"It's kuya Faolan. They we're talking about you. It was something about kuya Sebastian messing up the plan but I don't know exactly what are they talking about." Tumango ako kahit na pati ako ay nagtataka rin sa mga nangyayari. Pakiramdam ko ay para akong napasok sa isang laro na wala akong kaalam-alam kung anong mga nangyayari. This was supposed to be my game, now I doubt if I am the one who's running this effin. Tumayo na ako mula sa pagkakaupo sa kama ni Sebastian tsaka ako sumunod sa kaniya ng marahan niyang hilahin ang kamay ko palabas ng silid. Mabuti nalang at mukhang wala ng planong umepal pa ang kahit na sino man sa pamilya ni Sebastian kaya nakababa kami ng payapa.


Nang makababa na kami ay doon ko lang natanaw sina Sebastian na nakatayo sa labas ng pintuan. Katabi nito sina Lauvrene at Zatrius na mukhang may pinagtatalunan ata habang si Faolan naman ay prente lang na nakasandal sa kotse niya. Hindi ko marinig ang pinaguusapan nila pero alam kong seryuso iyon dahil sa seryusong mukha ni Sebastian. He looks pissed and I don't know why. Kanina lang ni hindi mabura ang ngiti sa labi niya eh.


Nang makalapit na kami sa kanila ay kaagad din naman silang tumahimik tsaka sila sabay na lumingon sa direksyon namin ng batang kasama ko. Bumalik ang paningin ko kay Sebastian at nanliit ang mga mata ko ng hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin. He's now wearing a black long sleeve at bahagyang nakabuhakas ang dalawang butones nito. Magulo din ang buhok niya at halatang may malalim siyang iniisip. Umiwas nalang ako ng tingin sa kanya tsaka ako bumaling kay Faolan. Ngumiti siya saakin kaya naman ngumiti nalang din ako sa kaniya.


"Make sure she'll go back to Night Blood safe, Throndsen," Sebastian ordered still not throwing me a single glance. Bipolar talaga ang paniki na 'to.


"I will, Sebastian. I don't make some stupid decision to compromise her safety." Faolan response with an accusing tone. Nangunot ang noo ko ng magsukatan silang dalawa ng tingin na ani mo ay nagtatalo sila gamit lang ang mga mata nila. Anong trip ng dalawang 'to?


"I'm sorry for the rudeness of my family, Hyrreti." Lumingon ako kay Zatrius ng bigla nalang siyang magsalita sa likuran ko. Tumango nalang ako bilang tugon. Mukhang pati siya ay hindi rin nagustohan ang naging asal ng pamilya niya kanina. Hindi niya naman kasalanan iyon. "See you soon." Ngumiti siya at napairap nalang ako ng abutin niya ang kamay ko at gaya ng palagi niyang ginagawa, dinampian niya ng halik ang likud ng palad ko earning a groan of displeasure from Faolan and Sebastian.


"Calm your *ss there lover boys. I'm just kissing my girl goodbye." Nakangising turan ni Zatrius na ikinailing ko nalang.


"I am not your girl! /I own that woman, Gabriel!" sabay na saad namin ni Sebastian. Nagkatinginan kami pero kaagad din naman siyang umiwas ng tingin tsaka niya isinuklay ang kamay niya sa buhok niya.


"Don't worry about Sebastian, Salvatore. Ako ng bahala sa kanya." I squinted my eyes at Lauvrene's words. Yumapos pa talaga siya sa braso ni Sebastian pero kaagad din naman siyang napalayo ng balaan siya nito.


"Let's go Hyrreti." Tumango ako kay Faolan bago ko binalingan ng tingin ang batang nakatayo parin hanggang ngayon sa tabi ko. Ngumiti ako sa kaniya tsaka ko bahagyang umupo. "See you again soon, kiddo. Huwag kang tumulad sa dalawang kuya mo ah. Grow up as a fine gentleman. Not a grumpy vampire whose face looks like a bat." Sinadya kong ibulong iyong mga huling sinabi ko pero mukhang narinig din naman nila iyon dahil mas lalong lumukot ang mukha ni Sebastian.


NIGHT BLOOD UNIVERSITYWhere stories live. Discover now