One Night 30: Carlo Ashton

Depuis le début
                                    

"Yeah maybe some other time. When an opportunity comes." sagot din naman ni Zar.

Matapos nun, tumayo na sina Zar at Carlo para magkamayan. Pinapaalahanan ni Zar si Carlo sa kung ano pang dokumento ang maaari nitong ipadala sa opisina ni Carlo.

Habang papalakad si Carlo paalis sa building, hindi nya mapigilang mapangiti.

"I know things about him but he does not know anything about me. A good edge I guess." Isip isip nya.

**

Heather Stewart.

"Anong ibig mong sabihin?" agad na tanong ni Sophie kay Carlo matapos nyang sabihin ang mga katagang yon.

Medyo speechless ako sa sinabi nya, ano kayang ibig nyang sabihin dun? Ano kayang ginawa ni Carlo para makilala si Zar?

"It's a very big secret." Sagot nya ng may mga mapaglarong ngiti.

"Ang daya naman!" reklamo ni Sophie. "Matanong nga si Lemuel pag uwi ko.."dagdag na bulong pa nito.

"Sige, tapos tawagan mo ko ha. Sabihin mo rin sakin." Tugon ko naman sa kanya.

"Si-"

"Hey! I'm here ladies. That's cheating.." natatawang sabi ni Carlo.

"Whatever to you.." kunyari ko pa syang inirapan. Tahimik lang naman syang nangingiti. Para tuloy mas lalo akong kinakabahan sa mga ngiti na yan.

Ilang minute pa kaming nagkwentuhan. Mostly si Sophie at Carlo nalang ang nag uusap. Di ko parin kasi mapigilang mapaisip kung ano ba talagang nangyari, haay, sumasakit ang ulo ko kakaisip.

At some point, buti na rin palang nandito si Sophie sa opisina ko. Kahit papaano kasi, naging light ang mood. Syempre, puro pangungulit lang ni Sophie ang topic.

Nung natapos na kaming magchikahan, hindi namin namalayan na gabi na pala. Nagdinner muna kami saka kami hinatid ni Carlo sa kanya kanya naming bahay. Una naming hinatid si Sophie.

"Bye Sophie.." paalam ko sa kanya ng makababa na sya ng sasakyan.

"Okay. Bye!" paalam nya saming dalawa saka sya lumapit sa akin at bumulong. "Heath ah, wag mo masyadong pagurin yan." Sabi pa nya ng may mga nakakalokong ngiti.

"Ano bang pinagsasasabi-"

"Bye!!" nagpaalam na sya at naglakad na agad palayo. Baliw talaga. =____=

Naging matahimik ang byahe namin papunta sa bahay ko. Malapit lapit lang naman kasi ang bahay ko sa bahay ni Sophie, well, nakakotse kasi.

"Do you want to go in first?" alok ko kay Carlo ng makababa na kami at makarating sa bahay ko.

"Maybe next time. It's kind a late and we both know what happens if Evo sees me."

Pareho kaming natawa sa sinabi nya. Oo, baka magpahanggang bukas pa ang kwentuhan at kulitan nila kung sakaling magkita sila.

"Okay, next time. Bye!"

"Bye!" nagpaalam na rin sya saka sumakay ng sasakyan.

Ng makaalis na syang tuluyan, saka na ako pumasok ng bahay.

Agad akong sinalubong ni Evo.

"Mommy!"  binuhat ko na sya dahil sinalubong na nya ako.

"Oh anak, ang bigat mo na talaga." Inda ko pa pero syempre, komportable at tanggal ang pagod dahil sinalubong ako ng anak ko, with hugs and kisses pa.

"Are you tired Mommy?"

"Yes, very tired." Sagot ko sabay upo kami sa sofa. Nakakalat ang mga gamit nya sa mesa, mukhang nag dadrawing na naman.

"Oh...Mommy.."

"Yes?"

"Daddy told me that he'll be here tomorrow."

Agad akong napatingin sa kanya.

"Why?"

"I don't know." Nagkibit balikat lang sya sabay balik sa pag dadrawing nya.

Oh shocks! Ayoko syang makita!

**

Update time!

Sorry kung natagalan! Ang dami talagang school works.

Anyway, nagbabalik na ang laptop ko! Ayiee!! Mas mabilis na ang pagtatype ko. Sana lang, magkaron ng time para mag type di ba.

Happy 2.2 K reads for A One Night Love!! *clap* *clap* This is achievement for me. ^__^

Anong tingin nyo kay Carlo Ashton? Gusto nyo ba sya?

Good or Bad?

At sinong nag aabang sa another *ehem* intimate pagkikita nina Zar at Heather after the sweaty kiss. Haha!

Anyway, I know that the next chapter will be much exciting. Hehe.

Maraming Maraming Salamat sa lahat!

Please VOTE kung nagustuhan nyo ang chapter na ito.

Please COMMENT for any thoughts. Gusto ko ring malaman ang mga naiisip nyo or opinyon about sa istorya o chapter na ito.

Again, Thank You!

//MsRedMonster//

A One Night LoveOù les histoires vivent. Découvrez maintenant