xxx

11K 571 96
                                    

NEWBIE


Two weeks have passed again and I'm still digging for some information about the royal blooded vampires. Minsan ay nag ku-kwento saakin iyong librarian tungkol sa mga royal-blooded vampire na 'yon pero limitado lang din ang na e-ki-kwento niya  saakin tungkol sa mga bampira na iyon. Masyado naman kasing pamesteryuso itong mga royal blooded vampires na 'to. Kapag talaga nalaman ko ang lugar kung saan sila nagtatago sisiguradohin ko talagang walang matitira sa kanila.

"Vampire's Bonding?" Kinuha ko ang lumang libro nang mabasa ko ang pamagat nito. 

Isa-isa kong binuklat ang mga pahina nito at nabaling ang atensyon ko sa pang-apat na pahina nito kung saan nakasulat ang salitang umagaw sa atensyon ko. Mate. Tahimik ko itong binasa. Vampires really do find their other half and they call it their beloved. Hindi nga lang nakalagay sa libro na 'to kung tanging mga royal blooded vampires lang ba ang nakakagawa no'n o lahat ng uri ng mga bampira.

"The bond between mates is irresistible and will last for a lifetime?" Mahinang pagbasa ko sa nakasulat sa pahina ng libro. Will it last for a lifetime?

"Bond really is a strong connection between two vampires ija. It's rare for them to find their mate so it's something that is so precoius for vampires." Napatingin ako sa librarian ng bigla na naman siyang sumulpot sa tabi ko at nagsalita. Hindi na ako nagulat pa dahil palagi naman niya itong ginagawa. Wala naman kasi siyang ibang pweding pagtuonan ng pansin dahil ako lang naman ang mag-isang pumupunta sa library na ito.

"How about the vampire's beloved? What if their other half dies? Can they still--by any chance—fall in love again?" She just smiles.

"Hindi natin masasabi ija. Maybe they will, or maybe they will not." Napabuntong hininga nalang ako sa narinig kong sagot niya. Bakit ba kasi masyadong komplikado ang lahat ng bagay?

 Napatingin nalang ako sa labas ng bintana na katabi nitong lamesang inuupoan ko ngayon. If that girl named Luna is his other half, then that means I can't be able to make him fall into my deadly trap. Ano nang gagawin ko nito ngayon? Ito na ba ang sign na kailangan ko nang kidnapin ang bampira na'yon at pilitin nalang na paaminin kung nasaan ang mga kagaya niyang royal blooded vampire? 



"Bakit ganiyan ang mukha mo? Para kang nawalan ng isang bilyon ah." Natatawang tanong ni Demiana ng maupo silang tatlo sa mga bakanteng upuan kung saan ako nakapwesto ngayon. Nauna na kasi dito sa Dining de Night kanina dahil hindi naman ako pumasok sa isang subject ko. Umiling lang ako tsaka ibanaling ulit sa pagkain ko ang paningin ko.

"Miss mo na?" Here comes Veine again. Inirapan ko siya.

"Stop teasing me, Veine!" Simula kasi no'ng nakabalik ako galing sa forbidden forest ay hindi na nila ako tinantanan kakatukso doon sa Alpha nila. Mas lalo lang tuloy akong nayayamot. 

Ngumiti lang naman ang tatlo na'to kaya napailing nalang ulit ako.

"Look, Azeya is giving you a deadly glare again." Xy murmured bago niya nilantakan ang pagkaing kinuha niya sa counter kanina. Hindi ko nalang pinansin ang sinabi niya dahil palagi naman talagang mainit ang ulo saakin ng Azeya na 'to. Mukhang hindi pa ata siya nakakamove on dahil nagawa kong makabalik mula sa forbidden forest na iyon.

"By the way Veine, about the rumor spreading, is it true?"

"Hm." Kumunot ang noo ko sa pinag-uusapan nila.

"What about the rumor?" Napatingin silang tatlo saakin na parang ako na ang pinaka imposibleng nilalang sa buong mundo. Ano bang inaasahan ng tatlong 'to? Dapat mas magulat pa sila kapag may pakialam na ako sa mundo. 

NIGHT BLOOD UNIVERSITYWhere stories live. Discover now