Marry you 14

64 4 0
                                    

Marj

Nagising ako dahil bumungad na sakin agad si araw sa bintana ko.

Nawala na yung paglamig ko kagabi pero yung sakit sa ulo ko, medyo nawala.

Tumayo na ako dahil kaya ko ng tumayo hindi kagaya kagabi na matutumba na ako.

Katatapos ko lang maligo at nagtext sakin si dy.

Dy

Goooooooood morning mi! You know what, napanaginipan kita:) did you sleep well? Ako, oo. Yung sinabi ko sayo kagabi na kumain ng MARAMI. Walang makulit. And also, ingat papuntang school ha. I love you so much <3

Pagkabasa ko nireplyan ko na rin siya baka kasi magalala pa pag hindi ako nagreply

Good morning din my daddy:)) I salute you sir! Gagawin ko po yung sinabi niyo;) Ingat ka rin dyan. I love you too dy <3

Send to Dy.

Pagkatapos kong magbihis, dumiretso na ako sa sasakyan ko kaagad. Sa labas nalang ako bibili, di ko kasi kayang magluto. You know, nahihilo ako.

Nag-order lang ako ng pritong isda para mabiis, malapit rin lang kasi dito yung school sa pinagbilhan ko ng ulam. Kung sa cafeteria kasi, pang lunch lang ang meron dun tsaka ngayong umaga mga drinks at tinapay lang.

Pumunta ako sa cafeteria ng school para dito kumain. Hindi na duon sa pinagbilhan ko. Maaga pa naman kaya wala akong kasama pero may konting estudyante dito ang naguusap at umiinom.

Pagkabukas ko nung ulam parang bumaliktad yung sikmura ko. Feeling ko masusuka ako dito sa amoy.

Bat ang baho? Nakasukang amoy. Bagong luto palang naman ito, isda lang naman to. Ah baka hindi fresh yung isda.

Tatakpan ko na sana pero ng maamoy ko ulit, dun ko na hindi kinaya yung amoy. Tumakbo ako papuntang CR at nagsusuka duon pero nagulat nalang ako ng may kasamang dugo.

Anong nangyayari sakin?

______

Ng lumabas na ako ng CR pinatapon ko na yung binili ko kanina. Gusto ko sanang kainin yun pero hindi talaga gusto ng tyan ko. Sayang pa naman.

Bumili nalang ako dito sa cafeteria ng tinapay at bear brand sterilize milk. Atleast ok na to.

Pumunta na ako sa classroom pagkatapos, nagsisidatingan palang yung iba kong estudyante kaya naglay down muna ako sa lamesa. Inaatake nanaman kasi ako ng hilo ko.

Tinignan ko yung kisses na binigay ni dy. Hindi pa nakakalahati, hayy.

"Teacher Marjo, are you alright?"

Tinignan ko kung sino yung nagsalita pero isa lang pala sa mag-aaral sa klaseng to. Ang cute cute niya tsaka siya ang pinakamaaga na pumasok. How I wish ganyan ka cute yung ang magiging anak namin ni dy.

"I'm fine Chelsea" sagot ko sa kanya.

Halata namang naniwala siya sa sagot ko kaya umupo na siya sa upuan niya.

Napabuntong hininga nalang ako. Feeling ko pinagbagsakan ako ng langit at lupa. Gusto kong matulog.

Ok lang yan Marjo! Half day lang naman kayo ngayon.

Kumuha nalang ako ng kisses, sabi kasi magiging energetic ka kapag kumain ka ng chocolate sabi ng kapatid ko na si Juris. Kaya nga di niya pinapakain yung mga hayop niya ng chocolate, magiging hyper daw kasi sila. Kaya minsan delikado.

Thanks to dy binigyan ako nito.

~

"Class do your activity quietly ok?" Sabi ko sa kanila.

"Yes ma'am" sagot nila.

"Ok good"

Binigyan ko sila ng activity para makapagpahinga ako. Yung activity naman na yun ay tapos na naming pag-aralan kaya ok lang na magpagawa ako sa kanila. Kaya kahit ilang minutes lang makapagpahinga ako.

Umiikot nanaman kasi mundo ko, di ko na kaya. Buti nga nagawan ko pa sila ng activity.

Babalik na sana ako sa table ko ng  lumabo yung paningin ko. Sumandal ako sa kung anong mahawakan ko. Lumala yung hilo ko.

Dumidilim na yung paningin ko at minsan bumabalik sa normal. Kumirot yung ulo ko kaya napahiga na ako ng tuluyan. Pinipilit kong tignan ng mabuti yung nangyayari kasi pati mata ko naapektuhan, feeling ko namumutla ako.

Ahhhhh!

Di ko na kaya yung sakit! Yung sakit ng ulo ko.

"Teacher Marjo!"

Huling beses na narinig sa aking estudyante at tinuluyan na ako ng kadiliman.

____

Marry You (COMPLETE)Kde žijí příběhy. Začni objevovat