16th Bite (edited version)

Magsimula sa umpisa
                                    

“You need this right?” 

Doon lang na napansin ang hawak nitong dagger. Nakatutok ito sa pulso niya at aktong susugatan ang sarili. Adrenaline rushed through my vein, nang matanto ko kung anong gagawin niya. agad kong inagaw ang dagger and threw it out.

“stop asking and just bit me” utos nito

Kahit nagiging pula na ang paningin ko, nagawa ko pa ring ilibot ang mga mata ko sa labas ng bintana. Tama ang hinala ko. Mga bampira sila. Pero hindi ko sila kilala. Walang pamilyar na mukha sa kanila. Hindi ito tama. Naglipon ang grupo ng mga outcast, dumadami sila.

Bumukas ng pinto sa tabi ko at bigla na lang may humila sa akin palabas at itinapon ako sa sahig. Kung hindi lang ako nanghihina, baka kanina ko pa siya ibinato sa malayo

“sasapi kami sa grupo niyo ni Madonna kung ikaw mismo ng kakagat sa babaeng ito” sabi ng lalaking tumulak sa akin

Ngumiti ako. “Ano ito? Fraternity? Gang? Kelangan pa ng initiation? Mga gag* kayo! Wala kayong karapatang gawing bampira ang tao! Ipinagbabawal ang ginagawa niyo sa-----“

“sa libro ng kasunduan?” pagtutuloy nito at bahagya akong nagulat sa nalalaman niya.

Pingmasdan ko siya. Nagkamali ako. Hindi siya isang mababang uri ng bampira, isa rin siyang half blood. Ipinanganak na bampira pero kalahating tao. Tanging pure blooded lamang ang may alam ng tungkol sa libro ng kasunduan ng mga tao at bampira, nabuo ito daang taon na ang nakalilipas. At ang mga half blooded ay nahahati, ang iba ay sumapi sa amin at ang iba ay nagrerebelde. 

“traydor ka” 

Tumawa ito saka tumayo at naglakad papalapit kay Mariel

“Hindi ako ang tumraydor sa lahi natin. Kayo yun! Pinahihirapan niyo ang mga sarili niyo sa serum na yan eh pwede naman natin gawin silang bampira lahat para matapos ang kaguluhan at magkaisa na!” 

Pilit akong tumayo at sumugod sa kanya. Pero sadyang mahina na ako at naiiwasan niya ang mga atake ko. Namumuhi ako sa mga lumalabas sa bibig niya, parang s Romanov ang mga katwiran niya, pero ang sa kanya ay masyadong makasarili, gusto niyang maubos ang mga tao. 

“TAMA NA! Gordo!” narinig kong sigaw ni Mariel

“HAHA! Nagalit ka kasi agad, nagbibiro lang naman ako eh.” Sabi niya saka ako tinapik sa balikat. Nakakagigil.

Lumapit sa akin si Mariel. 

“Aanib sila kung magiging bampira ako. Maniwala ka sa akin.” Sabi niya

Nakita ko ang sinseridad sa mga mata niya. Nag-iba ang mga mata nitong punong puno ng inggit, napalitan ito ng pagkagusto at dedikasyon na mangyari ang kagustuhan. Pilit nitong inilalapit ang leeg sa labi ko, agad kong nilabanan ang init sa aking katawan. Hindi pwede!

"Kagat na!" madiin nitong bulong saka isinubsob ang leeg saakin.

THIRD PERSON'S POV

Hinapit ni Lucas ang babae para makalapit sa kanya ng husto, he was lying on the ground at nakaluhod lamang ito sa tabi niya. Mabilis na umusbong ang mga pangil niya at itinarak ng husto sa leeg nito. Umagos ang pulang likido pababa sa leeg nito habang ang butas ay sinisipsip niya.

Nanigas ang babae at impit na napaungol sa sakit. Habang sinisimsim ang dugo nito ay nakikita at naramdaman niya ang pagkato nito, he saw her childhood, her sorrows, her happiness, her envy with Ira, lahat ay nalaman at naramdaman niya. 

Naramdaman niya ang magandang sensasyon, pero nawala ang lahat ng sensasyon na iyon at napalitan ng takot ng makita ng takot sa mukha…

Ng babaeng nakatayo sa harap niya na nakasaksi ng lahat.

“I-ira”

Fallen Vampire...on my bathtub?! (BOOK 1 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon