Jealous World

1.3K 46 0
                                    


NATALO kami. It didn't seem to matter though. Okay na ang paa ko dahil nagpunta muna kami sa isang anghel na may kapangyarihan daw na makapagpagaling. Habang naglalakad kami pauwi sa bahay na tinutuluyan namin, pinag-usapan na namin kung paano niya ako ipagtatanggol sa konseho.

I was having a really great time with the angel. Hindi ko 'to naranasan noong nasa mundo pa ako.

Nakarating na kami sa bahay at nagtaka ako nang makitang bukas ang ilaw sa loob.

"May tao?" I asked.

Umiling lang si Jeffrey para siguro sabihing hindi nito alam, binuksan ang pinto. Living room agad ang nabungaran namin, at may nakita akong babae na nakaupo sa isa sa mga sofa. She had nice wavy hair, a pair of bright eyes and lips that I dreamt of having. Nang mapansin nito na naroon kami sa may pintuan, agad na ngumiti ito.

"Jeffy!" she said, her voice sounded like beautiful promises.

Idinipa ng babae ang mga kamay at sinugod ang anghel. Niyakap ng babae si Jeffrey na super higpit. Tiningnan ko si Jeffrey at nakita ko na natuwa siya na nakita ang babae. Yumakap din kasi siya.

"Nakalimutan mo na ba? It's the start of the week when we are allowed to visit you," sabi ng babae. "Dati hinihintay mo ang pagdating ko."

"Sorry, Nicole. May bago lang kasi akong tinutulungan ngayon," sabi ni Jeffrey.

"I understand." Kumalas ang babae kay Jeffrey at tumingin sa akin. Inilahad niya ang kamay niya. "Hi, I'm Nicole," she said. "Isa ako sa mga kaluluwa na napunta sa Pico Mundo dati. Meaning I am just like you. At si Jeffy ang tumulong sa akin."

Tinanggap ko ang pakikipagkamay niya. "Hello," I said, trying so hard to sound enthusiastic. "Nice to meet you."

Tumingin ulit si Nicole kay Jeffrey, at may ilang segundo ring nagtitigan ang dalawa. Parang hindi ako makahinga, parang may dumadagan sa dibdib ko.

"Usap tayo sa labas, Jeffy," she said. "Mas malamig doon. Magkumustahan tayo. Sige na, please." Nagpa-cute si Nicole. In fairness, hindi tulad sa 'kin, bagay kay Nicole na magpa-cute.

"Sure," sabi ni Jeffrey, sabay tingin sa 'kin. "Usap lang kami sa labas."

I smiled dismissively. "Okay." Nagkunwari akong waley pakialam. Nagpunta sa kusina, uminom ng malamig na tubig. Gumawa ng sandwich. Sa isip, pinapaulit-ulit ang mga salitang: It doesn't bother me. It doesn't bother me. It doesn't bother me.

Pero honestly, it bothered me. Kaya kinuha ko ang sandwich ko, nagtungo sa sala, hinawi ang kurtina at pinanood ang dalawa habang kumakain. Para akong pedophile na naghahanap ng biktima.

Nakaharap sa direksyon ko si Jeffrey, na nakangiti. Nakatalikod si Nicole, magalaw ang kamay, may ikinukuwento siguro. Mayamaya Jeffrey laughed so hard. Bigla, I wanted to go out to just listen to him laugh. Pero ewan, parang ang bigat din kasi sa loob na hindi ako ang nakapagpatawa sa kanya ng gano'n.

"Mautot ka sana," pabirong dalangin ko, sabay kagat sa sandwich.

Hindi ko masyado kitang si baklang Nicole, pero I can conclude na ngayon, hinahampas niya sa dibdib si Jeffrey. At mukhang enjoy naman ni Jeffrey na mahampas sa dibdib. Pabiro pa nitong pinisil ang pisngi ni Nicole.

I bit my lip. Umalis na ako sa may bintana kasi sumasama lang ang loob ko. Nagpunta ako sa kuwarto ko, isinara iyon nang padabog. As if naman may audience ang ginawa kong pagdadabog. Bobey din ako, eh.

Humiga ako sa kama ko. Naramdaman ko na may mainit na likido na umaagos sa gilid ng mukha ko. Naman! Bakit kailangan 'kong umiyak? Nakakaasar naman. Ang arte ko naman.

Mad World (Complete)Where stories live. Discover now