Chapter 16

1.6K 50 5
                                    

ZYRUS CRIS' POV

Matapos ang nangyare, mas lalong naging cold sa amin si Mezy. Pili lang ang kanyang kinaka-usap.

Kalasalanan to namin eh. Kung hindi ba naman kami kalahating tanga edi sana hindi lumala ang coldness nya sa amin.

Pero may isang parte ng katawan ko na natuwa sa nangyre dahil sawakas, nalaman din namin kung bakit ganon nalang siya kacold.

"MEZY BABEEE! PUNTA TAYONG CAFETERIA!" ito na naman si Meez, kinukulit si Mezy.

Minsan ang sarap nyang sapakin kasi palagi nyang tinatawag na Babe si Mezy. Ako lang dapat ang tumawag sa kanya ng ganyan eh.

Kaya lang, wala na palang kami.
Tinapos ko na.

Kaya wala akong karapatang magselos ngayon.

Pero kasi, hindi ko talaga mapigilang hindi magselos.

Mahal ko yung tinatawag mong babe oy! Gusto mo ng sapak? Psh.

Tiningnan lang siya ni Mezy at umalis ng walang sinabi.

Pfft. Hahahahahaha. Bagay lang sayo yan.

Galit akong tiningnan ni Meez.

Eh? Ina-ano ko siya?

"Are you laughing at me?" galit nyang tanong.

Napakunot noo naman ako.

"Narinig mo?" taka kong tanong sa kanya.

"So, pinagtatawanan mo nga ako?"

"Paano kung sabihin kong, OO?" pang-iinis ko lalo sa kanya. Kala mo ha.

"Bakit mo ako pinagtatawanan?"

"Paki mo ba?" nakangisi kong tanong. Pang-inis lang.

"Dali na! Sabibhin mo sa akin kung bat mo ako pinagtatawanan" yung kaninang galit nyang mukha napalitan ng pagtataka.

Sira-ulo ba siya? Hindi nya talaga alam?

"Bakit gusto mong malaman?"

"Baka kasi gusto mo ng karamay sa pagtatawa mo. Mag-isa ka lang kasi. Alam mo na, baka iisipin ng ibang tao na baliw kana. Concern lang naman ako sayo. So ano na? Gusto mo samahan kita sa pagtawa? HAHAHAHAHAHAHA. dali! Tawa kana din. NYAHAHAHAHAHAHAHA! oh? Bat ayaw mong tumawa ngayon?"

Bakit baliktad na ngayon. Diba ako dapat ang mang-inis? Bakit ako ang nainis ngayo?

"HAHAHAHA SIRA-ULO KA TALAGA PARE!" natatawang comento ni Mikko at sinapak siya.

"Wag mo ngang ganyanin si Zyrus, baka iiyak NYAHAHAHA! dali na punta na tayong cafeteria"

Sapakin ko na sana si Mikko ng humarang naman si Zhee at sumunod sa dalawa. Sira-ulong Meez at mas sira-ulong Mikko.

Kung hind lang siya kuya ni Mezy, matagal ko na siyang binugbog.

Pasalamat siya, May bait pang natitira sa katawan ko. Tsk.

Padabog akong umalis ng classroom at naglakad sa kung saan-saan. Malayo sa mga sira-ulong yun.

Pupunta na sana ako ng library ng makita ko si Mezy sa ilalim ng puno na naka-upo.

Linapitan ko, chance ko na to.

"Mezy babeee!" nawala bigla ang inis ko nung makita siya. Hay! Ganyan ata talaga ang pag-ibig. Lalalalalala hahaha!

Nilingon nila lang ako saglit at ibinalik din kaagad ang tingin sa kanyang librong binasa.

Nakakatuwa dahil kahit papano nilingon niya ako. Hehehe!

"MEZYY BABE! PATABI AKO HA!" nakangiti kong paalam. Nang wala akong makuhang sagot, umupo nalang ako sa tabi nya. Hindi naman siya nagrereklamo.

"Hindi ko alam na mahilig ka palang magbasa ng libro hehe" panimula ko.
Pero katulad ng ina-asahan, hindi nya man lang ako nilingon. Wala ring mga salita ang lumalabas sa bibig nya.

Kahit ganon, hindi parin ako susuko. Sapat na sa akin na makinig siya sa akin.

"Kumusta kana?" wala sa sarili kong tanong. Wala parin akong nakuhang sagot.

Para ko lang kinaka-usap ang hangin hahaha. Para na akong baliw nito.

"Sorry ha. Sorry sa nga nasabi ko noon sayo. Sorry kung hinusgahan kita kahit hindi ko pa alam noon kung bakit ka nagkakaganyan. Sorry kasi hindi ko muna inalam. Sorry talaga Mezy" sinsero kong sabi sa kanya.

"..."
Napangiti ako kasi huminto siya sa pagbabasa at alam kong nakikinig siya sa mga pinagsasabi ko kahit kindi siya nakatingin sa akin.

"At sorry din sa nagawa ko noon. Yung  panloloko sayo. Aaminin ko na sa una, intention kong saktan ka. Papa-ibigin at hindi saluin. Pero baliktad pala ang nanyare. Ako ang unang nahulog sayo.  Akala ko mahal mo ako nun, pero sadyang assuming lang talaga ako. Haha.

Noong nakipag hiwalay ako sayo, hindi ko pa alam nun na mahal na pala kita.
Nalaman kona na mahal kita noong mag-isa nalang ako.

Alam mo ba, pumunta akong bar noon, hindi ko alam kung nananadya ba talaga ang tadhana at Let her go ang music. Sira-ulo talaga ang nagpapatugtog nun. Hahaha.

Sobra akong natamaan sa line na 'Only know you love her when you let her go'

Tama nga, nalaman ko lang na mahal na kita noong binatawan na kita.

Kahit nagpapanggap ka lang noon na mahal mo ako,
Malaki parin ang pagsisisi ko sa nagawa ko.

Naisip ko kasi na, kung totoo sanang minahal kita noon, baka sakaling mamahalin mo rin ako.

Na kung sana hindi ako nagpapanggap noon, baka salaking hindi ka din nagpapanggap.

Sensya na kung assuming ako ha. Haha.

Sobra akong nagsisi sa nagawa ko sayo, Mezy. Sana mapatawad mo pa ako. At gagawin ko ang lahat mapatawag mo lang.

Mahal na mahal kita Mezy. Sa maniwala ka o hindi, totoong mahal kita. Walang halong pagpapanggap.

Handa akong gawin ang lahat, maibalik lang ang ngiti mo.

Sana maniwala ka"

Sawakas! Nasabi ko na din ang matagal ko nang gustong sabihin. Masaya na ako kahit wala siyang sanasabi, basta makinig lang siya.

Nung sinabi ko yun sa kanya ang lakas ng tibok ng puso ko. Mahal ko nga talaga siya.

Nakangiti akong tumayo at tiningnan siya

"Sige, aalis na ako ha. Bye Mezy babe!"
Nakangiti kong saad at naglakad na paalis.

Pero hindi palang ako nakalayo, rinig kong nagsasalita siya.

"You can't love a person that is already dead"

Malamig nyang giit at umalis.

Para akong binuhosan ng napakalamig na tubig.

Anong ibig nyang sabihin?

--------------------


My Cold-Hearted Girlfriend Where stories live. Discover now