xviii

12.1K 749 249
                                    

CONFUSED

"Nice to meet you, Zatrius," I said with a fake smile plastered on my face.

Good thing I haven't forgotten his name yet. Though I'm pretty sure, I'll still forget about it later on. Going to this party isn't a waste of time after all. I just spotted another target for my mission.

"See you around next time, Hyrreti." Nakangising saad niya bago siya tuloyang naglaho sa paningin ko. Agad na nabura ang pekeng ngiti sa labi ko nang tuluyan na siyang mawala sa paningin ko.

Napairap ako bago ko pinunasan ang kamay ko. He kissed my hand. Gross. Napailing nalang ako bago ko napagpasyahan na mag lakad-lakad nalang ulit.

Ilang minuto rin akong naglakad-lakad hanggang sa mamalayan ko nalang ang sarili ko na nasa harapan na ng pintuan nitong lumang silid aklatan na nilinis ko noon. Sinuyod ko muna ng tingin ang paligid bago ako nag pasya na pumasok na. Sigurado akong nasa kasayahan pa ang lahat ng mga bampira ngayon kaya naman ligtas naman siguro na tumambay dito ngayong gabi.

Kagaya noon ay isang nakakabinging katahimikan ang sumalubong saakin pagpasok ko palang sa pintuan nitong silid. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa pinakadulong bahagi ng silid kung saan makikita ang pintuan na papunta sa isang conservatory room kung saan may nakatanim na kulay itim na mga rosas.

'I wonder what this room looks like at night?'

Binuksan ko na iyong pintuan tsaka ako sumilip sa loob. Walang ilaw pero kahit ganoon ay maliwanag parin naman sa loob dahil sa gawa sa salamin ang apder at ang bubong ng silid na ito. Tumatagos ang liwanag ng buwan sa loob na siyang nagbibigay ng liwanag sa silid na ito.

"Woah! It looks amazing."

Namangha ako habang tinitigan ang mga rosas na nakatanim sa silid na ito. "They're beautiful and...deadly."

Mula sa mga 'yon ay inilipat ko ang paningin sa kabilugan ng buwan na tanaw mula sa transparent na ceiling nitong silid. Since that night, a lot of things had changed already. But the moon remains the same. It's still beautiful as ever.

Gusto ko pa sanang e-enjoy ang katahimikan ng gabi ng maramdaman ko ang presensya na iyon. Hindi ko alam kung malakas lang ba ang pandama ko o sadyang kakaiba lang talaga ang presensya niya kaya naman tuwing nasa malapit siya ay palagi ko nalang nararamdaman ang presensya niya.

"He's here, hm?"

Binalingan ko ng tingin ang direksyon kung saan ko nararamdaman ang presensya niya at nakita ko siyang nakatayo ngayon sa madilim na sulok ng silid. He's eyes are blazing in red color at nag mistula iyong bula ng dugo sa gitna ng kadiliman.

Habang nakatitig ako sa mga mata niya ay hindi ko maiwasang alalahanin ang palaging paalala sa akin ni mommy noon.
She's always telling me not to go outside the house once the evening fall. I tried to ask her why and her reply is always the same.

'There's something that lies behind the darkness, Luna. Something dangerous.'

Hindi ko talaga maintindihan kung bakit iyon ang palagi niyang sinsagot. I always wonder what she means with those words. Not until that one rainy night when I decided to go outside of our house. My memory of that was almost like a foggy dream.

Ang naalala ko lang ay ang pagtakas ko palabas ng bahay habang umuulan. Hindi ko din matandaan kung bakit ba ako lumabas no'ng gabing iyon. Pero hindi ko makakalimutan ang pares ng mga mata na iyon na nakamasid sa akin mula sa malayo. Those pairs of glowing red eyes were watching me from a far.

"How did you find this place?" Nabalik ako sa ulirat ng marinig ko ang boses niya na iyon. Hindi ko napansin na masyado na palang lumalim ang iniisip ko.

NIGHT BLOOD UNIVERSITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon