Chapter Ten

5K 197 69
                                    


*Kathnisse''s POV

Ang akala ko lang ay ngayong araw siya uuwi, 'yon lang. Hindi ko naman alam kung anong oras, sa gabi ba o sa hapon? Pero, kagabi ay narito na siya at napagkamalan ko pang magnanakaw. Mag-isa at tahimik akong nakaupo at hinihintay na bumaba si Aled para sabay na kaming kumain, pero mag-aalas otso na ng umaga ay hindi pa rin ito nakababa.

Hindi naman sa excited ako or ano, ang sabi kasi ni Ate Letty sa akin nang nakaraan ay 7:00 A.M. daw ay nag-uumagahan na si Aled kahit pa wala itong pasok sa opisina kaya ng magising ako kanina ng alas singko ay dali-dali akong bumaba para kumilos para magluto ng agahan namin, wala kasi ang mga kawaksi buong linggo dahil sa pinag-off daw sila ni Aled.

Tumunog na ang rice cooker, ibig sabihin ay luto na ang sinaing ko. Kumuha ako ng lalagyan ng kanin at doon nilagay ang kanin na luto na, matapos ko iyong lagyan ng kanin ay nilagay ko naman iyon sa mesa.

Nakahanda na ang agahan namin, si Aled nalang ang kulang.

Maya-maya pa ay may narinig akong tumikhim mula sa likuran ko, si Aled! Nakasuot ito ng gray na jogging pants at puting sando. Napalunok ako.

Paano ko ba siya dapat kausapin?

Hindi ko pa kasi siya nakakasabay kumain o kahit magkape man lang.

"Good morning." Aniya.

"G-good morning din." Tipid na sagot ko.

Napatingin siya sa mesa na may nakahanda ng mga pagkain. Gulo-gulo pa ang buhok niya pero ang gwapo niya paring tingnan at kitang-kita ko ang muscles niya, 'yong biceps niya. Maganda ang katawan niya, nakita ko kagabi. Tinatago lang ng sando niya ngayon.

"You made me coffee?"

"H-ha? Ah, oo! Sandali lang." Natataranta kong sagot at kumuha ng tasa para isalin ang kape na nasa isang crystal na parang pitsel.

Hindi ko alam ang tawag do'n, basta tinuruan lang ako ni Ate Letty kung paano gamitin 'yon.

Nakita kong nakaupo na siya sa kabisera ng mesa at matamang nakasunod ang mga mata niya sa galaw ko, bigla naman akong nahiya. Maingat kong inilapag ang kape niya.

"Thank you."

Ngumiti lang ako sa kanya at umupo na sa bakanteng upuan, "kain na tayo?" Nakangiting aya ko sa kanya. Bahagya siyang natigilan bago tumango, "uhm, akala ko ngayong araw ka pa uuwi?"

Napatigil siya sa pagsubo at sumulyap sa akin, "wala na akong importanteng gagawin do'n."

"Tinext mo sana si Audrey na uuwi ka pala, para sana maaga akong nakauwi kahapon." Ani ko.

Napagkamalan ko pa tuloy siyang magnanakaw kagabi. Hindi ito umimik at nagpatuloy lang sa pagkain.

"Papasok ka ba ngayon? Gusto mo lutuan kita ng lunch mo?" Umiling ito sa akin

Wala siyang pasok o ayaw niyang pumasok?

Ang tamad naman niyang magsalita, ganito ba siya palagi? Hindi ba napapanis ang laway niya? Tama nga si Audrey na hindi siya palasalita, ang tahimik lang niya.

"Ako na ang magliligpit ng mga ito pagkatapos nating kumain." Presenta ko.

Nakakahiya naman kasi na siya pa ang paghuhugasin ko ng mga pinagkainan namin.

"Do what you want." Tila naiinis na ang tinig nito, "ang kulit mo." Nakasimangot na sabi nito.

"Ang sungit mo." Bago ko pa napigilan ang sarili ko ay nasabi ko na ang nasa isipan ko. Patay! Baka magalit siya!

"Whatever!" Aniya.

Tapos na itong kumain, inuubos nalang nito ang kape niya ako naman ay tapos na rin kaya nag-umpisa na akong ligpitin ang mga pinagkainan namin.

The Billionaire's Baby Maker (Revised Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon