Chapter Eight

3K 130 2
                                    

Pagkatapos naming mag-usap ni Alejandro ay sinamahan ako ni Audrey sa magiging kwarto ko. Maganda ang kwarto, parang kwarto ng isang prinsesa. Umupo ako sa malaki at malambot na kama, napabuntong-hininga ako at napatitig sa hawak-hawak kong folder. Napahigpit ang pagkakahawak ko doon.

"Nagustuhan mo ba ng kwarto mo?"

Napatango na lamang ako kay Audrey, ni hindi ko man lang siya tinapunan ng tingin. Naayos nga lahat ng problema ko sa pinansyal ngunit magiging baby maker naman ako ni Alejandro. Napabuga na naman ako ng hangin.

"You know what? Ang swerte mo." Ani Audrey.

Napataas naman ang mukha kong kanina pa nakayuko at nakatitig lamang sa folder. Paanong naging maswerte ako? Nagbibiro ba siya? Nagtataka ko siyang tiningnan. Ngumiti siya sa akin.

"Basta, you're lucky. Siguro ay para sa'yo ay hindi, pero, para sa akin ay swerte ka." Aniya.

Kumindat ito sa akin at naglakad patungo sa isang pintuan na pa slide ang pagbukas, binuksan niya ito at sumenyas na sumunod ako sa kanya. Ano kaya ang meron doon?

Literal na nanlaki ang mga mata ko nang makita ko kung ano ang naroon, puno ito ng mga magagandang damit, sapatos at bags.

Napatingin ako kay Audrey, "s-sa akin lahat yan?" Tumango naman ito sa akin bilang sagot.

Hindi ako makapaniwala! Sa akin lahat ang mga ito!

"Come and check it," bahagya nitong hinila ang kamay ko para makita ang lahat ng naroon, "magkasama kami ni Boss na namili ng mga gamit mo. He checked it all bago binili."

Mapanukso nitong wika, hinawakan ko ang ibang damit. Ang gaganda ng tela nito at pihadong mamahalin ang mga ito dahil nakita ko ang mga brand ng mga damit, sapatos at bags. Binuksan ko ang isang drawer, doon pala nakalagay ang mga undergarments ko.

"Pati ang mga 'yan! Si Boss mismo ang pumili!" Nakangisi nitong pahayag.

"Ano?" Namumula kong sambit.

"Uh, huh? Siya nga't wala ng iba."

Napasapo ako sa pisnge ko, sobrang init ng pisnge ko! Natatawa namang tiningnan lang ako ni Audrey.

"Ang cute mo." Mahina itong humagikhik, samantalang nag-iwas naman ako nang tingin sa kanya at sinilip ang mga undergarments na nasa drawer.

"He really knows your size."

"B-baka nagkataon l-lang." Napatikhim ako.

Nahihiya ako! Bakit naman niya alam ang size ko? Pati cup size ng bra ko ay alam niya at panty ko! Sakto talaga.

"Tell that to the marines!" Nakakaloko itong ngumiti sa akin.

Hala! Bakit ba niya kasi alam ang size ko?

Tatlong araw na akong nakatira sa bahay ni Alejandro, at sa nakaraang dalawang araw matapos kong napirmahan ang kontrata ay hindi ko man lang siya nakita ulit kahit isang segundo. Wala raw siya sa bansa dahil mayroon daw itong business trip sa Malaysia, ang kasama ko lang sa bahay ay ang dalawang maids at mga guards ni Alejandro para bantayan ang buong bahay at ako mismo. Si Audrey naman ay pinupuntahan ako rito sa bahay para kamustahin.

Ngayon nga ay kakarating lang namin mula sa hospital, sinamahan kasi ako ni Audrey para magpacheck-up kung wala ba akong problema sa pagbubuntis o kung may nakakahawang sakit ba ako o wala.

"You're clean and very much ready to bear his child." Pahayag nito habang nakatutok ang kanyang mga mata sa laptop niyang nasa kandungan niya.

Napanguso ako. Alam kong clean nga ako dahil virgin pa ako, pero bata pa ako para magbuntis. Baka hindi ko kayanin, hindi pa ako handa para magbuntis at sa mga nababasa ko ay masakit daw kapag first time lalong-lalo na kapag malaki raw ang ano..'yong ipapasok sa pagkababae.. Napailing na lamang ako.

Nang makauwi kami ay dumeritso kaagad kami sa kwarto ko.

"He will be home two days from now." Anito ng makapasok na kami sa kwarto ko.

Napatango na lamang ako, napahiga ako sa mahabang couch dahil nasa pang isahang couch lang namang nakaupo si Audrey. Sinulyapan ako nito.

"Wala ka bang sasabihin?" Kunot noo nitong tanong.

"Wala naman." Wala ka gana-gana kong sagot.

Napabuga ito ng malalim na hangin.

"Alam mo? Maganda ka, eh. You're really one hell of a gorgeous woman kaya hindi na ako nagtaka na ikaw ang napili niya not to mention na marami namang iba d'yan. I guess, he saw something from you." At ano naman ang mga 'yon? "Nakakapagtaka lang talaga, sa dinami-dami ng babae ay ikaw pa? Pwede namang ako." Aniya.

Hala!

"Joke lang! Ayaw ko sa Boss ko! Ang sungit! Palaging nakakunot ang noo, ang tahimik, akala mo ay walang dila at bugnutin," parang inis na wika nito ng ilathala ang negatibong katangian ni Alejandro,  "pero, gwapo, macho at mayaman. Minsan mabait naman kung trip niya lang."

Tumagilid ako sa pagkakahiga at mataman siyang tinitigan, kilalang-kilala niya nga talaga si Alejandro. Matagal na kaya siyang nagtatrabaho kay Alejandro?

"Tumayo ka na nga d'yan! Tuturuan kitang mag-ayos."

Napanguso ulit ako. Mag-ayos para sa ano? Wala naman kaming pupuntahan at tsaka, kahit papaano ay marunong naman akong mag mix and match ng damit ko pati na rin mag make-up sa sarili ko. Hindi niya yata alam na isa akong dancer sa club, ano?

At sa tingin mo ipapaalam ni Alejandro na ang babaeng magbubuntis ng anak nito ay dancer sa isang club?

Napailing ako sa naisip ng isang bahagi ng isipan ko. Tama nga naman. Isa siya sa mga kinikilalang businessman sa loob at labas ng bansa, kung malalaman ito ng ibang tao ay ano na lamang ang iisipin laban sa kanya?

Tinatamad akong tumayo at sumunod sa kanya, pinaupo niya ako sa kama, siya naman ay pumasok sa closet ko at may inilabas na mga damit at sapatos. May kinuha siyang itim na dress at itim na high heels, iniabot niya ito sa akin.

"Try these."

Tumango ako sa kanya at tumayo mula sa pagkakaupo ko sa kama, hindi na ako nag-abala pang pumasok sa banyo dahil kaming dalawa lang naman ang narito sa loob ng kwarto at pareho naman kaming babae. May cycling naman akong suot kaya okay lang din na magbra ako sa harapan niya, hindi pa nga ako tapos maghubad ay umalis na naman si Audrey at pumasok sa closet.

Matapos kong masuot ang itim na dress ay isinuot ko naman ang high heels, tamang-tama ang sukat ng sapatos sa akin at ang dress naman ay parang tinahi talaga para sa akin. Saktong-sakto sa akin iyon. Tinitigan ko ang sarili ko sa whole body mirror at napangiti sa itsura ko. Parang hindi ako mahirap kapag nakasuot ako ng mamahaling damit at sapatos, ibang-iba ang itsura ko.

Napalingon ako ng makarinig akong may pumalakpak mula sa likuran ko, si Audrey.

"Bagay na bagay sa'yo! Kailangan kitang kunan ng picture!" Aniya at nagmamadaling kinuha ang kanyang cell phone, "pose ka d'yan!" Excited na wika nito.

Hala!

"Huwag na, uy!" Nahihiyang sabi ko, napailing naman ito at lumapit sa akin.

"Tumayo ka rito at kukuhanan kita ng picture."

Wala na akong nagawa pa kaya sinunod ko nalang siya para matapos na rin ito.

Ang akala kong isang picture lang ang kukuhanin ni Audrey sa akin ay naging marami, hindi ko alam kung ilang beses niya akong nakuhanan ng litrato basta ang alam ko lang ay kapag nagchange outfit ako ay hindi siya papayag na walang picture siyang makukuha, kaya kahit noong una ay ayaw ko pa, sa huli ay na enjoy ko nalang din ang trip niya. Mahilig din naman kasi ako magselfie kahit hindi halata.

Alejandro's POV

18j.audrey@gmail.com

Please see the attached pictures, Boss. Have a nice day!

Thank you😉

I downloaded the 67 attached pictures, my eye brows furrowed. 67 pictures? What the hell are those?

When it's already done I opened the downloaded pictures. I gritted my teeth ng makita ko ang mga litrato. Damn shit, Audrey!

It's Kathnisse!

Napatitig ako sa bawat litrato. Damn shit! Have a nice day to me!

The Billionaire's Baby Maker (Revised Version)Where stories live. Discover now