Marry you 17

82 6 0
                                    

Marj

Kinuha ko yung bag ko sa tabi lang ng hospital bed, kukunin ko sana yung phone ko dahil magpapabili ako ng chiko. Si Lyka kasi nag-grogrocery, eh nakalimutan kong magpabili.

Kinalkal ko sa bag ko yung phone ko ng mahagilap ng mata ko yung keychain na recorder na binili ko noon.

Hindi ko alam na magagamit ko to sa malungkot na paraan. Ibibigay ko sana to sa monthsary or anniversary namin pero hindi.

Kinuha ko yun at inihanda yung sarili ko

I made my decision.

Pinindot ko yung button nung keychain. Nagrerecord na ito pero wala akong maisip na sasabihin, hindi ko alam kung pano ko sisimulan.

Sigurado na ba ako?

May pumatak na luha sa kamay ko, naiiyak nanaman ako. Kung ano man ang nasa isip ko, hindi ko na binigyang pansin.

"Ehem"

"Hi dy!" Paninimula ko.

"Kamusta ka na kaya dyan? Ako? Mm.. ok lang ako dito. This past few days napapansin kong pagod ka pero pinilit mong tuparin yung promise mo na always kang tatawag."

"Dy, nga pala. Ubos na yung kisses na binigay mo, tsaka nga pala dy..."

"Umm kasi dy ano.... kinaya ko naman eh, *snift* sana maisip niyo na kahit papaano lumaban ako. I really really need you right now dy"

Nalabas ko na talaga yung iyak ko pero di ko pinarinig yun sa record. Para akong isang bata na humihingi ng candy.

"Dy kailangan kita ngayon *snift* gusto kong hawakan kamay mo na malaman ko na safe ako at gusto ko na pag-gising ko ikaw agad ang yung makikita ko. Yung mafeel ko na hindi ako nag-iisa kasi nasa tabi kita. Natatandaan mo pa ba dy yung promise natin na bubuo tayo ng magandang pamilya, yung masayang pamilya. Dy... matutupad na yun dy. Ikaw nalang ang kailangan. Malapit na uwi mo, marami akong gustong sabihin sayo pero... sa tingin ko d'dito ko na masasabi. Dy y-you are now a father Tristan"

"Ang saya diba? Dapat nandito ka na dy. Makita mo na lumaki na si baby sa tyan ko, yung sinasabi ko pa sayo na lutuan mo sila ng masasarap na pagkain. Mamahalin mo rin sila ng buo tulad ng pagmamahal mo sakin. Ito na yung pangarap natin oh, dumating na. Gusto ko nga sana ikaw ang unang makaalam na buntis ako pero tinago ko sayo yun. Sana patawarin mo ko dy. I'm sorry."

"Seeing me like this, alam kong maaawa ka sakin. Ayokong pahirapan pa kita, yung makikita kitang inaalagaan ako kahit may trabaho ka, ayokong mangyari yun. Kaya ko naman sarili ko dy, dy.. ang daya daya ni Lord oh. Pinaglalayo tayo. Dy.. I'm suffering from Cancer.. Cancer sa dugo, Leukemia yun. I chooses our baby than my life because I know this is our dream, sisirain ko pa ba? Tanga na ba ako? Dy sana sa paguwi mo makikita mo pa ako, makikita na ayos lang yung lagay mo kasama si baby pero...."

"Pero dy baka bago mo marinig to w-wala na ako..."

Tulo lang ng tulo ang mga luha ko. Napakasakit kasi isipin na ako na yung sumuko. Sa sitwasyon kasi namin lahat kami masasaktan. Ito na ba yung sinasabi nilang walang forever? Saklap grabe.

"Dy mahal na mahal na mahal na mahal kita. Sobra. Ingatan mo sarili mo dy ah. Wag mong papabayaan sarili mo gaya nung pag-alaga mo sakin. I... love.... you... Tristan Jim Asuncion, my one and only dy."

Pinindot ko na yung button.  Itinago ko yun sa ilalim ng unan ko at tuloy ng humiga.

Nahihirapan akong huminga dahil sa pag-iyak ko.

I only stared on the cross in front of me on the wall. God plano niyo ba to? Bat ang sakit?

Marry You (COMPLETE)Where stories live. Discover now