Happy World

1.4K 44 0
                                    


NA-REALIZE mo naman siguro na iba't-iba ang paraan ng mga tao kung paano mag-handle ng pain.

Iyong mga magaganda, iiyak. At dahil maganda sila, 'dami magco-comfort. As if tears of beautiful people were worth millions. Pero bakit magaganda pa ang OA mag-emo? Are they just too self-centered to notice that they are blessed with people who would share the pain with them?

May mga nagpaparinig sa social media, mga humuhugot, nagpapatama. Pi-picture-an ang sarili na umiiyak, ia-upload sa Facebook with a caption: Eto ung sinayang mu. Huhuhu. Akala ko ba walang titibag? How can they be okay after that? For me, Facebook is just a virtual world. And the pain they were feeling, was it just virtual?

Siyempre, may mga tulad ko. We mourn alone. We close our doors and bawl our eyes out. We close our doors because we somehow know no one would bother to knock to check us out. We close our doors because we realized happiness might never figure his fucking way on our doorsteps.

Pero sabi ko sa sarili ko, hindi ako magmumukmok mag-isa. Kaya nang hapong iyon, nasa tapat ako ng TV ng bahay nina Keith, drinking hot chocolate and eating home-made potato chips. May pinapanood akong pelikula, kasi, may DVD player naman sa Pico Mundo.

"Kinukumusta ka ni Eremiel--ni Jeffrey," sabi sa 'kin ng anghel ni Keith na si Angel Harahel--na nagpapatawag na Toby. "Umalis na raw si Nicole."

"I don't care," sabi ko. Na-realize ko naman agad na naging rude ako. "Sorry." I sighed. "I think hindi ko pa siya kayang harapin."

Sabihin nang maarte, pero all my life naman, hindi ako binigyan ng karapatan ng mundo na mag-inarte. Ako ang laging umiintindi sa mga tao. Moment ko naman 'to.

"Nalulungkot na si Jeffrey, Herminia," sabi pa ni Toby. "Dito sa Pico Mundo, importanteng mga nilalang ang mga anghel. Hindi sila dapat nalulungkot nang sobra."

"Bakit?"

"The sky will be dark. And it will rain."

I snorted. Weird ang Pico Mundo kaya tingin ko posible ang sinabi niya. "Hindi naman umuulan, eh. So hindi siya malungkot."

Napailing na lang si Toby. "Well, it's your choice."

"It is. At today, choice ko na i-enjoy ang movie na 'to" sabi ko, sabay tawa nang malakas na parang nakakatuwa ang pinapanood. Huli na para ma-realize ko na horror nga pala ang pinapanood ko.

Pero anyway, nakaalis na si Toby. Maybe he is with Keith somewhere in the house. I tried to focus on my movie. Until the door bell rang.

Tinawag ko si Keith pero hindi iyon sinagot ang pinto. Napapalatak ako, ngunguto-ngutong nilapitan ang pinto, binuksan iyon.

Ang mukha ni Jeffrey ang bumungad sa 'kin.

I felt cold and warm at the same time. Tumibok na naman nang mabilis ang puso ko. It was like a dog who saw it's owner. I groaned inside.

"Bumalik ka na," he said, emphasizing every word, may lungkot sa tinig. "Kailangan kita ro'n."

"'Asan na si Nicole?" was my response.

Hindi niya pinansin ang sinabi ko. "Hindi ako masaya ro'n kapag wala ka."

"'Wag mo nga akong utuin."

Biglang humawak ang anghel sa braso ko. Nagmamakaawa ang mga mata niya, ayaw akong pakawalan. Ako lang ang mismong nagpilit na iwaksi ang mga kamay niya.

"'Wag ka nang bumalik dito!" angil ko, sabay pabalibag na sara ng pinto.

Hindi muna ako gumalaw, huminga muna ako ng malalim. Inabot din siguro ako ng ilang minuto doon, nagdadalawang-isip kung bubuksan ba uli ang pinto o hindi. Sa huli, pinili ko na hindi.

Mad World (Complete)Where stories live. Discover now