Chapter 17

1.5K 46 0
                                    

ZYRUS CRIS' POV

Ilang araw akong hindi nakatulog don sa sinabi ni Mezy.

Already dead? Siya? Patay na?
Eh ano yung nakikita ko na Mezy? Kaluluwa?

Argh! Nakakabobo to!

Sana hindi ganon yung ibig nyang sabihin. Dahil baka mababaliw na ako nito.

"MR. REZO!"

Dali-dali akong napatayo. Kanina pa ako tinatawag ni Ma'am?

"Po?"

"Kanina pa kita tinatawag Mr. Rezo! Bakit wala ka sa katinuan? May mali ba?"
Hindi siya katulad ng ibang teacher na magagalit agad. Siya yung tipong maalalahanin, maalaga sa kanyang estudyante at mabait.

"Ah. Wala naman po hehe. Sorry po"  hingi ko ng paumanhin at nagpeace sign.

"Sigurado ka?" ang bait nya talaga.

"Opo ma'am" sabi ko sabay tango.

"Sige, upo kana haha!" natatawa nyang tugon. Maski ako napatawa na din. Sa gulat ko kanina, napatayo nalang ako bigla.

Dahan dahan akong umupo. Narinig ko pa ang mahinang tawa ni Meez sa likod. Psshhh!

Childish!

"Class, Alam kong sa edad nyong yan, macocornihan kayo sa tanong na ito, but let me ask you this, for you, what is love?"

Love? Hmm.
Bakit ganon? Napangiti nalang ako ng walang dahilan. Hahaha love daw.

Ano nga ba ang love?

"ma'am"

"Yes? Meeziko?"

"Ma'am! Love is the feeling, I feel that I never felt before! Hehe"
Feel na feel nyang sagot.

"Parang may pinaghuhugotan ah? Sinong maswerteng babae yan?"
At sabay din sa lahat ng bagay ang teacher naming 'to.

"Walang iba ma'am kundi ang nag-iisa kong babe! MEZY BABEEEE!"

Galit ko siyang nilingon.

Akin-lang-siya-look! Walang makaka-agaw kay Mezy sa akin. Magkamatayan man.

"OY! OY! Joke lang pala ma'am! Hahahaha may MGA isdang nagagalit sa tabi-tabi. Nyahaha!"

"Aray! Ma'am oh! Yung isang isda, sinipa ako!! Huhuhu"

Isang isda? Zhee? Sabi ko na nga ba! May gusto din to kay Mezy! Kailangan kong mag-ingat sa kanya. Hindi ako magpapatalo.

Pareho silang cold, kaya hindi sila bagay. Mas bagay kami ni Mezy!

"Tama na yan. Haha! Who wants to answer what does love mean's? Anyone? Miss Gray?"

Napalingon ako sa kanya. As usual -.-ganto parin ang expression.
Tumayo naman siya. Mukhang kaming lahat nag-aabang sa isasagot nya ah. Sino ba namang hindi?

Minsan lang yan magsasalita. Kaya kapag nagsasalita yan, dapat pakinggan mo.

"Love" paninimula nya. Lahat kami nakatingin sa kanya.

"Love? Love never ends" malamig nyang sagot at umupo.

Walang umimik sa amin. Nagkaroon ng kunting katahimikan.

Maya-maya,

"Love never ends..." ulit ni Ma'am sa sinabi nya.

"I also believe that, love never ends" nakangiting dugtong ni Ma'am.

Natapos ang klase namin na puro love ang pinag-uusapan.

"Class, please advance study in page 126. See you tomorrow "

My Cold-Hearted Girlfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon