Chapter 26

1.6K 50 0
                                    

MEZY'S POV

Miss me? -.- No? Okay.

Buhay nga naman parang life.
Teka, kilan pa ako naging corny?

"Anak, sure ka ba talaga sa gagawin mo? Baka mas ikalala 'yan ng sakit mo? I won't let that happen, again"

"Pa, malala na ang sakit ko. Don't worry, hindi ko naman ata 'to ikamatay"

"Of course not. Hindi ka mamamatay"

Napangiti ako sa kaloob-looban ko. Mabuti pa ang hindi ko totoong ama, nag-alala sa akin. Eh 'yung totoo ko kayang ama? Haha.

Nasa labas na kami ng restaurant ngayon kung saan nagkita noon si Mommy at 'yong totoo kong ama.

"Are you ready?" alam kong nag-alala sakin si papa ngayon, pero my decision is final. Whatever happen, happens.

Tinanguan ko siya at naunang pumasok.

Ilang minuto lang ang nagdaan, nakarating kaagad kami sa table nya.

"Mr. Goh" napatayo siya bigla nang makita niya kami.

"Mr. Relondo" malamig na tawag ni papa sa kanya.

"Babalik ako dito anak pagkatapos ng ilang oras" paalam sa akin ni papa at Tinanguan ko lang siya.

Tinapunan nya ng malamig na tingin si Mr. Relondo bago tuluyang umalis.

"U-po ka muna"

Walang sinasabi, umupo ako sa tapat nya.

Ilang minuto ang nagdaan, wala paring umimik sa amin.

Tiningnan ko siya pero hindi siya makatitig sa akin ng diretso. Palagi siyang yumuyuko -.-

"Hi" malamig kong bati sa kanya.
Bahagyan pa siyang nagulat.

"Uupo nalang ba tayo dito?" dugtong ko.

"N-o. Sorry, hindi ko kasi alam kung paano sisimulan" nakayuko nyang sabi.

Hinihintay kong magsalita ulit siya at nanatiling tahimik.

"A-kala ko patay kana" panimula nya.

Sana nga namatay nalang ako but I know it's so selfish.

"Hindi ko alam ang gagawin ko nun nung nabalitaan kong patay kana daw" palihim nyang pinupunasan ang mga luha nya.

"Hindi ako naging mabuting ama sayo Mezy, kahit kilan. Sobrang duwag ko nun. Ayaw kong masira ang pamilya ko kaya pinili kong hindi ka makasama o makita man lang.

Sobrang dami kong pagkukulang sayo. Hindi ko naipadama sa'yo 'yung pagmamahal na galing sa ama.

Alam kong wala akong karapatang mag-sabi sa'yo nito, pero sana matawad mo ako Mezy. Sana hindi pa huli ang lahat. Gusto kong makabawi sa'yo.

Mahal kita, anak"

Ang bigat ng pakiramdam ko pero sinikap kong makapagsalita ng hindi umiiyak.

"A-lam mo ba kung gaano ko katagal hinintay na tawagin mo akong 'anak'?"
Sobrang tagal, at ngayon, sawakas narinig ko na rin. Ganito pala 'yong feeling.

"A-nak, patawarin mo ako--"

"Alam mo ba kung ilang baso ang iniluha ko sa sobrang pagkasabik na makita ka?

Alam mo 'yong feeling na, may nagmamahal sayo pero parang kulang. Sobrang kulang. Araw-araw kong hinahanap ang pagmamahal mo.  Umasa ako na sana, magawa mo man lang ako kilalanin at tanungin kung ayos lang ba ako, kung kumusta na ang sakit ko, kung hanggang kilan ba nalang ako mabubuhay? Pero hindi eh.  Pero kasalanan ko naman, sana kung hindi nalang ako umasa, edi hindi sana ako nasaktan. Sana naging kontento nalang ako sa pagmamahal na ibinigay ng ibang tao"
Huminto ako at marahas na pinunasan ang mga luhang dumadaloy sa pisnge ko.

My Cold-Hearted Girlfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon