Loving World

1.3K 47 2
                                    


NANG gabing iyon, gamit ang kapangyarihan ni Jeffrey, naging invisible uli ako. At muli na naman kaming lumipad na dalawa--nang magkasama.

Wala kaming direksyon, pero wala kaming pakialam. Magkahawak ang mga kamay namin at para sa 'kin yon ang importante. Para kasing hindi magiging napakaganda ng mga ilaw ng siyudad kung hindi niya hawak ang kamay ko.

Nakarating kami sa isang amusement park sa Laguna. Nagpaikot-ikot kami sa may Ferris wheel, pinagtawanan 'yong isang magjowa na nakasakay sa isang gondola, kasi panay ang hampas ng babae sa lalaki dahil sa sobrang takot.

Habang nakalutang sa ere, pinanood namin ang masasayang pamilya at barkada. Tuwang-tuwa akong marinig ang tawa nilang lahat, makita ang ngiti sa mga labi nila. May nakita kaming mag-asawang matanda sa isa sa mga bench, nakahilig si lola sa balikat ni lolo.

Suddenly, nagkaroon ako ng longing for physical contact. Parang gusto kong mayakap din.

Doon ko napansin na tumingin si Jeffrey sa 'kin. Ngumiti siya, sabay ipinulupot ang braso niya sa 'kin para bigyan ako ng yakap. Kasabay niyon ay ang fireworks display. Sari-saring kulay na nagiging palamuti ng itim na langit.

Nanood kami na nakahilig ang ulo ko sa dibdib ng anghel at nakayakap naman siya sa 'kin. I closed my eyes, yet I knew I would still see glorious colors because I was inside his arms. Napakabilis din ng tibok ng puso ko.

Nagkakacrush na ko sa 'yo, Jeffrey... biglang pumasok sa isip ko. Nagugustuhan na talaga kita...

Naramdaman ko na parang na-tense si Jeffrey matapos kung maisip iyon. Bahagya tuloy akong kumalas sa kanya para titigan siya. Nakitaan ko ng pag-aalala ang mga mata niya.

Pag-aalala. Nakita ko na 'yon sa mga lalaking nagugustuhan ko.

'Yong pag-aalala na dahil sa hindi nila alam ang sasabihin sa 'kin, hindi nila alam kung paano ako ire-reject nang hindi ako nasasaktan. Hindi nila mahagilap ang mga salitang dapat sabihin.

Alam ko na ang ibig sabihin ng pag-aalalang 'yon at sanay na ako doon. Sanay na ako sa indifference at awa. Kaya nginitian ko na lang siya, dahil ayaw ko na isipin pa niya ang damdamin ko. "'Wag kang mag-alala," sabi ko. "Wala ka namang kailangang sabihin. Hindi naman ako umaasa."

"Herminia--"

"Sssh," sabi ko sa kanya, sabay titig uli sa nagpapatuloy pang fireworks display. "Panoorin na lang natin ang fireworks."

Ilang segundong ko rin yatang ramdam na sa 'kin siya nakatingin, bago siya muling sumulyap sa fireworks display. Nag-concentrate ako sa fireworks display at hindi pumikit, para kapag naluha ako, puwede kong sabihin na dahil lang 'yon sa nasilaw ako sa fireworks. Paki ko kung alam naman niyang kasinungalingan 'yon kasi nababasa niya ang isip ko? At least may excuse akong nasabi.

Kagat kagat ko ang labi ko para pigilan ang sarili kong humagulgol, kung hindi ko lang narinig na nagsalita si Jeffrey.

"Herminia..." he said. And I couldn't look at him kahit alam kong inilapit niya ang mukha niya sa 'kin, dahil umabot sa pisngi ko ang hininga niya. "Herminia, nagugustuhan na rin kita..."

NAKAUPO kami sa isang tulay somewhere in Laguna pa rin. Nakatingin kami sa mga ilaw na nagre-reflect sa ilog. Nakaakbay siya sa 'kin. Wala kaming sinasabi sa isa-t-isa. Alam kong parehong malalim ang mga iniisip namin.

Ako ang bumasag sa katahimikan. "Ano na tayo ngayon?" tanong ko. Hindi ko talaga sure kung ano ang label namin dahil hindi ko pa naranasan 'to. Hindi pa ako nagkagusto sa taong nagkakagusto rin pala sa 'kin. Everything still felt like a dream. It was beautiful, pero parang too good to be true. At alam nating natatapos ang panaginip kapag nagising tayo. At paano kung magising ako?

Mad World (Complete)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum