Chapter 1

94.5K 1.4K 78
                                    


Addison's POV


"Anak, bangon ka na diyan dali! May mga bisita ka sa baba." sigaw sakin ni mama mula sa labas ng kwarto.


"Ma sabihin niyo sa kanila bumalik na lang sila mamaya. Kulang pa ang tulog ko." inaantok kong sabi kay mama.


Kulang talaga ako sa tulog dahil tinapos ko pa ang report ko para sa meeting nila Sir Jimenes. Buti na lang at day off ko ngayon kaya mababawi ko ang pinuyat ko kagabi.


"Ayaw mo talaga bumangon? Oh sige, sasabihin ko na lang kila Axel na pinapaalis mo sila at ayaw mo na silang maki-"


Mabilis akong napabangon ng marinig ko ang sinabi ni Mama, "What!? He's here!?"


Omg! Nakauwi na sya!


"Hindi lang si Axel. Nandoon din sa baba sila Marcus, Clyde at Leo. Kaya pag di ka pa bumangon diyan sasabihin ko sa kanilang ayaw mo silang maki-"


Di ko na pinatapos pa ang sinasabi ni mama at nagmamadaling pumunta ng banyo pero bago ako tuluyang pumasok ay hinarap ko ulit si mama.


"Ma pakisabi sa kanila hintayin na lang ako sa baba, mag-aayos lang ako. Pag-almusalin mo na muna sila Ma!" wika ko sabay pasok ng bathroom.


"Oo na! Oo na! Itong batang ito inutusan pa ko." rinig ko pang wika ni mama kasabay nito ay ang tunog ng pagsarado ng pinto.


I'm Addison Natividad, 22 turning 23. Only child.


Kung tatanungin niyo ako about sa parents ko, well my Mom is a housewife. Hindi na kasi sya pinagtrabaho ni Papa simula ng ikasal sila dahil ayaw daw niyang nakikitang napapagod si Mama. Si Papa naman isang OFW.


Yes OFW si Papa. Ang totoo niyan ay may kaya-- scratch that, they're rich. My Dad's family is rich, not that I brag about but yeah! you get my point. That's why hindi ko maintindihan kung bakit laging tumatanggi si Papa kapag sinasabi nila Lolo na sa Company na lang nila siya magtrabaho.


Pero dahil hindi talaga siya mapilit nila Lolo, in the end, hinayaan na lang nila si Papa na gawin ang gusto niya which is mag OFW.


Ang totoo niyan ay sapat naman na yung sahod ko para sa amin kaya nga sinabi ko na kay Papa na gusto ko na syang pahintuin sa pangingibang bansa dahil may katandaan na rin si Papa. Fortunately, nangako naman siya na tatapusin niya na lang daw itong huling kontrata nya at magreretiro na siya.


My Cousins' Obsession Where stories live. Discover now