CHAPTER 8: PROGRESS

275 13 0
                                    


Nakauwi na ako dito sa bahay pero siya pa din ang laman ng isipan ko. 'Di ko na siya magwaglit- waglit pa sa isipan ko. She's making me crazy. Buong pagkatao ko ay masyadong apektado na. Pero dahil sa kanya naging masaya ako ulit kahit 'di ko pa nalalaman ang kanyang napakagandang pangalan. Gusto ko siyang makilala at higit sa lahat maging akin.

Nakahiga na ako ngayon. Nakatingin sa puting kisame ng aking kwarto. Nakakain na, nakapaglinis na ng katawan. All in all, fresh.

'Ano na kaya ginagawa niya?Kumain na kaya siya? Natutulog na kaya siya?'

Tandang-tanda ko pa ang maamo niyang mukha. Mapupulang labi na kay sarap sanang halikan.

"Anong pakiramdam kapag ikaw ay mahagkan?"

Di niya namalayan nakatulog na pala siya na may ngiting nakapagkit sa kanyang labi.

Maaga akong nagising na masigla. Excited akong makita siya mamaya sa park kung pupunta man siya ngayon.

Nandito na ako sa opisina pero okupado pa rin siya ng aking balintataw. Ngunit kailangan kong magconcentrate ngayon mag-aattend pa ako ng meeting. Sa pagbibigay ko ng tuon sa ginagawa ko sa opisina hindi ko namalayan na nakapasok na pala si Jack dito sa opisina.

"Kamusta ka na?" Nakangiting tanong niya sa akin ng nakakaloko at umupo sa bakanteng upuan sa harap ng aking lamesa.

"Ayos naman ako."

"Nice. That smile." Tinuro niya ako. " Is there someone makes you happy?"

"Well, yes. But I don't know this girl that I always saw in the park. I just know her face but her name, no."

"How can you describe this girl?"

"She's simple but beautiful."

"And what do you think for this girl? I feel love in air, ah?"

"I think so. I can't take her out in my mind. I'm always thinking of her and I want to own her. And I don't know how."

"For the first time. Ngayon ka lang yata nawalan ng the moves sa mga babae."

"Iba ang tama ko sa kanya, Jack. Iba ito sa nararamdaman ko sa dating nararamdaman ko sa ex ko. Mas matindi 'tong nararamdaman ko."

"Iba na talaga 'yan. Kapag nagkakilala na kayo at makilala mo siya ng tuluyan. Ipakilala mo sa akin para naman makilala ko rin siya. Hindi ko na rin pala kailangang hanapan ka dahil kusang dumating ang babae na dapat mong mahalin. Pero paalala lang syempre, kilalanin muna."

"Salamat sa payo. Tatandaan ko 'yan."

"Ano pala ang sadya mo dito sakin at napapunta ka?"

"Wala naman. Not a business at all. I just want to know how you feel these past few months at makakalap naman ng impormasyon tungkol sa lovelife mo."

"Wow parang proyekto ako na dapat mong bantayan at malaman kung may progreso na, ah." Natatawa kong sagot.

"Sabihin na lang nating oo. Dahil kung walang improvement ay magpapahanap o magpapatulong na sana ako sa kakilala na hanapan ka ng babaeng pwede mong mahalin." Seryoso na nakatingin sakin.

"Maraming salamat pero sa tingin ko gusto ko munang kilalanin ang babaeng nagugustuhan ko ngayon. Alam mo na kahit 'di ko pa siya kilala kahit pangalan lang."

"Well, I guess. Sabihan mo na lang ako kapag kailangan mo ko. One call, one away lang ako. If you need me, I'm always here for you."

"Ang sweet mo naman." Natatawa kong komento sa kanya.

"Hayaan mo na. Ngayon lang naman. Wala pa naman akong lovelife na prinoproblema kaya nandito lang ako na kaantabay mo para naman makapag-move on ka na totally."

"Thank you."

"Sige, aalis na ako. Naparito lang naman ako dahil gusto ko makakalap ng balita sayo." Sabay tayo at umalis na sa opisina ko.

"Grabe naman ang lalaking iyon. Talagang pumunta pa rito at sinadya ako para makibalita lang sa progreso ng buhay ko."

Pinagpatuloy ko ang aking ginagawa sa aking opisina. Para naman sa hapon ay pupunta ako sa park. Nagbabakasali na makita siyang muli.

"Sana kahit letrato man lang sana ang mayroon ako ay wala. Kapag nga nakita ko siya, kukuhanan ko siya ng picture. At ipapaprint ko ito para naman may matitigan ako dito sa opisina ko."

Kailangan ko nang tapusin ang lahat ng ito. Natapos ko na lahat ng aking gawain sa opisina. Tiningnan ko ang paligid. Gabi na pala. Tiningnan ko ang oras sa aking bisig 7:31 na.

"Hindi na ko nakapunta sa parke. Gusto ko pa naman sana siya makita. Pero hindi pa naman ito ang araw kundi marami pang araw para makita ko siya."

Tatawagan ko na lamang si Jack. Makipag- inuman at makipagkwentuhan sa kanya. Dahil sa nasaktan ako noon, sinubsub ko ang aking sarili sa pagpapalago sa kompanya kaya hindi kami masyadong nakakapag-usap. Kung hindi pa sana siya pumunta kanina dito, hindi ko maaalala na masyado na pala talaga akong busy sa buhay ko.

"Jack, busy ka ba ngayon?"

"Hindi naman. Nandito lang naman ako sa bar ko. Pumunta ka na lang dito kung kailangan mo ng kainuman at kausap." Sagot nito sa kabila.

"Sige. Pupunta na lamang ako dyan."

"Ingat ka sa biyahe."

"Salamat, tol."

Inayos ko na agad ang aking mga gamit para mapadali na ang pagpunta ko sa kaibigan ko. Hindi ko naman siya nakita ngayong araw kaya makipagkwentuhan na lang ako. Makikita din kita. Kunting panahon na lang at makikilala mo na rin ako.

Lumabas na ako sa opisina at 'di pa pala nakakauwi ang sekretarya ko.

"Bakit di ka pa umuuwi?" tanong ko rito.

"A-Ay! Kayo pala, sir. Hmm. Kasi ang dami kong ginawa na papers na tinapos." Medyo gulat sa sagot sa akin.

"Umuwi ka na. Mag-aalas otso na baka magalit pa ang boyfriend mo o asawa mo."

"Opo, sir. Salamat."

"Iligpit mo na 'yan para sabay na tayong maglakad pababa. Babae ka pa naman. Mahirap na baka mawalan pa ako ng magaling na sekretarya."

"O-opo, sir. Salamat ulit. B-bilisan ko na lang poi tong ayusin."

Nagtataka siguro ito sakin kung bakit ako mabait. Ako din naman, naguguluhan. Hinintay ko na lang siya at mabilis naman itong nakapagligpit. Magkasabay na kaming bumaba at hinintay ko pa na makasakay siya ng taxi bago ako umalis. 

'Hindi man kita nakita ngayon, darating ang araw na ako ang pagtutuonan mo ng pansin."

The Anticipated Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now