Boundless World

1.6K 52 1
                                    


"BABALIK na ba tayo sa Pico Mundo?" tanong ko kay Jeffrey, nang magyaya ang anghel na maglakad-lakad muna. Nagkakaingay pa ang mga tao sa kalsada dahil aalas nuwebe pa lang ng gabi, pero hindi naman alintana iyon.

Tumingin sa 'kin si Jeffrey. "'Wag muna," sabi ng anghel, nakangiti.

"Bakit?"

"Let's explore the city first."

"Ano naman ang i-e-explore sa city?" sabi ko. "'Di naman maganda ang city, maraming riding in tandem."

He laughed. "We're going to explore it from the sky."

"You mean... You mean lilipad tayo?"

Tumango si Jeffrey. "Parang gano'n na nga. Give me your hand." Inilahad niya ang mga kamay niya.

Ipinatong ko naman ang mga kamay ko sa kamay ni Jeffrey. Naramdaman ko ang pagbalot sa amin ng malamig na hangin. Muntik na kong mapatili nang unti-unting umangat mula sa semento ang mga paa namin.

"Oh my god, oh my god..." nagpa-panic na sabi ko.

"Mag-relax ka lang. Hayaan mo lang ang sarili mong lumipad."

Nang halos bubong na lang ng mga bahay ang nakikita ko, napapikit na ako. Nilalamig na, kinakabahan. Mukhang na-sense naman ni Jeffrey ang takot ko, dahil niyakap ako ng malambing na anghel at ginawaran ng halik ang pisngi ko. And then he whispered. "Buksan mo ang mga mata mo, Herminia."

Bumuntong-hininga ako, kahit paano ay na-comfort naman ng body heat ng anghel. Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko. Noong una ay nakagat ko ang labi sa pagkalula, pero nang makita ko ang mga maliwanag at iba't-ibang kulay ng ilaw ng siyudad sa di kalayuan, unti-unting nawala ang kaba.

"Let's fly to the city," sabi ni Jeffrey, kinuha ang kamay ko at sinamahan ako sa paglipad. Mabilis ang paglipad namin, humahalik ang malamig na hangin sa mukha ko. Parang tinangay niyon lahat ng kalungkutan at kaba sa puso ko.

Mayamaya pa, nasa siyudad na kami. Sa isang highway, bumper to bumper ang mga sasakyan. Natatanaw ko ang mga taong tumatawid sa hindi dapat tawiran. Nakikita ko pati 'yong mga bata na hindi matigil sa pag-selfie sa tabi ng Christmas decorations ng isang store.

"Bibitiwan kita Herminia, ha? Bibitiwan kita, para makalipad ka nang sarili mo." sabi ni Jeffrey sa tabi ko.

Amazed na nilingon ko siya. "Makakalipad ako?"

"Oo. Ibinahagi ko sa 'yo ang kakayahan kong 'yon. 'Wag kang matakot. And let yourself go."

Binitiwan ni Jeffrey ang kamay ko. Nakaramdam ako nang takot noong una, pero tumingin lang ako sa mga mata ng anghel, na parang nag-a-assure na wala akong dapat ipag-alala.

At mayamaya pa, kung saan ko naisip na pumunta, makalilipad ako sa direksyong iyon. I started chuckling. And then I started laughing. Alam kong wala namang nakakakita sa 'kin kaya sinamantala ko ang paglipad. Enjoy na enjoy ako, na muntik pa akong tumama sa bibig ni Vice Ganda sa isang billboard.

"Ingat ka," natatawang sabi ni Jeffrey.

Tinawanan ko lang siya, sabay namaywang habang nakatingin sa kahabaan ng high way.

"Mga bobo!" sigaw ko. "Walang poreber!" And then I laughed hysterically. "Walang maganda sa mundong 'to! 'Daming corrupt! 'Daming tanga! 'Daming sa kagandahan lang tumitingin! 'Daming manlalait! 'Daming nagdurusa! 'Daming mukhang pera! Hindi kayo marunong lumipad, hindi kayo marunong maging malaya!"

At inisip kong nagpapasirko-sirko ako sa ere, at nangyari nga iyon. Shonga lang, kasi nahilo ako nang slight. Mabuti na lang at hinawakan ako ni Jeffrey sa magkabilang balikat, ngiting-ngiti, mas makislap pa sa mga bituin ang mga mata. Hindi na naman niya inalis ang tingin niya sa 'kin, habang masuyong isinasayaw ng hangin ang buhok niya.

Mad World (Complete)Where stories live. Discover now