CHAPTER 29: MANGGANG HILAW

263 12 1
                                    


CHAPTER 29: MANGGANG HILAW

Dere-deretso akong naglakad nang mabilis upang malakabas sa building na iyon. Mabilis akong sumakay sa isang taxi. Lumulan ako na walang patutunguhan at tinalikuran ang taong pinakamamahal ko at kung kanino ko binigay lahat-lahat. Hindi ko lang akalain na ganito na naman ang madarama ko. Nakakatanga dahil sa akala kong ako lang ngunit bakit gano'n na lang ba ako kadaling ipagpalit sa iba?

'I really don't know what's wrong with you and me. But I know one thing for sure that no matter how much you hurt me, I can't stop loving you. And yes, I'm upset. It could be because I thought actually meant something to you, you cared. But I was wrong. What I have seen is enough.'

Anong silbi ng mga 'I Love You' mo noon. Ang pangarap natin na magkasama habang-buhay. Bakit biglang naglaho ang mga iyon sa isang iglap lang.

'Pawang pagkukunwari lang ba ang lahat, Eros?' Muling tumulo ang aking luha. 'Iyong mga aksyon mo, ang paghawak mo, ang mga mata mong maraming emosyon na 'di mabigyang eksplenasyon, 'yong paghatid-sundo mo sa akin, ang kasama kang mamasyal naramdaman ko na mahal mo ako ngunit bakit? Bakit ganoon ang nakita ko sa opisina mo?' Humagulgol ako sa loob ng taxi not minding the taxi driver. Ngunit bigla itong tumikhim.

"Ma'am saan ka po pupunta? Lumalaki na po ang iyong babayaran na metro,"anunsiyo nito.

"Pasensya na po. Dalhin niyo na lamang ako sa isang market kung saan makakabili ng hilaw na mangga," tugon ko rito. Napakunot naman ito sa sinabi ko ngunit sinimulan na rin niyang magmaneho. Parang buwang akong umiiyak kanina ngayon manggang hilaw naman ang hanap ko. Ganito siguro ang buntis. Napahawak ako sa aking maliit na tiyan. Napangiti na lang ako dahil may bunga ang aming pagmamahalan kung totoo man ang kanyang pinakita.

"Ma'am, nandito na po tayo," anunsiyo ni manong taxi driver. Kumuha naman ako ng pera para bayaran ang nasa metros nito.

"Keep the change, Kuya." Lumabas na kaagad ako pagkabigay ko ng pera. Hindi ko na narinig kung nagpasalamat ba ito o hindi na. Salamat na rin dahil hindi nangialam ng may buhay nang buhay ng iba ang mga driver ngayon.

Tumingin ako sa paligid at may nakita 'agad akong pwesto ng naglalako ng manggang hilaw. Mabilisan akong pumunta roon.

"Ate, magkano isang kilo ng mangga?" tanong ko kaagad sa tindera. "Maaari po ba balatan ninyo ako ng isang piraso, please? Nakakapanglaway po kasi itong manggang hilaw kaninang nakita ko ito." Tumango ito at mabilisan niyang binalatan ang manggang hilaw. Hiniwa-hiwa niya ito ng maliliit na pirasa at binigay sa akin. Kinain ko naman ito, tila gumaan ang pakiramdam nang matikman ko ito. Nakita ko namang napangiwi ang tindera.

"Ang sarap po, manang," wika ko. Napatingin ito sa akin habang naglalagay siya ng mangga sa kilohan.

"Buntis ka, hija?" tanong nito sa akin.

"Opo," magalang kong sagot.

"Kaya naman pala isang kilo inorder mo kaagad pagkarating mo rito sa pwesto ko. Alagaan mo iyang baby sa tiyan mo, ha? At bilang ina dapat healthy ka rin at bawal ma-stress. Napansin ko kasing namumugto 'yang mata mo na kapansin-pansin na kagagaling mo lang sa pag-iyak," paalala nito.

"Opo, salamat po sa paalala," tugon ko rito. Kung nandito lang sana ang mama ko baka siya rin ang magpapaalala at mag-aalaga sa akin hanggang lumaki ang aking tiyan ngunit hanggang doon na lang ang pangrap kong iyon dahil nasa kabilang buhay na sila ni Papa.

"Walang anoman, hija," sagot nito. Nagbabalat na naman ito ng mangga at nilagay sa supot. Inabot niya sa akin ito at tinanggap ko naman. Dahil rito, nakita ko na na ubos ko na pala ang kinakain kong mangga. Kumuha ako ng pera sa wallet ko at binayaran na rin ang binili kong mangga.

"Febie, ikaw ba 'yan?" tanong ng isang boses sa aking likuran. Tiningnan ko ito at 'di ako nagkakamali ng akala na si Jack ito.

"Oo, ako nga. Bakit?" tanong ko sa kanya.

"Wala naman. Nakita ko kasi 'yong pigura mo kaya lumapit ako dito at heto nga ako sa harapan mo. Bumibili ka ng mangga? Ang asim niyan," nakangiwi nitong sambit.

"Ang sarap kaya. Huwag kang makulit kumakain pa ako," naiinis kong wika.

"Okay! Okay!" Tinaas niya ang dalawang kamay tanda ang pagsuko. "Pero aminin mo nga, Febie. Sa nakikita ko ngayon at kung paano ka kumain ng ganyang kaasim na mangga, buntis ka ba?"

Natigagal ako sa kanyang tanong. Nabitawan ko ang supot na naglalaman ng mangga. Hindi ko naman maitatago ang katotohanan kahit itanggi ko.

"Oo, Jack. Ngunit nagmamakaawa akong huwag na huwag mong sasabihin kay Eros na buntis ako," pag-amin at magpapakaawa ko sa kanya.

"Bakit?" naguguluhan nitong tanong. "Bakit bawal na sabihin ko kay Eros 'yan? Iyan ay bunga ng inyong pagmamahalan. Hindi ko lubos maisip na ililihim mo sa kanya ang kalagayan mo."

"Wala kanga lam, Jack. Ang sakit rito, oh." Tinuro ang dibdib ko kung nasaan ang puso ko. "He makes my heart into pieces. I saw him kissing that model who slapped me yesterday at dahilan kung bakit ako natanggal sa trabaho. Pumunta ako sa opisina niya dahil iyon ang nararapat, na ipaalam sa kanya ngunit ano ang naratnan ko? Nakikipaghalikan siya sa isang modelo! Oo maganda siya, pangit ako. Ano bang laban ko roon, 'di ba?" mahaba kong pahayag. Napaiyak na lang ako sa kanyang harapan. Hindi ko mapigilan ang sakit na dulot ng aking nakita kanina.

Niyakap niya ako. Kumapit ako sa kanya at binuhos lahat ng sakit na nadarama. Nakakahiya man dito pero nagawa kong ipinunas ang mukha ko sa kanyang puting damit na basing-basa na rin dahil sa pag-iyak ko. Gumaan din naman ang pakiramdam ko kasi hinayaan niya lang akong umiyak sa kanyang bisig.

"Isa lang ang pakiusap ko, Jack. Huwag na huwag mong sasabihin na nagdadalawang-tao ako." Sisinghot-singhot kong wika.

Tumango naman ito. Pinunasan ang aking mga mata gamit ang kanyang puting panyo.

"Ang swerte naman ni Mhia sayo. You're such a great boyfriend material thou," tugon ko rito. Natawa naman ito.

"Mas swerte ako sa kanya. At iyong kahilingan mo na 'di ko sasabihin kay Eros na buntis ka, nasisiguro mo na hindi ko babanggitin sa kanya," tugon nito.

"Maraming salamat, Jack."

The Anticipated Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon