Chapter 35: Distracted.

Magsimula sa umpisa
                                    

Hinayaan niya kong umiyak sa balikat niya. Hinayaan niya kong kumalma. Yun naman ang kelangan ko ngayon. Humiwalay lang ako sa kanya nang makarinig ako ng reklamo sa mga nasa paligid namin. Akala nila boyfriend ko si Levi at dito pa mismo kami naglalandian sa harap nila. Tss.

“Don’t mind them. You okay?”

“No.” Diretsa kong sagot bago pinunasan ang luha ko. “Akala ko galit ka sa’kin?”

“Sinong may sabi?”

“Ako. May iba pa ba tayong kasama? Tss.”

Tumayo ako. Nagsimula na ‘kong maglakad paalis. Alam kong sinundan agad ako ni Levi. Malapit na kami sa oval nang bigla akong tumigil. Parang ayoko nang tumuloy…

“San ka pupunta, Skyla Hailey?”

“Tigilan mo nga yang kaka-Skyla Hailey mo!”

“Bakit, huh? Yun naman talaga ang pangalan mo!”

Hindi ko siya pinansin. Dumiretso ako sa University mall. Bumili ako maraming pagkain bago nagpunta sa food court. Kinain ko lahat yon. Wala akong pakialam kung pagtinginan ako ng tao sa paligid. Magandang diversion ang pagkain.

Naramdaman ko na naman ang masamang aura ni Levi sa harap ko. Walang hiya hiya siyang umupo sa harapan ko.

“Penge naman.” Sabi niya bago dumampot ng sandwich na malapit sa pwesto niya. Hindi ko pa siya pinapayagan pero kumuha agad siya. Kapal talaga! Hindi ko nalang inintindi. Nakita kong kinuha niya ang cellphone niya. Naiwang nasa bibig niya yung sandwich. Binaba niya lang ‘to nung kakausapin niya yung tumatawag sa kanya. Napangiti ako at napailing nung makitang may mayo sa labi niya. Messy eater. “Okay… hmm.” Tumingin siya sa’kin bago sa pagkaing kinakain ko. “Tacos at… frappe.”

Binaba niya yung cellphone niya pagkatapos i-end ang call. Pinagpatuloy niya ang pagkain ng sandwich. Nang matapos siya ay pinunasan niya ng tissue ang bibig niya. Maya-maya ay tumayo na siya. Good thing. At least mawawalan—

“God, Levi! Bakit ba bigla bigla kang nanghihila?”

“Mags-start na daw ang game. Let’s go!”

“Kaya kong maglakad nang hindi mo hinahawakan.” Umirap siya bago binitawan ang kamay ko. Parang sasabog ang puso ko nang makitang malapit na kami sa open court. Mas maluwang ito kaysa sa gym. Magkatabi ang basketball court at volleyball court.

Nakita ko agad ang kapatid ko sa bleachers na parang may hinahanap. Nung makita niya ko ay nanlaki agad ang mata niya. Sumenyas siya na lumapit ako sa kanya. Nakita ko na nasa tapat siya ng basketball court. Huminga ako ng malalim bago nagdesisyon na lumapit. Ngunit hindi pa ko nakakalayo ay may humila na sa’kin.

“Bakit ang tagal mo? Kanina pa kita tinatawagan. Dito tayo.” Hindi ko napansin na nasa tabi ko pala si Dana. Hinila niya ko paupo sa bleachers sa tapat ng volleyball court. Pagtingin ko kay Harley ay nakakunot na ang noo niya.

“Skyla Hailey.” Napatingin ako sa likod nang marinig ko ang boses ni Levi. “What are you doing here? You are supposed to sit there.” Tumuro siya sa kabilang court. Umiling ako. Ayokong marinig ni Dana ang pinag-uusapan namin. “Damn. Sana hinayaan nalang kitang kumain ng kumain don kesa panoorin pa ‘tong game! Tss.”

Just Like BeforeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon