Remorseful World

1.7K 50 0
                                    


 REMORSE is a funny thing, don't you think so?

Look at the headlines on newspapers and you'd read about remorse.

Isang abusive mother ang nagsisi matapos mapabayaan ang anak. Isang teacher ang nag-iiyak matapos ma-expose ang pang-aabuso niya sexually sa mga estudyante niya. Isang rapist ang nagpapako sa krus noong Holy Week para ipakita ang pagsisisi at simulan ang pagbabagong buhay.

Pero does remorse change anything? Does remorse bring back everything your soul had lost?

"Iyon ang importanteng makita sa 'yo ng mga konseho," sabi sa 'kin ni Jeffrey. Naglalakad kami sa kalsada ng Pico Mundo, papunta sa lugar na sinabi niyang kailangan naming puntahan. "Pagsisisi. Lahat naman ng tao, kapag nagsisi, napapatawad, 'di ba?"

Siguro, naisip ko. Pero ang mga taong nagsisisi, hirap na hirap patawarin ang sarili.

"So, sa pupuntahan natin, makakaramdam ako ng pagsisisi sa ginawa ko?" she said.

Nasa tapat na kami ng isang building na may dalawang palapag. May sign sa unahan: PORTALS. Huminto si Jeffrey at tumitig sa akin.

"Hindi ka ba nakakaramdam ng pagsisisi?"

I told him what I honestly feel. "Hindi masyado."

Kasi, ano ang pagsisisihan ko? My life back then goes like this: waking up, going to an unrewarding job, lying in bed thinking of my unrequited love for Christopher, crying and sleeping. It felt as if I'm barely breathing the whole day.

So, paano ko panghihinayangan ang gano'ng klase ng buhay?

"Iniisip mo kasi na hindi ka suwerte sa buhay mo," sabi ni Jeffrey. "I hope na pagkatapos nito, ma-realize mo na hindi lang ikaw ang taong hindi gusto ang nangyayari sa buhay niya."

I just shrugged. Tinungo na ni Jeffrey ang pinto ng building na may pangalang PORTALS, binuksan iyon. Inisip ko na makakakita ako ng isang conference room o receiveng area, anything normal. Pero ang nakita ko lang ay isang pabilog na kuwarto na may maraming nakasarang puting pinto.

"Anong klaseng lugar 'to? Bakit maraming pinto?" I said. "Matutuwa ang mga nangangarolling dito," I tried to joke.

"Ito ang point of connection namin sa iba't-ibang bahagi ng Pico Mundo. Mayroon din ritong pinto na magdadala sa 'tin sa mundo n'yo, at sa iba pang dimensions." paliwanag ni Jeffrey. "At doon tayo sa mundo n'yo pupunta."

I was alarmed. "Bakit?"

"Well, hopefully, to make you feel some remorse," he said.

"Oh."

Tumingin uli ako sa paligid. Hindi ko napigilan ang sariling libutin ang silid na puno ng pinto. Carpeted ang sahig niyon. Malamig at walang marinig na tunog mula sa labas. Sa gitna ng kuwarto, may malaking puting marmol na katulad nang makikita sa mga plaza. May nakaukit sa marmol na iyon.

Pico Mundo's Summary of Suicide Methods:

Rank

Method Name

Lethality (%)

Time (min)

Agony

1

Shotgun to head

99.0%

1.7

5.5

2

Cyanide

97.0%

Mad World (Complete)Where stories live. Discover now