18. Into the Serpent's Lair

Start from the beginning
                                    

"Kukuha ka ng lawyer mo nong, sya ang magpapaliwanag sayo ng legal process ng challenge."

"Kailangan ko po ng lawyer?" hindi makapaniwala yung tono ko.

Hindi ko ma-fathom yung idea na kailangan ko pang mag-hire ng lawyer.

Like seriously, para saan ang lawyer? May hearing pa ba?

"Oo nong, kailangan mo ng lawyer. Forensic kasi ang drug testing. Kailangan mo ng notarized request para sa challenge."

Napangiwi na lang ako sa sinabi ng clerk.

Napaka-complicated pala ng challenge-challenge na yun.

Hmmm.

I think kailangan ko nang tumigil at mag-settle na lang dito sa negative result ko.

Hindi kasi ako kumportable sa 'legalities'.

Feeling ko maiiskandalo kami ni Kuya Pent as the things go deeper.

Ayoko namang masira ang bagong pamilya ko.

Atsaka wala na akong pera pangbayad sa lawyer.

"I see. Sige po P', babalik na lang ako if ever itutuloy ka na ang challenge."

••~••~••~••

*home

Inabutan kong nanonood ng NBA replay ang mga kuya ko sa living room nung maka-uwi ako sa bahay.

Didiretso na sana ako sa kwarto ko pero biglang nagsalita si Kuya Nick.

"Wayo, halika. Samahan mo kaming kumain ni Pent."

Tinuturo nya yung platter ng nachos sa mini-table nung napalingon ako sa direksyon nila.

"Po?" yan lang ang nasabi ko with my hindi-makapaniwala-tone.

Hindi pa rin kasi talaga ako sanay kapag mabait si Kuya Nick sakin.

"Saluhan mo kami dito sa nachos." he reiterated.

I can safely say na good mood ngayon si Kuya Nick dahil evident yung verve sa tono nya.

"Ahhhh... Salamat na lang po sa offer Kuya Nick pero baka kasi hindi na ako makakain ng dinner kapag kumain ako nyan." I declined his offer politely.

Ang totoo nyan ay gusto ko talagang tikman yung nachos it's just nahihiya lang akong tumabi sa kanila.

"Wag kang mag-alala, yan na ang dinner natin ngayon. Umalis sila dad kasama ang katulong natin." si Kuya Pent ang nagsalita.

Ohh I see.

"Wag ka nang mahiya, kawalan sayo kapag 'di mo natikman ang nachos ni Kuya Nick." dagdag pa nya.

Ha? Si Kuya Nick pala ang nagluto nun? Hindi ko alam na may alam pala sya sa kusina.

Parang gusto ko na tuloy lalo tikman yung nachos but it's still a no for me.

Nahihiya talaga ako tumabi sa kanila.

"Hindi ako nahihiya kuya, diet lang talaga ako kaya ayaw ko..." medyo napapikit ako dahil sa nasabi kong alibi.

Late ko nang na-realize na medyo contradicting pala sa una kong nasabi kanina!

"Diet? Walang diet-diet."

Tumayo na si Kuya Pent at hinila ako papunta sa sofa.

"Bawal kang mag-diet kasi makakasama sa baby natin." bulong pa nya habang naglalakad kami.

Nagtayuan ang mga balahibo ko dahil don!

Talagang wala syang balak tantanan ako no?

Kinurot ko sya tagiliran habang 'di nakatingin si Kuya Nick.

ThirstyWhere stories live. Discover now