Chapter 14: Iba ka na ngayon

Start from the beginning
                                    

"Ano ulit yun?"

"Wala, sabi ko tara na sa loob, ang tunay na Date natin ay mag-ARCADE!" tapos hinila na niya ako papasok sa bahay nila. Pagkahigit niya sa kamay ko. My heart skipped a beat. 

* * * 

It's Monday again, yung DATE kuno namin ni Travis ay okay naman. Naglaro lang kami ng Fatal Frame sa Xbox niya. At grabe nakakatakot! Ngayon ko na pala ibibigay sa kanya yung gift ko sa kanya. Sana magustuhan niya...

"Okay, class you may now take your Lunch." tumayo na kami at as usual nakaubob na naman itong katabi ko. Pero di ko siya pinapansin. Kinuha ko na yung box na gift ko kay Travis at lumabas na ako ng room. 

Hala, nakalimutan ko pala yung Lunch Box ko sa loob! 

Kaya iyon bumalik ako sa loob ng classroom. Wala na din yung mga kaklase ko pero as usual may natira sa loob na nakaubob pa din. Dinaanan ko lang siya at dali-daling kinuha si Lunch box na nasa gilid ng chair ko. 

Palabas na ako ng room..

"Gusto mo ba siya?" pero hindi ko siya sinagot. Hinawakan ko na yung door knob. 

"GUSTO MO BA SIYA?!" this time tumingin ako sa kanya. Nakatayo na siya at nanlilisik ang mga mata niya.

"Bakit?" tanong ko nang mahinahon. Pero sa totoo lang kinakabahan na ako baka masuntok niya ako eh. 

"Ah wala..." tapos umupo na siya at umobob. 

"-pinagtritripan mo lang naman ako noong isang araw di ba?" but instead na antayin ko pa ang sagot niya tuluyan na akong lumabas ng room. Naalala ko na naman kasi yung sinabi sa akin ni Bethina eh. Baka totoo, hindi ko kayanin kung sa kanya na mismo magmula.

Pumunta na ako doon sa garden kung saan kami naglu-lunch ni Travis.

Pagkadating ko doon, nakaupo na siya. 

"Hoy." bati ko.

"Aba, iba ka na talaga ngayon Serah ah! May pa-HOY hoy ka ng nalalaman ngayon!" tapos ginulo niya ang buhok ko.

"Wag mo namang guluhin, panget na nga eh." 

"Eto naman, naglalambing lang eh." -Travis

"Ito na pala yung gift ko sa'yo." inistretch ko yung arm ko sa harapan niya para mabigay ko yung gift ko. 

"Ano 'to? Baka may ipis o palaka ito? Serah... Maki-kissan talaga kita." pagkasabi niya noon, naramdaman ko na naman yung kaba. 

Binuksan na niya yung Box. For sure yan na ang kakainin niya instead na Lunch. Kaya iyon kinuha ko na lang yung Lunch Box ko at nag start ng kumain.

"Hoy, ba't di mo ako inaantay?"

"Eh kasi po, .. Hmm" ano nga ba ang dahilan ko? Bakit ko siya inunahan na sa pagkain?

"Ganyanan na talaga Serah." kumuha na siya ng brownies doon sa box at syempre kinain. Pero wait... Bakit dahan dahan?

"Bakit dahan dahan kang kumain niyan?" tanong ko 

"Because I cherish every moment." tapos nag killer smile siya sa akin.

Lub dub Lub dub

Hindi ko na lang pinansin at kumain na lang ako ng kumain. Gusto ko ng umalis, pakiramdam ko nahihiya ako sa kanya. Basta ganoon. Pati sabi ko din sa sarili ko, pagkatapos nito. Iiwasan ko na sila... 

Mahirap na, baka mahulog ako sa isa kanila. Uunahan ko na... Ako na ang iiwas. For sure naman, Illuminati din si Travis. Sama-sama ang FAME nila. Iba sila sa ibang tao, syempre ganoon dapat ang pakisama. Sikat sila eh. 

"Hmm, ang sarap!" -Travis

Tapos na din akong kumain. Tinignan ko yung regalo ko, ubos na pala. 

Nang biglang may tumama sa ulo ko. Grabe ang sakit!

"Ouch." pagtingin ko ibaba may malaking bato sa paanan ko. Hinawakan ko yung side ng ulo ko. At dumudugo ito...

Tumingin ako sa paligid, nagsisimula ng lumabo ang mga mata ko. 

"Serah.. Serah..." pati si Travis lumalabo na din ang itsura. Pero nararamdaman kong niyuyugyog niya ako...

Sino ba yung bumato sa akin? 

*BLACK OUT

**** 

Ang ganda naman sa lugar na ito puro bulaklak. Lumakad lang ako ng lumakad. Ang ganda kasi ng nadadaanan ko iba't ibang klase sila. Tapos may mga butterfly din na lumilipad. Tumingin ako sa paligid ko.

"Wow..." yan na lang ang nasabi ko. Lumakad ako ng lumakad, gusto ko ngang pumitas ng isang flower eh. Pero baka mapagalitan ako. Pero sino? Wala namang tao dito.. Wala namang mga bahay dito..

Nasaan ako? 

Lumingon ako sa likuran ko. At bigla namang nag dilim ang paligid. Humangin ng malakas. I closed my eyes... 

Tapos naramdaman ko ang sakit ng ulo ko. 

"Hey there, b**** " pagkabukas ko ng mata ko, si Bethina ang nasa harapan ko. Nakaitim siyang damit at ako naman ay puti. Nasaan kami? 

"Nasaan tayo?" tanong ko sa kanya.

"HAHAHAH. Nasa impyerno."  lumapit siya sa akin at sinampal ako.

"Di ba sabi ko sayo niloloko ka lang ni Travis at Zac? Bakit hindi ka naniwala?! HA?! Ang lalandi-landi mo talaga! H**** kang pangit ka!!!" tapos sinabunutan niya din ako

"Bethina..."

"TAMA LANG SAYO YAN! DAPAT SAYO PINAPATAY!" 

Lord, oras ko na po ba? Kung oo, okay lang po. 

Pagkatapos noon, may kinuha siyang bato sa likuran niya at pinukpok sa ulo ko. 

Cherish YouWhere stories live. Discover now