CHAPTER 6: ZERO

287 19 0
                                    


Nagising na naman ako dahil sa ingay ng mga magulang ko sa ibaba. Nag-aaway na naman sila. Wala na bang katapusan ito? Successful nga ako sa negosyo pero ang relasyon ng mga magulang ko ay hindi.

"Ganito na lang palagi ang nabubungaran ko sa umaga. Puro away ang naririnig." Naiirita niyang sabi.

"Ang sakit ng ulo ko." Sabay hawak sa ulo. Nakatingin ako sa putting kisame ng kwarto ko. Naalala ko na naman ang nangyari. Napabuntong hininiga na lang siya sa nangyayari sa buhay niya.

'Sobrang sakit ng ginawa mo, Kendria Solano. Pero paalam na rin sa'yo. Wala kang kwenta para patuloy ka pa ring mamahalin ka. Ang sakit ng ginawa mo para akong basura na sinawalang bahala mo lang sa isang tabi.'

Wala na dapat akong poproblemahin. Makakahanap din ako nang babaeng nararapat para sa akin.

May nakita ako na juice at gamot sa lamesa. Nilagay siguro ito ni Mama kaninang tulog pa ako. Ininom ko na ito at para mawala ng ng tuluyan ang sakit ng ulo ko ay umalis na ako sa kama at nagtungo sa banyo't naligo. Nagsuot lang ako ng kupasing pantalon na maong at simpleng puting shirt. Lumabas na ako sa aking kwarto. Wala na ang ingay nila. Naging tahimik na ang buong bahay.

Naiisip na naman niya ang kanyang mga magulang. Ang kanyang ama ay may babae na naman. Napakababaero kaya laging nag-aaway ang mga magulang ko. Kawawa ang aking ina dahil tila wala nang pakialam ang aking ama rito. May sakit ang kanyang ina kaya 'lagi siyang nag-aalala. Binibigay nito ang lahat ng luho niya kaya hinayaan niya ito pero nakakasakal na 'lagi na lang ganito. Ang hindi ko lang matanggap ay ang pangbabae nito. Ilang beses na niyang nakita ito na may kasamang babae pero ayaw na niyang sabihin sa kanyang ina para hindi na masaktan pa. Kahit na anong pilit kong itanggi malalaman at malalaman pa rin ang aking ina ang nangyayari.

"Ayoko ng ganitong klaseng buhay. Ayokong manakit ng babae. Minamahal sila hindi sinasaktan. Mahal na mahal ko si Mama. Pinakaayoko sa lahat nakakakita ng babaeng umiiyak. Kaya awing-awa ako sa Mama ko. Wala man lang akong magawa para sa kanya kundi alagaan siya at ipakita ang pagmamahal ko sa kanya na 'di kayang ipakita sa kanya ng papa ko," sambit niya sa sarili.

Pangarap kong makahanap nang babaeng mamahalin ako ng tapat. 'Yung ako lang ang mamahalin niya kahit sino man. Nirerepesto ko ang mga babae at dapat silang alagaan. Hindi 'yong sinasaktan sila kagaya ng Papa ko. Sana makahanap ako ng gano'ng babae. Ibibigay ko ang lahat mapasaya lang siya. Gagawin ko ang lahat mapanatili lamang siya sa buhay ko. Napapangiti na lang ako sa sarili ko. Kahit nasaktan man ako ay hindi ko kakalimutan na ang mga babae ay nararapat na mahalin at alagaan.

Nakita ko ang picture frame namin ni Kendria sa dingding. Nakaupo siya sa sofa at nakayakap ako sa likod. Napangiti ako ng mapait. "May mga bagay man tayong pinagsamahan. Hindi ko kakalimutan 'yon pero dahil sa ginawa mo kailangan kitang kalimutan," sabmit niya.

Bumaba na ako at pupunta na sa hapag kainan. Wala na ang Papa ko. Umalis na siguro. Naratnan ko si Mama na umiiyak sa sala. Nilapitan ko siya at yumakap.

"Ma, tama na 'yan. Huwag mong iyakan ang isang taong wala namang pagpapahalaga sa'yo. Kailangan na nating tanggapin na 'di na magbabago ang Papa," Wika ko sa kanya.

Tinignan niya ako ng puno ng luha ang kanyang mga mata. Naaawa ako sa kanya pero ang damayaan at palakasin lamang ang kanyang loob ang kaya kong gawin.

"Salamat, anak. I'm glad that you are always here for me. I've been suffering too much. Pero 'di mo ko pinapabayaan," sambit nito. Napatungo na lang ako. Hinigpitan ko ang pagkakayap ko sa kanya.

'It's been years, Ma. Tama na ang pagdurusa na kinasasangkutan mo.'

"Ma, nandito lang naman ako palagi para sa'yo. Hindi naman kita iiwan gaya niya," Taos puso kong sinabi sa kanya.

"I'm lucky that I have a son like you. I know you have been hurt but someday you'll find a new one who really deserves your love," madamdaming wika nito.

May tumulong luha sa kanyang mga mata at agad din niyang pinunasan para 'di makita ng kanyang ina na mahina siya sa ganitong bagay. Dapat siyang magpakatatag para sa kanyang ina.

'Sana mapasaya kita, Ma. Kahit sa kunting panahon man lang na makakasama kita.'

"Yes, that will be in the future. I will find someone who really deserves my love."

"Bigyan mo na ako kaagad ng apo, anak." Sambit nito.

Napatawa na lang ako sa sinabi niya. Hindi naman gano'n kadali na makahanap siya ng isang babaeng mamahalin niya. I'm broken and I will fix my heart first.

"Hindi naman pwede 'yon, Ma. Wala nga akong girlfriend ngayon paano ka magkakaapo sakin?" Hinalikan ko siya sa noo at lumayo ako ng kaunti sa kanya. Medyo umaliwalas na ang kanyang mukha. Pinahid ko na rin ang kanyang luha gamit ang aking kamay.

"Makapaghihintay pa naman ako, Eros. Huwag mo lang patagalin masyado. Gusto ko pa na maalagaan ang mga apo ko bago ako kunin ni Lord," madamdaming nito pahayag.

"Don't worry, Ma. Darating din ang taong iyon para mabigyan ka ng apo. At sisiguraduhin ko na magustuhan mo ang pag-uugali niya. Hindi na ako pipili ng isang babae na babastos sa'yo kundi aalagaan ka at mamahalin ka rin kagaya ng pagmamahal ko sa'yo."

"Maraming salamat, anak. Aasahan ko 'yan sayo." Tumayo na ito. Sumunod na lang ako sa kanya sa kusina upang makasalo ko ito. 

Matagal-tagal na rin kaming hindi nagkaka-usap ni Mama dahil simula ng nagbabae ang ama ko nagpakahirap kong tinayo ang sarili kong kompanya. Sa kunting panahon lang ay naging successful ito kaya hindi na ako umaasa sa aking ama. Hindi ko na kailangan ang pera niya. May trust fund naman na nakalaan sa akin kaya ito ang nagamit ko. Pinahiraman din ako ni Mama kaya unti-unti kong naibangon 'yon at napalago ito. Dahil na rin sa tulong ni Mama at sa pagpapalakas ng aking loob ay nakaya ko at patuloy na lumalago.

The Anticipated Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now