--------------------------
Maria Lee, I am yours for the day
His words wound round and round my head. Hindi ko maintindihan kung anong meron dito sa lalaking 'to at niyakag niya ako dito sa pathway papuntang Sumaguing Caves. Hindi na siya nagsalita pa pagkatapos niyang bitawan yung statement niya at parang naghihintay sa kung anong sasabihin ko. Nagtitigan lang kami sa gitna ng daan pero parang tinamad siya kaagad maghintay at hinila na lang ang kamay ko para patuloy na maglakad.
I am yours for the day.
Ano yun, parang master and slave? Naramdaman kong namula ang pisngi ko. Ang gwapo namang alipin nito. Ang ganda ko naman kung siya ang alipin ko.
Nakarating kami sa tindahan kung saan nagmamarka ng opening ng caves. May ilang mga foreigners na naghihintay doon kasama ng mga guide nila.
"May guide na ba kayo?" tanong nung manong at sumagot siya.
"Nauna lang kami sandali. Hinihintay pa namin yung mga kasama namin."
I sat down on one of the benches. Bigla kong naalala na kailangan ko pa nga palang mag-isip ng paraan kung paano i-e-explain kay Ama yung nakita niya kanina. Bigla akong namula ng naalala ko ulit yung nangyari.
Hala, sayang yung first kiss ko! Pero sabi niya first kiss niya rin yun so parang hindi rin naman ako lugi.
Anong hindi ka lugi Ria? Dapat sa Prince Charming mo yung first kiss mo! Hindi dito... dito sa unggoy na 'to!
I stole a glance at him. Gwapo. Matangos ang ilong, itiman ang mata, makapal yung kilay, tanned, medyo mestiso at matangkad. Medyo mahaba yung buhok niya na nakatali sa likod pero nakalaylay yung bangs sa magkabilang gilid ng mukha. O sige, aaminin ko na nga, mukha siyang pang-Koreanovela. Pero hindi ko masyadong ma-appreciate kanina dahil na-bad-trip ako sa ginawa niya.
"Here," hindi ko na napansin na nakatayo na siya sa harap ko. I snatched my book out of his hands. Ngumiti siya at nag-crouch sa harap ko,
*"How do I love thee? Let me count the ways.
I love thee to the depth and breadth and height,"
Oh shit. He's reciting the opening lines of my favourite poem.
"My soul can reach, when feeling out of sight
For the ends of Being and ideal Grace."
Whattheheck! Nakakatindig balahibo yung boses niya!
"I love thee to the level of everyday's
Most quiet need, by sun and candlelight."
He's smiling slightly at me. I realized na nakanganga ako sa kanya and I immediately closed my mouth.
"I love thee freely, as men strive for Right;
I love thee purely, as they turn from Praise.
I love thee with the passion put to use
In my old griefs, and with my childhood's faith."
Holy crap! Lalaki ba talaga siya? Bakit kabisado niya yung mga ganitong poems? Shocks...nakaka...nakaka-in-love?
"I love thee with a love I seemed to lose
With my lost saints-I love thee with the breath,
Smiles, tears, of all my life!-and, if God choose,
YOU ARE READING
It Started in the Library (Completed and Editing)
RomanceHindi ko naman talaga sinasadya. Nainis lang ako nung araw na 'yon. Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko at umandar ang aking pagka-OC at pagka-intrimitida. Kasalanan mo, nilapastangan mo yung libro. Malay ko bang mahuhulog pala ang puso ko...
Chapter 19: Do Not Go Gentle Unto That Good Night
Start from the beginning
