Chapter 6

56 2 0
                                    

"kulot, late ka ata ng isang oras, mag aalas syeti na. San ka pa ba nagsusuot ha?" salubong agad na tanong sa'kin ni Caloy matapos kong maiparada ang aking sasakyan sa labas ng kanilang bahay.

" eh, bakit ba?! hindi ko alam na may "on time" rules na pala tayo ngayon." sarkastikong sabi ko dito.

" e, kasi nga diba sa susunod na linggo na yung battle of the band?" sambat ni Lucas nang makaupo na ako.

" sinasabi ko na nga ba't yan lang ang ipinapunta nyo sakin dito e."

" bakit, ayaw mo? ayaw mo nang sumali? akala ko pa naman babawi na tayo sa susunod. Wag mong sabihing sumusuko ka na?"

" sinong nagsabing sumusuko na'ko? tsk, pare nakalimutan nyo ba'ng wala sa bukabolaryo ko ang mga katagang yan. "

" yun naman pala, e! but actually, hindi lang naman talaga yan ang dahilan kung bakit pinapunta ka namin dito e." sabi ni Macoy.

" bakit, ano ba yang ibang kailangan nyo ha?"

" may bagong malaking bar na magbubukas malapit lang dito samin at ang sabi'y naghahanap daw sila ng isang banda na pwedeng maging regular sa kanila, oh diba ang cool nun! di na natin kailangan pang maghanap ng mga panibagong raket kahit saan. Pare, ito na yun oh!" pagpaliwanag ni Caloy habang iniabot sakin ang isang bote ng beer.

" at ito pa, malaki daw ang bigay kaya di na natin kailangang magpakahirap na pumunta pa sa iba't ibang gig shows para kumita ng mas malaki dahil dito palang solve na!" dagdag ni Macoy na nuoy nilalaro ang strings ng gitarang hawak nito.

" teka, teka..easy lang mga dude, pano naman kayo nakakasigurong matatanggap tayo sa sinasabi nyo'ng bar na yan, ha? baka naman may interbyu't screening pa na magaganap dyan, dahil naku..!" paninigurong tanong ko sa kanila.

" parang ganun na nga!" ang sabi ni Asyong na pigil ang tawa.

" at ito pa, balita ko'y  may entrance exam pa daw!" sabay halakhak na sabi Lucas hanggang sa nagsitawanan na rin silang pareho maliban sakin. 

Alam nilang hindi ko gusto ang mga bagay na ganyan kaya nga huminto ako ng pag-aaral dahil dun. I HATE SCHOOL SO FAR.

Matagal na rin kaming magkakabanda ng mga mokong na'to. Nagkakilala kami dahil sa parehong kaibigan. Dati na silang banda bago paman ako dumating sa kanila. Alam din nila pareho na galing din ako sa isang banda kaya naisipan nilang isama ako sa grupo.

Apat kaming magkakasama sa dati kong banda pero nagkahiwalay din kami ng magsimulang magkawatak watak ang grupo namin.

Umuwi ng England ang isa sa mga kabanda ko samantalang yung iba naman ay nagsipag-aral narin sa kolehiyo kaya naging busy na sa kani kanilang buhay.

Diko na rin sila muling nakita pa buhat ng magkahiwalay kami. Ang balita ko'y parehong nag-aaral sa iisang University ang dalawa kong kasamahan dati. Hindi ko rin alam kong nagkikita kita pa ba sila hanggang ngayon. Sa palagay ko'y ako nalang ang hindi nag-aaral maliban sa kanila hanggang ngayon. Well, aside from school really sucks, hindi ko talaga passion ang mag-aral. I was lately in college before but it only takes a one semester at huminto din ako sa kalaunan. I dropped all my subjects at minsan narin akong palipat lipat ng skwelahan but then i gave up after all.

Sinubukan ko naman talaga pero, mas sinunod ko ang pagbabanda kaysa sa mag-aral. Matagal ko narin kasing pangarap 'to. Mula bata pa'y ito na ang kinamulatan ko, ang pagkanta. Naniniwala kasi ako na balang araw ay magiging isa ako sa pinakasikat na miyembro ng banda sa buong mundo. Kahit paman ang daming nagsasabing hindi mangyayari yun. Maging ang sarili ko nga'ng pamilya'y tutol din tungkol sa bagay nato.Galit na galit nga sakin ang mama ko nang malamang tumigil na pala ako sa pag-aaral, dahilang itinigil na rin niya ang pagsusuporta sa'kin. Pati sila'y diko narin muling nakita mula no'ng nakaraang taon pa.

Gusto sana nya'ng pabalikin ako sa Chesire pero tumanggi ako at mas piniling mamuhay mag-isa dito sa LA. Hanggang sa makilala ko nga sina Asyong, Macoy, Caloy at Lucas na pareho ding mahilig sa banda at gaya ko'y tumigil narin sila pag-aaral. Pareho naming gusto ang ganitong klaseng buhay, ang rumaket kaysa sa mag-aral. IT'S MORE FUN THOUGH.

" ..pero dahil sa kakilala ni Caloy ang may-ari ng bar, well, masasabi kong exempted tayo." pagpapatuloy na sa sabi ni Lucas sakin sabay tapik saking balikat na ikinabalik ng malalim kong pag-iisip.

" pero, pare kasasabi lang din nya sakin na gusto nya rin  daw makita't makilala ang buong banda bago ang lahat." sambat din ni Caloy sabay bukas ng isa pang bote ng beer.

" woow! at kailan kapa nagkaroon ng BIG TIME na kakilala ha ? talagang ako'y nagdududa na sayo Caloy ha! baka mamaya'y sangkot kana pala sa isang malaking sindakato o di ba kaya'y.." panunuksong sabi ko dito.

" ulol, lalaki yun!" dipensa nito.  Mukhang nabasa na nito kung ano ang nasa isipan ko ng mga sandaling yun.

" kaya nga,  baka di namin alam matagal mo na rin pala kaming pinagsasamantalahan ng walang kamalay malay."

" gago! kapag ako'y naging bakla, hindi rin ang mga tipo nyo ang pagsasamantalahan ko no. Ang babantot kaya ng mga amoy nyo!" mamula mulang sabi nito sabay lunok sa lama'ng bote ng beer na hawak hawak nya.

Sa aming lima, si Caloy tong parang napaka sensitive pagdating sa homosexuality. Pano kasi, sya yung mas lapitin ng mga bakla at aksidente din nyang naikwento samin nung minsan syang  nalasing na nagkaroon daw sya ng syotang bakla na walang kamalay malay hanggang sa natuklasan nalang daw nya isang araw.

Tawang tawa kami ng malaman ang bagay na yun at simula noo'y naging tampulan na namin sya ng tukso.

" syangapala kulot, kumusta naman kayo ni Kendall ? balita ko'y iniiwasan mo na raw sya." tanong ni Caloy na pilit iniba ang usapan.

" anong kumusta'ng sinasabi mo dyan. Wala namang kami, kaya wala kang dapat kamustahin." pabiro kong sabi dito.

Hindi lingid sa kaalaman ng mga ka grupo ko ang bagay tungkol kay Kendall. Sa katunayan n'yan, si Lucas ang patay na patay sa babaeng yun ngunit sa kasamaang palad ay sakin na ngayon 'to nakabuntot palagi. Well, i can't helped it. I'M HOT AND SHE'S A SLUT! opps, sorry not sorry.

" alam mo pare, diko talaga mapagtanto sayo kung bakit inaayawan mo ang isang tulad ni Kendall. I mean, look how perfect she is!  From her toes up to her finger tips. Pare, gago lang ang lalaking tatanggi sa isang Kendall Jenner. Ikaw din, baka pagsisihan mo'ng pinakawalan mo sya at ikaw na mismo ang maghahabol sa kanya balang araw pag napunta na sya sa'kin." nakangiting sabi ni Lucas sakin sabay sindi ng sigarilyo.

" well, let's give it a try. I dare you to date her nang gano'y sya na mismo ang kumawala sa'kin. " hamon ko sa kanya.

" but speaking of.... " sambat ni Macoy sabay turo sa paparating na sasakyan.

IT'S KENDALL. SHIT!

( Lucas is Luke Hemmings, Macoy is Michael Clifford, Asyong is Ashton Irwin and Caloy is Callum Hood.

The past band Harry's talking about is his very first band named, White Eskimo. Maybe you guys have wonder why it's 5sos instead of one direction lads. Well, i have a lot of twist to do in this story, so better watch out! :) xo)

~Meah

FAME (H.S//1D TAG-LISH Fanfiction)Where stories live. Discover now