Real World

1.3K 48 0
                                    


KINABUKASAN ng gabi, nagkakatipon na ang mga anghel at ang mga kaluluwa sa gusaling na nagsisilbing portal ng Pico Mundo sa iba't-ibang dimensyon. Lahat ay pinag-uusapan ang magaganap na pagpili.

"Sabi ng anghel ko, kung sino raw sa 'tin ang magkakakaroon pala ng maayos na buhay kung hindi lang nagpakamatay, iyon ang mapipili. Iyon ang magiging Revived Soul," namimilog ang mga mata at sige sa paglamon si Wanda habang nagsasalita.

"Ang sabi naman sa 'kin, kung sino ang hindi pala magiging masamang tao kung siya ay nabuhay, 'yon ang mapipili," sabi ni Keith.

"I don't think I will be the revived soul," sabi ni Mindy. "I think my life is a mess."

Umalis na ko sa umpukan ng mga kaluluwa at nilapitan si Jeffrey. Marami akong gustong itanong sa kanya, pero ni ayokong isipin ang mga iyon.

"May kailangan pala akong sabihin sa 'yo," sabi sa 'kin ni Jeffrey. "Kapag nakarating tayo sa mundo n'yo gamit ang portal, parang babalik ka sa pagiging buhay. Makikita ka ng lahat. Pero ako, hindi. Ikaw lang ang makakakita sa 'kin. Hanggang tatlong araw lang tayong puwedeng magtagal sa dimensyong buhay ka. Pero kung naka-dalawang araw tayo o isa at sapat na sa 'yo ang mga nakita mo, puwede na tayong bumalik. Iuulat natin sa mga konseho kung ano ang nakita natin."

I nodded, then tried to smile. "Kinakabahan ako," Paano kung makita ko na wala naman palang magbabago, nagpakamatay man ako o hindi? Tulad lang din pala ng dati, gigising lang ako sa dikta ng body clock, matutulog sa pagmamakaawa ng katawan? Kapag tinanong ako kung para kanino ako nabubuhay, wala akong maisasagot. At maiisip ko nabubuhay lang ako para maghintay na tumanda at mamatay.

Frustrating, kasi dito sa Pico Mundo, sa tabi ni Jeffrey, I feel so special. Paano kung sa pagpasok ko sa portal, I would feel pathetic again?

Nabasa ni Jeffrey ang nasa isip ko, kasi napuno ng tenderness ang mga mata niya. "Hindi ako aalis sa tabi mo," he said. "Hindi ako papayag na bumaba ang tingin mo sa sarili mo. Babatukan kita."

Napailing ako, napangiti. "Sira."

"At mapagtatawanan ka, kasi parang umaray ka nang walang dahilan. Hindi kasi nila ako nakikita."

Pinisil ko ang magkabilang pisngi ni Jeffrey. "Promise 'yan, ha? 'Di ka aalis ha?" I said. "Baka naman sa three days nating pag-stay doon, makakita ka ng magandang babae, tapos--"

Ipinatong lang niya ang daliri niya sa mga labi ko, at tiningnan ako na parang nire-recite ko sa kanya ang periodic table of elements complete with atomic number pa. As if I am being ridiculous.

"Sa 'yo lang ako," sabi niya, sabay turo sa necklace na suot niya.

Iba ang epekto sa 'kin ng salitang 'yon, pinilit kong 'wag pansinin. Hinawakan ko ang necklace niya, nilaro sa daliri ko. Dahil doon ay naramdaman ko nga ang koneksyon naming dalawa, lalo pa na hindi naghihiwalay ang mga mata namin.

Sa 'yo din ako, naisip ko. It made him smile.

Mayamaya pa, binuksan na ang pinakamalaking pinto sa gusaling iyon. At ang mga kaluluwa ay humawak sa kamay ng anghel ng mga ito. Isa-isa na silang pumasok sa loob ng pinto. Puting liwanag ang naghihintay sa 'min doon.

Kinuha ni Jeffrey ang kamay ko at sabay kaming naglakad patungo sa pinto.

All the while, I was holding my breath.

NANG magmulat ang mga mata ko, bumungad sa 'kin ang kisame ng apartment ko. Bumangon ako paupo. Iginala ko ang paningin ko sa kuwarto. Naiba na ang TV ko. Dati maliit lang, ngayon, flat screen na. Naiba ang puwesto ng mga furnitures. At may aircon na ako ha? Dati nagtitiis ako sa pabebeng electric fan. Tumingin ako sa calendar na nasa sulok ng kuwarto. Taong 2018 ang nakalagay doon.

Mad World (Complete)Where stories live. Discover now