Chapter 10

2K 55 0
                                    

Zyrus Cris' POV

"Wake up honey. Wake up! "

"Hmm

Ang aga pa mommy" nakapikit kong sagot sa kanya.

"It's already late honey. It's already 7 am"

Dali-dali akong napabangon. Bakit hindi nya sinabi kaagad na 7 na pala?
Late na ako nito.

Nung pupunta na sana ako sa cr para maligo, may bigla akong naalala.

Napabuntong hininga ako at matamlay na bumalik sa paghiga.
Binalot ko ng kumot ang buo kong katawan.

"Honey! What's wrong?"
Alalang tanong nya.

"Ayaw kong papasok ngayon my"

"What? Why? May masakit ba sayo? Masama ba ang pakiramdam mo?"

"Ayos lang ako my. Wala lang gana"

Ramdam kong natahimik ang buong silid ko.
Mabuti naman at umalis na si Mom-----

"HAHAHAHAHAHAHA"

Eh? 

"Why are you laughing?" kunot noo kong tanong sa kanya.
Ang abnormal talaga ni mommy.

"Ayaw mo talagang pumasok?" nakangisi nyang tanong.

"Ayaw" anong nakain ni mommy? Pero kung sabagay weird naman talaga siya noon pa.

"Okay. Sabi mo eh. Wag mong sisihin ang sarili mo kung may ibang pumurma sa kanya ah HAHAHAHAHA"

Napa-isip ako. Sinong------
Anong alam ni mommy?

"Myyyyyyyy!"

"Ge, pasok na ako sa opisina ah. Ayaw kong may pumurmang iba sa daddy mo. Alam mo na, gwapo! Hahahahaha"

Aish! Abnormal talaga.

Ano pa nga bang nagawa ko? Edi patakbong pumunta sa cr para maligo.

Wala ng kain kain. Dumiretso na kaagad ako sa University. Ilang araw na akong di nag-agahan. Okay lang, di pa naman ako nagkasakit. 
Sa susunod ko nalang alalahanin kong may sakit na talaga ako.

Pagdating ko sa university, isang napaka bahong chismis ang kumalat.

"Oo nga daw eh. Bakit kaya sila nagbreak?"
"Ewan. Balita ko si Zyrus daw ang nakilagbreak"
"Baka hindi nya talaga mahal si Mezy at narialize niya na tayo talaga ang mahal nya hahahahaha!"
"Hahahahaha sira"

Mga chismosa nga naman. Hindi ko alam kung paano nila nalaman.

Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad.
Maya-maya----

Bakit palagi ko nalang silang nakikitang magkasama? Ang relasyon nila? -.-

"Punta tayong bar mamayang gabi ah! " sabi nung kumag. Hindi ko naman maiwasang hindi makinig sa kanila. Aba, yung mahal ko ata ang kinakausap nya.

"Yoko -.-"

"Sigeee naa! Please? Sama kana sa amin. Iinom lang naman tayo ng kunti    eh. Sama na yan! Sasama na yan!"

"A. YO. KO. -.-"

"Ehhhh!  Sigeee na kaa---"

"Tol! Anong klaseng boyfriend ka? Sarili mong girlfriend yayain mong makipag-inoman sa isang bar? Sira ba ulo mo?" Wala akong paki-alam kong bigla nalang akong sumingit sa usapan nila. Ang mahalaga mapigilan ko siya. Walang respeto sa babae eh. Kaasar.

"Who are you? At anong sinasabi mong girlfriend? Boyfriend?"
Napakunot noo naman ako. Nung tiningnan ko kung anong reaksiyon ni Mezy---

"Tsk -.-"

My Cold-Hearted Girlfriend Where stories live. Discover now