Ang hirap lang na kailangan niyang mag-move on kahit na hindi naman naging sila. Tsk.

"Uy, Fina," bulong ka'gad sa kanya ni Ellie nang tabihan na niya ito sa loob ng classroom. "Ba't ngayon ka lang dumating?"

"Tinatamad akong pumasok." Nilapag niya ang bitbit na bag at payong sa sahig. "Nag-umpisa na ba?"

"Hindi pa. Swerte mo, 'di pa binibigay ni prof mga test papers. Ano na naman ba kasing nangyari sa 'yo? Uminom ka na kasi ng paracetamol."

"Ayoko. Kaya ko naman 'to. 'Wag ka nang mag-alala."

Alam kasi ni Ellie na ilang araw nang pabalik-balik ang lagnat niya. Feeling niya nade-depress lang siya kaya ganito kabigat ang pakiramdam niya. Lamig na lamig pa nga rin siya kahit na suot na niya ang pinaka-makapal niyang jacket. Malas pa dahil may bagyo. Sobrang lamig tuloy ng hangin sa labas. Tapos antok na antok pa siya ngayon dahil sa kaka-aral kagabi kahit na wala namang pumapasok sa utak niya.

"Mamaya pupunta tayong clinic, ha," dagdag pa ni Ellie. "Pasaway ka talaga. Mag-vitamins ka na nga. Ang sakitin mo talaga kahit kailan."

Pero umiling lang siya. "'Wag na kasi. May dala naman akong gamot. Iinom ako 'pag 'di ko na talaga kaya. Tsaka may pupuntahan ako mamaya pagkatapos ng exam."

"So, sa lagay na 'yan kaya mo pa? E putlang-putla ka na nga, eh. Mamaya bigla ka na lang bumagsak diyan, ha. O, sa'n naman punta mo after exam? Dapat magpahinga ka na lang."

"Sa mall. May bibilhin akong libro, tsaka kukunin ko na rin 'yong padalang pera ni Mama."

Nag-umpisa nang ipamigay ang mga test papers.

Kinuha na niya ang ballpen niya mula sa bag at hinanda ang sarili para mag-exam. Ang totoo, wala talaga siya sa mood mag-sagot. Kung pwede lang magpa-reschedule ng exam ginawa na niya. First time itong nangyari sa kanya. Hindi siya gaanong nakapag-aral pero gagawin niya lahat para makasagot. Hindi siya pwedeng bumagsak.

**

Matapos kunin ang padalang pera ng Mama niya, dumiretso na si Fina sa book store kung sa'n niya huling nakita ang medical book na matagal na niyang gustong bilhin.

Swerte nga't may natitira pang isang kopya kaya't kinuha na niya agad para bayaran.

Papunta na sana siya sa counter nang marinig niyang may nahulugan ng mga gamit 'di kalayuan sa pwesto niya. Tiningnan niya agad and she saw a short-haired girl na may yakap-yakap na mga school supplies at nag-aalalang nakatingin sa mga nahulog nitong ballpens sa sahig.

Nilapitan niya ito para tulungan. Siya na ang pumulot sa mga ballpens.

"Wala ka bang basket, miss?" tanong niya pa rito habang nagpupulot. Ang dami-dami naman kasi nitong bitbit.

"Uhm, kumukuha pa kasi 'yung boyfriend ko," maamo nitong sagot. "Thank you, ha? Gumulong kasi sa ibabaw ng mga notebooks ko, eh."

"Cielo!" Biglang tawag naman ng isang lalaki. "What happened? Sabi ko hintayin mo 'ko, 'di ba?"

Natigilan si Fina sa pagpupulot.

Hindi siya maaaring magkamali, kilalang-kilala niya ang may-ari ng boses na tumawag sa babae.

Lumingon siya na hawak-hawak na ang mga ballpens. At akala mo'y may kuryenteng biglang bumalot sa katawan niya nang makita niya si Jett sa tabi mismo ng babaeng tinulungan niya. Pinanglalakihan pa nga ito ng mga mata pagkakita sa kanya.

Namanhid ang buo niyang katawan. Nagpalipat-lipat pa siya ng tingin sa dalawa dahil hindi siya makapaniwala sa nakikita niya ngayon.

Tsaka lang niya na-realize lahat-lahat! Girlfriend ba nito 'yong babae? May girlfriend si Jett? 'Yon ba ang dahilan? Biglang uminit ang sulok ng mga mata niya. Napayuko na lang agad siya kasi pakiramdam niya bigla na lang siyang maiiyak.

Akmang tatalikod na sana siya para lumayo, pero bigla siyang tinawag no'ng babae.

"Miss, 'yung ballpens ko. Nandito na boyfriend ko eh, may dalang basket."

Do'n lang niya naalala ang hawak niyang mga ballpens. Mabilis niyang inabot ang mga 'yon sa babae at dali-dali nang naglakad paalis nang wala man lang sinasabi.

Tinungo niya ang pinaka-malapit na counter nang hinang-hina at manhid na manhid ang buong katawan.

Ngayon lang naging malinaw sa kanya ang lahat.

Napagtagpi-tagpi na niya ang mga bagay-bagay. May girlfriend si Jett! At 'yon ang dahilan kung bakit hindi sila pwedeng magpansinan sa campus, kung bakit gano'n ang set-up nila, at kung bakit hindi pwedeng maging sila! My God! Ang tanga niya lang para hindi maisip na may girlfriend ito! Napakahusay nitong magtago na talagang hindi man lang siya nakahalata!

Parang gusto niyang mag-breakdown dahil sa nadiksubre niya. Kamuntik na niyang ibigay ang lahat, ah!

Pagkatapos magbayad sa counter ay agad na siyang umalis ng bookstore para umuwi. Pero hindi pa siya gaanong nakakalayo nang mapansin niyang sinundan pala siya ni Jett.

"Fina, sandali. Mag-usap muna tayo."

TO BE CONTINUED

Thanks for reading! Kindly share your thoughts or feedback via Facebook and Twitter. And please don't forget to include #MendingFina or #MF in all your posts/tweets.

Mending Fina [COMPLETED]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن