminsan minsan at mabawas bawasan din tong polusyon sa bansa natin. Sobrang nakakahilo kasi ng mga hanging binubuga nyo. Let's save mother earth mga, tol!"

__________________

Umabot na kami sa'king apartment pero wala paring humpay ang kwentuhang barbero nila. Nabibingi narin ako sa dumadagungdong nilang halakhakan. Kunting push nalang talaga at mauupakan ko na ang mga lokong 'to.

Medyo malaki ang kinita naming raket nitong nakaraang araw kaya napagpasyahan ng barkadang sa apartment ko naman sila mag-iinuman. Medyo nagsawa narin kasi kami sa palaging bahay ni Caloy. Hindi rin pwede sa bahay ni Lucas kasi masyadong strikta yung auntie nya. Si Macoy at Asyong naman, parehong napakalayo na nang mga bahay nila para sugurin pa namin kaya napagpasyahang sa apartment ko nalang.

Kunsabagay, wala rin namang masyadong tao ngayon sa ibang unit ng apartment dahil working hours ngayon kaya walang masyadong mabubulahaw sa ingay ng boses ng mga tarantadong 'to. Pwera nalang kung andun ang panirang babaeng nakatira sa tapat ng unit ko. Well, malamang nasa loob talaga yun ng sarili nyang unit. Batid ko'y hindi naman ito nagtatrabaho gaya ng ibang nakatira dito. E, PAKIALAM BA NYA KUNG MAG-IINGAY KAMI!?! HINDI NYA NAMAN PAG-AARI TONG BUONG BUILDING! Basta wag lang talaga syang magkakamaling sitahin kami dahil lalapain at ipululutan talaga namin sya ng buhay.

But speaking of...

Pababa ito ng hagdan habang nasa lobby kami ng apartment and i don't know if she sees us. She's wearing a loose black shirt that folded the tips of it's sleeves, a ripped skinny jeans and a pair of converse shoes. She also had a beanie on hand. Hindi ko alam kong bakit, but i find it more attractive to seeing girls wearing such choice of clothes rather than that so girly thing like Kendall used to. I mean, mas gusto ko kasi yung effortless lang at hindi trying hard to look more sexy. Wear a slutty clothes isn't a definition of hot or sexy for me coz yunno..they just make theirselves looks even worst. It's still the best thing that "Simplicity is Sexy"... BUT NOT IN THIS BITCH..!

She has caught our attention and look at us in a fiercest way especially on me. Ako ba'y hinahamon ng babaeng to? akala nya talaga siguro'y diko sya papatulan.

Si Lucas at Asyong na nuoy di maisara ang bibig ay bigla ding natigilan ng makita sya, hindi ko alam kung dahil ba sa nandudurong tingin ng babaeng to sa'min o dahil sa ngayon lang nila ito nakita. Well, why do they even care!

Kapagkuwa'y agad din itong dumiretso't nagpatuloy sa paglakad pababa ng hagdan at nilagpasan kami na parang wala itong nakita. GOD, I CAN'T IMAGINE HOW HER FACE IS SO MUCH LIKE A DISASTER TO ME. SHE'S SEEMS LIKE A MESS THAT COULD RUIN MY ENTIRE DAY!!

She easily make her way out at the apartment and ride a taxi in wherever in a blue hell she'll go.

Pagkaalis nya'y agad ding nagsalita si Lucas na kanina'y natamimi pa.

" kulot, bago yun dito ano? pare, ang hot ng bebot na'yun, grabe! Answerte mo't dito ka nakatira tol! Lumipat nalang din kaya ako dito, palagay ko'y ang daming magaganda't seksing nakatira dito."

" anong hot ang sinasabi mo d'yan! yun na ba ang hot sayo ngayon? wag mong sabihing nagbago na pati panlasa mo sa mga babae. Diba mas gusto mo yung mga babaeng hindi uso magsuot ng saplot sa katawan? Tsaka, di mo ba nakikita kung gano ka bruha ang pagmumukha ng babaeng yun? Dude, she's a goddamn bitch, i swear! hindi mo talaga gugustuhing makita ang pagmumukha nya once you've meet her." sabi ko dito.

" what?!? bakit..magkakilala na pala kayo nun?"

" of course, why shouldn't i? magkatapat lang yung unit namin na talaga namang ikanamalas ko!"

" malas?! pare yung mukhang yun, MALAS na sayo yun, hindi ka naman siguro nagdidilubyo ano?" sambat ni Asyong.

" teka nga kulot, tapatin mo nga kami..may nangyari ba sa inyo ng bebot na yun?"

" Shut up! anong nanyari'ng pinagsasabi nyo d'yan! jusmiyo! matamaan nga kayo ng kidlat dyan sa mga pinagsasabi nyo. She's not even my type though. She's disgusting like hell. Do you think, i would bother to date that kind of girl? She's sick man!" i half laughed.

"teka..teka nga, ba't ba napaka overreacting mo ha? you seems like so terrified to her, is there something happen between the two of you, i mean with that girl? " dagdag ni Macoy.

" wala nga diba! nag o-over reacting ako dahil daig nyo pa ang imbestigador kung makatanong. At sinong terrified...ako? with that girl? seriously?? oh, c'mon man. You know what, we should go upstairs at baka kung san pa mapunta tong usapan natin. "

Inaya ko na silang umakyat sa itaas ng apartment ng namalayang nasa lobby parin kami ng mga sandaling yun at pinag uusapan ang walang kakwenta kwentang impaktang yun.

Nang makapasok ay agad din naming sinimulan ang dapat simulan. Basta pag magkasama ang buong tropa'y, hindi talaga nawawala ang pagtalsik nang laway ni Macoy habang nagsasalita at ang dumadagungdong na halakhak ni Caloy. Ang pagbabandera ni Asyong kung ilan na'ng naging syota nya. Si Lucas at ang dakilang tips nya kung pano maging habulin ng chicks. Tsk. Tsk. Pano ba'ko nagkaroon ng kaibigang katulad nila.

FAME (H.S//1D TAG-LISH Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon