Chapter Nine

3.5K 147 5
                                    


*Kathnisse's POV

Pagkagising ko kinaumagahan ay laking gulat ko na nasa loob na ng kwarto ko si Audrey, prente itong nakaupo at nagbabasa ng isang magazine.

"Good morning, Kathnisse. Go get yourself ready, may pupuntahan tayo after mo magbreakfast." Aniya na ikinakunot ng noo ko.

"Magandang umaga rin, Audrey. Saan tayo pupunta?"

Sumulyap lang ito sa akin at napalabi, "ang ganda mo."

"Audrey naman!" Hindi makapaniwalang bulalas ko.

"Basta! Bilis na! I don't want to wait again."

"Para kang si Aled." Nakangusong turan ko.

Nilingon ako nito, "Aled, huh?" Tumaas ang gilid ng labi niya.

Hindi ko na siya pinansin pa at bumangon na ako para makapag-ayos na. Nakakahiya namang maghihintay na naman ito sa akin, baka sungitan at maging istrikto na naman ito sa akin na para bang si Alejandro.

Pagkababa ko ay nakita ko si Audrey na may kausap sa telepono niya, itinuro niya ang daan papuntang dining.

"Eat." Sabi niya sa akin, agad ko naman siyang sinunod.

"Good morning po, Ma'am." Bati ni Ate Letty sa akin.

"Good morning din sa inyo." Nakangiti kong sagot sa kanya. "Kumain na ba kayo? Sabayan niyo na ako, hindi ko naman mauubos ang lahat ng nakahain." Aya ko sa kanila ni Ate Letty at Bette.

Umiling si Ate Letty sa akin, "tapos na po kami, Ma'am. At hindi naman po kami pwedeng sumabay sa inyong kumain." Paliwanag nito sa akin.

"Bakit naman hindi pwede?" Nagtatakang tanong ko sa kanya, "basta bukas sasabayan niyo akong kumain. Gisingin mo ako, ha?"

Nakita ko ang pagtutol sa mukha nito pero nginitian ko lang siya ng matamis at nag-umpisa ng kumain.

"ANO ANG GAGAWIN NATIN DITO?" Takang tanong ko kay Audrey, nasa isang Mall kasi kami ngayon.

Nakahalukipkip ito at bored akong tiningnan, "basta! Come, follow me." Aniya.

Nagtataka man ay sumunod pa rin ako sa kanya, wala naman akong magagawa kundi ang sumunod sa kanya. Sigurado ako na utos na naman ito ni Alejandro sa kanya.

Pasulyap-sulyap ako sa mga boutique na nadaraanan namin, maraming magagandang damit at panigurado na mga mamahalin din ang mga iyon. Napatingin ako sa damit na suot ko.

Ngayon lang ako nakasuot ng ganito kagandang damit at ganito kamahal. Napabuntong-hininga ako, lahat ng magagandang bagay ay kayang ibigay sa akin ni Alejandro dahil sa mayaman siya pero ang kapalit nito ay ang pagbubuntis ko ng anak niya.

Alam kong mahirap iyon para sa akin kasi, paano nalang ako kapag naluwal ko na ang bata? Titira pa rin ba ako sa bahay niya o paaalisin niya ako? Maisip ko palang ang huli ay nasasaktan at nalulungkot na ako, hindi pa man ako ina ay alam kong iyon ang mararamdamn ko. Sino ba namang ina ang gugustuhing iwanan ang anak niya?

"Kathnisse!"

Tumango ako kay Audrey at sumunod na sa kanya ng maglakad na ito sa hindi ko alam kong saang parte ng Mall na ito.

Siguro ay huwag ko na munang isipin ang bagay na iyon nakakastress lang kasi! Ang isipin ko nalang ay ang pagbabalik ni Alejandro mula sa Malaysia.

Pumasok si Audrey sa isang Salon, lahat ng staffs ay nakangiti kaagad sa amin. Itinuro ako ni Audrey.

"Ayusan niyo siya." Utos niya.

May lumapit kaagad sa aking isang babaeng naka-uniform na may tatak ng pangalan ng Salon.

The Billionaire's Baby Maker (Completed version is published in Goodnovel)Where stories live. Discover now