Chapter 3

2.8K 81 2
                                    

Mezy's POV

"BABE! WALA NA BANG MAS MAHIRAP DITO?"

"Meron pa"

"GRABE! PARANG MABIBIYAK NA ANG ULO KOOO!"

"OA mo"

"Seryoso! Paano ba 'to? Wala bang clue dyan?" nakapout niyang tanong. Anytime, tutulo na talaga ang luha niya.

"Clue, MC"

"Anong klaseng clue yan? MC? Yun ba yung may hawak lagi ng mic?"

"Malay"

Gawa-gawa ng agreement tapos ngayon parang batang inigawan ng candy.

Gusto niya daw akong halikan, and I said in one condition.
Ipapadecode ko sa kanya to. Parang napilitan pa ata siyang pumayag pero wala siyang magagawa.

-•-/••/•••/•••//--/•

Easy, right? -.-

Kung madecode nya yan, edi congrats.

Nasa bahay kami at isang oras na siyang nakatunganga sa code na yun. Wala sila mama at papa. May lakad ata. At pumayag naman silang makapunta si Cris dito. Natuwa nga sila nung nalaman nilang may boyfriend na ako.
At.... Well, nagpaparty lang naman sila -.-

"Tapos na?" nanunood ako ng tv samantalang siya nasa sahig....

Nakahiga habang titig na titig sa code.

"Paki hinaan naman yang tv babe oh"

"Volume 1 na 'to"

"Ganon? Haaaayyss! Hindi ko talaga makuha babe! Ang hirap! Pwede ba tong isearch sa google?" sabi niya at pagulong gulong sa sahig. Hindi pa naman ako nagwalis.

"Pwede"

"TALAGA? GRABE KA BABE! PINAHIRAPAN MO PA AKO. Saan na ba yung cellphone ko?"

"Pero walang kiss"

"ANG DAYA MO NAMAN BABEEE!"

"Sinigaw-sigawan mo ba ako?"

"HA?  HINDI AH!  MALAKAS LANG TALAGA ANG BOSES KO BABE! HAHAHAHA MASANAY KA NA! HALIKA NGA! KAIN NALANG TAYO"

Alam kong hindi maganda ang ugali ko. Alam kong sobrang cold ko. Anong magagawa ko? Every time na pipilitin kong maging friendly at hindi maging cold, para kong kinakalaban ang sarili ko. Labanang nakakabobo. Ako laban sa sarili na kung saan palagi naman akong talo. Nakakabobo!

Kumain kaming tahimik. Natapos na tahimik. Sa kauna-unahang pagkakataon. Nawawalan ata siya ng lakas mag-ingay ngayon sa sobrang dismaya.

Hindi lang nakakahalik. Psh

"Kain tayo" aya ko sa kanya.
Napaangat naman siya ng ulo.

"Okay ka lang babe? Kakakain lang natin ah? Gutom ka parin? Gusto mo halikan nalang kita para mabusog ka?  Hehe" kahit kilan talaga.

"Ng ice cream"

"Mas matamis pa ang halik ko kaysa ice cream babe! Wanna taste?"

-.-

"Ayaw mo? Ge bye"
Nasa pinto na ako nang inakbayan niya.

"Hehehe biro lang babe eh! La ka talagang sense of humor"

"Oh?"

"Wala ka ding taste of touch, smell, sight, sense of....... Ano nga yung dalawa?"

"Sense of stupidity and abnormality"

"Ah? Parang mali ata babe!"

"Tsk"

"Babe!! Wag kang lalayo sa akin ha? Ang lagkit ng tingin sayo nung lalaki!"

"Yaan mo"

"Anoo? Hindi pwede yun! No! Big no! Akin ka lang"

"Corny mo"

"Di bali nang maging corny basta hindi ka nila maagaw sa akin"

"Nahiya naman ako sa mga babaeng nakatingin sayo" hindi ako selosa pero hindi rin ako mabait.

"Teka! Pinagseselosan mo ba sila babe?" nakangisi niyang tanong at mas lalong hinigpitan ang akbay sa akin.

"Mahal mo ba sila?"

"Ha? Hindi no! Ikaw lang ang mahal ko!"

"So, bakit naman ako magseselos sa kanila?"
Pangi-ngiti naman siyang naglakad papuntang surbentero at iniwan ako.

"Manong dalawang ice cream"

"Anong flavor iho?"

"Flavor po ng pagmamahal paki puno nalang po para mas dama hehe"

Sira talaga -.-

"Hahaha iho? Nakadrugs ka ba?"
Pfft -.-

"Opo! Nakadrugs po ako at siya ang drugs ko and now I'm addicted to my drug"

"Chocolate flavor" singit ko sa kakornihan niya. Mukhang malapit nang mapikon si manong eh.

"Ito na iha. Mukhang patay na patay sayo yang boyprin mo"

"Opo! Ako'y patay na patay sa aking kasintahan. At gagawin ko ang lahat para sa kanya"

At nag-imagine pang may kinaka-usap sa hangin.

"Cris" tawag ko sa kanya. Pinagtitinginan na siya ng mga tao -.-

"Cris" pangiti-ngiti parin siya sa hangin.

"Babe"

Mabuti naman, napansin nya rin ako.

"Anong tinawag mo sa akin?"

"Babe-.-"

"Omo! Kita niyo? Woooo! Tinawag nya akong babe!! Mahal niya talaga akong tunay! Hahahaha"

Kung nakakatunaw lang ang mga titig malang kanina pa kami tubig dito.

"Babe!! Ang saya niya daw!"

"Sino?"

"Yung puso ko!"

"Tsk! Tara na nga!"

--------------------

My Cold-Hearted Girlfriend Where stories live. Discover now