Chapter 14

1.6K 46 0
                                    

Mikko's POV

Pagkatapos ng klase dali-dali akong nagpa-alam sa mga kasamahan ko na mauna lang ako.

Luckily, pumayag naman sila without asking why.

Bakit nga ba ako nagmamadali?
Malalaman nyo din.

Dali-dali kong pinaharurot ang sasakyan papunta sa lugar na sinasabi niya.

Pagdating ko, nakita ko naman kaagad siya. Lumapit siya sa akin at yayakapin sana ako pero umatras ako para maiwasan ang yakap nya.

"Honey!" naiinis nyang giit dahil siguro hindi ko siya hinayaang makayakap.

"Don't you dare call me honey, Frexy! Tapos na tayo oy! Ang kapal din naman ng mukha mo. Bakit mo ako pinapunta dito?" malamig kong tanong sa kanya.

Pang-akit na ngiti ang ipinakita niya pero hindi na ako maluko sa mga walang kwenta nyang ngiti. Hindi na ngayon.

"Gusto kong makipagbalikan sayo Mikko"

Napatawa ako ng wala sa oras

"HAHAHA! Nagpapatawa ka? Ilang beses ko bang kailangan sabihin sayo na tapos na tayo at ayoko na sayo. Sawang-sawa na ako sayo! Naiintindihan mo?"

"Alam kong mahal mo pa ako Mikko!"

Hindi ko alam na joker na pala siya ngayon.

"Assuming. Hahahaha. Sorry to disappoint you but I don't love you anymore"

Inis na inis na ang mukha nya pero wala akong paki-alam.

"Wala ka nang sasabihin? Alis na ako. Sinasayang mo lang oras ko sa mga walang kwentang bagay."

Malamig kong sabi sa kanya at akmang aalis na pero niyakap niya ako.

"Makipag balikan ako sayo sa ayaw at gusto mo, Mikko" disperada nyang sabi sa akin.

Marahas kong tingal ang kamay nya. At nilingon siya na may galit sa mukha.

"A. YO. KO. Itigil mo na ang kahibangan mo Frexy"

"Mikko--"

"Alam mo Frexy, isa akong lalaki at ang masasabi ko lang sayo bilang isang babae, alam mo kong ano? Ang landi mo!"

Alam kong nasasaktan ko siya sa mga sinasabi ko pero kung yun ang kailangang sabihin para tigilan na nya ako, sasabihin at sasabihin ko talaga yun.

"Kung hindi mo ako balikan, magpapakamatay ako"

Psh. Nilingon ko siya at nginisihan.

"Go ahead! Gusto mo samahan pa kita eh"

Ako ba ang tinatakot nya? Hahaha putspa.

Sumakay na ako sa kotse nung sumigaw siya.

"Idadamay ko ang mahal mo sa buhay Mikko. Sasaktan ko sila katulad ng sakit na pinaranas mo sa akin!"

Bumaba ako ng kotse at galit na galit na tumingin sa kanya.

"Sira-ulo ka ba Frexy? Ikaw ang unang nagloko sa relasyon natin, tandaan mo yan Frexy! At subukan mo lang idamay ang pamilya ko, doble ang sakit na ipaparanas ko. Hindi pala doble, walang kataposang sakit"
Maanghang kong sabi sa kanya.

At galit na ibinagsak ang pinto ng kotse at umalis sa lugar na iyon.

Si Frexy, siya ang ex ko. Ang dating MINAHAL ko. Pero katulad lang din pala siya ng ibang babae, manloloko.

Bakit nga ba kami nagbreak?

*Flashback*

"Happy Birthday Honeeyyy!" masayang bati ko sa kanya through call.

My Cold-Hearted Girlfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon