"Dragons, ate? Are they hurting you? What should I do to make them get out from you?" Nahihintatakutang saad ni Solana.

"Silly! Hindi gano'n 'yon."

"Ano pala, ate?"

Napatingin ako kay Siana nang lumapit siya sa akin. Pinagmasdan niya ang dalawa bago tumingin sa akin. She smiled.

"Sino ang dalawang iyan, Azriella?" Tanong niya. Napangiti ako at sinulyapan ang dalawa.

"Iyong maliit ay si Solana Celestine. According to her, she's four. While the bigger is eight years old. Louisianna Solemn ang kaniyang pangalan," saad ko. Napatango siya.

"Nakatutuwa silang pagmasdan. Mukhang mababait. Lalo na ang mas maliit, ngunit natural na talaga siguro 'yon lalo na't apat na taon pa lamang siya. Napakainosente. Ang ate naman ay medyo maldita tignan. Ngunit masyadong mapagmahal sa kapatid," saad ni Siana. I can't help but to agree. "Paano niyo sila nakita?" Tanong niya. I sighed.

"Nakita ko ang dalawang lalake, bitbit sila. Kinompronta ko. Balak dalhin ang dalawang bata sa bahay-aliwan," saad ko. Nanlaki ang mata ni Siana at hindi makapaniwala.

"Napakalupit nila para idamay ang mga inosenteng bata sa kasamaan nila. Mabuti na lang at nakita niyo sila," nag-aalala niyang saad. Lalo akong napabuntong-hininga.

"Hindi ko mapigilan isipin ang mga batang nakuha nila at hindi man lang nailigtas. Kumusta na kaya sila? Gusto kong may magawa para sa kanila.." saad ko. Hindi na nakaimik si Siana na tila ba imposible ang sinasabi ko.

Pinanood kong giniya ni Master ang mga bata. Binuhat niya si Solana at iniupo sa may kanang bahagi na upuan. Sunod ay si Solemn at pinagtabi ang dalawa. Sa may kaliwang bahagi naman ay sila Simon at Morphy. Natigilan ako nang sinulyapan ako ni Master. Hinila niya ang upuan sa may kanang bahagi ng nasa gitna at muli akong tinignan.

"Sit here," he said.

Napanguso ako at sumunod. Pinasabay niya sa amin sila Siana. Katabi ko si Solana, kasunod ay si Solemn. Ang nasa may puno ng mesa ay si Master. Kami ang nasa kanan na banda at sila Simon ang nasa kabila.

"Let's eat," saad ni Master at akmang lalagyan ng pagkain ang plato ko nang tumayo si Solana sa kaniyang upuan.

"Wait po. Let's pray muna po," aniya. Kumunot ang noo ni Master. Lahat kami ay napatingin kay Solana. Solemn is smiling.

"Pray?" tanong ni Master. Solana nodded and smiled. Napansin ko na may isang ngipin na nawawala sa kaniya. And it made her more adorable.

"Opo. It's a way of pagpapasalamat to our creator," aniya. Pinagsiklop niya ang maliliit na palad at ngumiti kay Master. "Ganito po 'yon. Tapos ico-close ang eyes at pipikit. Then we will feel all the words with our heart."

Titig na titig sa kaniya si Master. Kapagkuwan ay tumango at pinagsiklop ang mga palad. Lahat kami ay ginawa 'yon.

"Let's all bow our head.." Solana started. "Dear Creator, we want to say thank you for all the blessing we receive each day. Salamat po sa foods na nasa harap namin ngayon kaya meron kaming mai-eat. Salamat po sa another day na bigay niyo sa amin. Salamat po sa pagpapadala sa kanila para i-save kami ni ate Solemn ko. Salamat po sa lahat at sana po ay gabay niyo kami lagi. Please bless each of us and forgive us for our sin. We love you so much, our Creator, the most powerful among all. We praise you, we thank you and you're our everything. Thank you and ameeeeeen!"

"Amen," saad ni Solemn. Napagaya kami ni Simon at isinatinig din 'yon. We all open our eyes. Napatingin ako kay Makheus at nananatili pa rin siyang nakapikit.

Tinagilid ko ang ulo para pagmasdan siya. He seems so calm and in peace. Unti-unting nagmulat ang kaniyang mata at tila kumislap ang kulay pilak niyang mga mata. He stared at me and smiled a little. Napaawang ang labi ko. Ang pagngiti niya ay tila ba pinagdadamot niya. Napakabihira at ngayon ay nakita ko muli. Kahit hindi 'yon ganoon kalaki at halata ay alam kong ngumiti siya. And it made my heart leap.

Beauty and the DemonWhere stories live. Discover now