Marry you 10

77 4 0
                                    

Marj

"Dy tawag ka pag may time ka ah" sabi ko bago bumaba ng sasakyan.

"Syempre mi, tatawag talaga ako. Ingat mi.. I love you" sabi niya.

"I love you too dy" sabay halik ko sa kanya. Good bye kiss kumbaga.

Lumabas na ako ng sasakyan ng may humawak sa kamay ko.

"Mi I have something to give you" sabi niya.

May ibibigay nanaman siya? Nakakarami na ah, nakakahiya tuloy tumanggap.

"Ano yun?"

"Here" sabay abot sakin nung box

Hay si dy talaga hindi nauubusan ng gift.

"Thank you dy"

Inantay ko siyang umalis bago pumasok sa paaralan na pinagtuturuan ko.

Habang naglalakad ako papunta sa classroom ng mga estudyante ko maraming bata ang bumabati sakin.

"Good morning cher"

"Hi teacher Marjo!"

"Good morning teacher marjo, it is nice to see you today"

Ang cucute talaga nila tignan. Nagtuturo ako ng Elementary. I prefer to teach childrens than sa mga higher grades. I love childrens actually.

Ano kayang magiging itsura ng magiging baby namin ni dy? Boy kaya o girl?

"Oi ano yan? Regalo nanaman ni kuya no?" Sabay kuha nung box na dala ko.

She is Lyka Asuncion, kaibigan ko and soon to be sister-in law daw haha.

Matagal ko ng kaibigan tong si Lyka since nung magcollege ako. Saka ko nga nalaman nung umuwi ako sa kanila. I saw Tristan there.

Karamihan kasi may kaepilyedo ka pero di mo kaano ano. Yun yung naisip ko sa kanilang dalawa.

Close sila ng kuya niya nun at siya rin ang way namin ni dy para mag-usap pero simula ng magkatrabaho itong si Lyka nag-sarili na siya pero nagkikita pa naman sila ng kuya niya. Gusto niya daw kasi ma-try maging independent kagaya ko na wala ang parents.

Kinuha niya yung box at balak niyang buksan pero pinigilan ko.

"Oi wag mo nga buksan, ako ang magbubukas niyan. Bigay sakin to hindi sayo noh" saka ko kinuha yung box

Mukha nga kaming bata dito na pinag-aawayan yung box.

"Sus.. maganda lang ang lovelife mo eh" sabi niya sakin

"Maghanap ka kasi ng sayo"

"Wala~ natraffic lang yun sa mga malalandi, gwapo kasi" sagot niya.

Palagi naman niyang sinasabi yan eh. Tsk bahala siya tatanda siya ng dalaga.

"Bahala ka, tatanda kang dalaga" sabi ko sa kanya na ikinagulat niya. Ayaw tanggapin na tatanda na siya. Haha

"Oi hindi ah, maganda kaya maging single. No problems, no gastos, no stress~- teka!" Sabay hinto namin sa paglalakad.

"Ano yan?" Sabay turo dun sa batok ko. Nakapungos kasi ako kaya siguro may nakita itong si Lyka.

"Yung?" Sabay hawak ko sa  batok ko.

"Bat may pasa ka dyan? Ang laki pa girl oh?"

Huh? Pasa?? Bat meron nanaman akong pasa na hindi ko alam. San ba nanggagaling to?

"Hayst hayaan mo na yan. Sugurl natamaan ako dyan na banda ng hindi ko nalalaman. Alam mo naman malay mo habang natutulog ako. May natamaan nanaman ako"

Marry You (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon