CHAPTER 3: HEARTBREAK 2

354 13 0
                                    

NANDITO ako ngayon sa harapan ng taong pinakamamahal kong babae pero iiwan niya raw ako dahil sa gusto niyang career. Ilang ulit na akong nagmakaawa at lumuhod sa kanya na huwag na niyang itutuloy pero masakit pala ang marinig ang katagang nagmula sa kanya. Ang hirap pero iniintindi ko. May respeto naman ako sa babaeng pinakamamahal ko. Pero 'di ko alam kung ano pang mararamdaman ko sa mga sinabi niya at pang-iiwan sakin.

"Mas mahalaga ang pangarap ko kaysa sa'yo, Zero. Mas mahalaga ito dahil ngayon ko lang makakamit ang pangarap na gustong-gusto ko na maging modelo. Sana maintindihan mo." Malumay ngunit may penal na sambit nito.

Sobrang sakit ang aking nadarama sa mga sinambit niya pero pinatatag ko ang aking sarili para hindi maiyak sa kanyang harapan.

Tumikhim muna ako bago nagsalita. "Sige kung 'yan ang gusto mo. Papalayain na kita. Pero huwag mong aasahan na kung babalik ka sa buhay ko ay hindi na ako ang dating lalaking pinagpalit mo sa iyong pangarap. Makakaasa ka na 'di na kita guguluhin pa. Salamat na lang sa pagmamahal na inalay mo." Matatag na sinabi ko sa kanya.

"Maraming salamat," sambit nito at yumakap sa akin.

Niyakap ko lang siya sa huling pagkakataon. Hindi ko na kailangan pang maging tanga para sa kanya. Sobrang nasasaktan ako sa ginawa niya. Pero wala akong magawa. Pangarap niya ang kakompetensya ko sa buhay ng taong mahal ko pero ang hirap tanggapin ng puso ko na mas pinili nito ang pangarap kaysa sa akin. Kaya ko naman siyang buhayin ngunit ganito ang naging kapalaran ko sa pagmamahal na inalay ko sa kanya. Hindi ko lubos maisip na dahil lamang sa isang pangarap nito ay mawawala lahat ng pinaghirapan kong buoin na pangarap na kasama siya.

Umalis na agad ako pagkatapos ng yakapan namin. Wala na rin naman akong gagawin sa airport. Makikita ko lang ang pag-alis niya ng tuluyan sa buhay ko. Gusto ko lang naman siya na makita sa huling pagkakataon. Gusto kong maayos pa rin ang sarili ko dahil kailangan ako ng pamilya ko. Mas kailangan ako ng una't huling babaeng mamahalin ko ng buong puso; ang aking ina.

Tinawagan ko si Jack. "Jack, bar tayo," Agaran kong sambit sa kanya.

Isang matalik kong kaibigan si Jack. Isang gago ang kaibigan ko pero maaasahan sa lahat ng bagay. Kahit paano ay may isang tao na maaari kong pagsabihan ng problema ko at tagapayo kapag may mga problema akong nakakasangkutan.


"Sige ba. Dumeretso ka lang dito ngayon sa bar at mag-iinuman tayo rito." tugon nito sakin.

"Sige, pupunta na ako diyan ngayon."

Sumakay na ako sa kotse ko at pumunta na sa Bar ni Jack. Pagdating ko sa bar niya ay agad ko siyang pinuntahan sa office niya at inaya ng inuman. Gusto kong magpakalasing.

"Tsk, pare. Huwag ka masyado magpakalasing diyan.:"

"Paano ba tol? Ang sakit. Sobra. Hindi ko akalaing mas pinili pa niya yung pagmomodelo niya kaysa sa akin. Kaya ko naman siyang buhayin. Bakit pa ako kailangang ipagpalit sa letseng pangarap niya."

"Pangarap na niya 'yon dati pa. Nagkataon lang na minahal mo siya ng sobra at 'di mo inaasahan na siya pala ang mang-iiwan sayo. Nagkataon din na ang pagmomodelo niya ang mas priority niya kaysa sa pagmamahalan ninyong dalawa." Sagot nito sa akin. Nakaupo lang ito at tinitingnan niya ako kung paano ako uminom.

"Oo, pangarap niya. Pangarap niya na siyang sumira sa pagmamahalan namin. Mahal na mahal ko siya pero ganito na lang nangyari? Matino naman ako. Ginawa ko ang lahat mapanatili lamang siya pero wala. Pangarap ang inuna niya. Di niya naisip kung ano ang aking nararamdaman sa ginawa niya." Bumuhos ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Masakit talaga, eh. Buti sana kung hindi kami bumuo ng pangarap na magkasama.

"Itry mo kayang magmahal ng simpleng babae. Baka doon mo mahanap ang magandang relasyon at totoong pagmamahal na gusto mong maramdaman. Yung babaeng nakasentro lang sayo."  Simpleng sagot nito.

"Nagmahal ako ng totoo pero iniwan lang din niya ako sa ere. Pinagpalit ako sa career niya. Masubukan ko kayang magmahal ng isang simpleng babae gaya ng sinabi mo. Ngunit paano ko nga ba patutunguhan ito kung nasaktan na ako? Ano 'yon gagawin ko siyang panakip-butas? Mabait naman akong lalaki ngunit sa kadahilanang nasaktan ako ng todo at binigay lahat ng pagmamahal sa isang babae, eh mukhang mas nahihirapan akong magmahal. Sana may isang babae na makakapagparamdam sa akin ang halaga ko. Hindi 'yong mas pinili ang minimithi nito sa buhay. Ang makuntento sa mayroon kami." Salin ako ng salin sa baso ko. Hindi na alintana ang pait ng alak na dumadaloy sa aking lalamunan. Kahit ngayon lang ay maging manhid ang aking pakiramdam.

"Tutulungan kita pare."

"Salamat tol." Sagot na lamang niya at bumalik sa pag-inum.

"Alis muna ako. Babalikan kita mamaya may kakausapin lang ako." Tiningnan ko kung saan siya nagpunta. May babae siyang kausap pero hinayaan ko na dahil hindi naman importante 'yon.

Dalawa na ang nakikita ko kaya hiniga ko ang aking sarili sa sofa. Mahaba naman ito at magiging komportable ako. Naramdaman ko na lang na may bumangon sa akin. Gusto ko mang imulat ang aking mga mata ay hindi ko magawa dahil tinablan na ako ng alak.
"Mabait akong tao, tutulungan kita aking kaibigan. Ipapakita ko sayo ang kung ano ang pinagkaiba ng taong minahal mo ngayon kaysa sa simpeng babaeng makikilala mo in the future. Ipapakita ko sa'yo ang pagkakaiba ng pagmamahal na naibibigay ng isang materyosang babae at sa simpleng babae lang. Ngayon lang kita nakitang ganito kaya kahit anong mangyari susuportahan kita kahit ano pa yan." Inakay niya ako patungo sa kanyang sasakyan. Langung-lango na ako kaya naisipan niya na ihatid na ako sa bahay.

"Maraming salamat, tol at nandiyan ka. Ang dami ko ng utang sa'yo. Kailan naman ako makakabawi?" pasuray- suray akong maglakad kaya nahihirapan siyang hilahin ako at maipasok sa kanyang kotse.

Tumawa ito bigla. "Soon. May pabor din ako sayong hihilingin pagdating ng panahon. Hindi pa sa ngayon." Nang maisakay niya ako sa kotse ay nakatulog agad ako dahil sa kalasingan.

The Anticipated Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon