"Are you tired?" Marahan akong tumango. Totoo naman kasing pagod na ako. Hindi naman kasi ako kagaya nila na ginagawang umaga ang gabi. Mas active sila kapag gabi kaya naman kahit abutin sila ng magdamag eh ayos lang.

"Here." Napatingin ako sa balikat niya ng marahan niya iyong tapikin. I knit my brows in confusion. Ngumiti lang naman siya.

"You can take a nap. Akong bahala sa'yo." Tumango nalang ako tsaka ako sumandal sa balikat niya. Hindi ko alam kung anong oras na ba pero mukhang kailangan ko nga munang matulog kahit sandali lang. Sa palagay ko rin ay namumula na 'yong pisnge ko dahil sa mga nangyari kanina eh.

"Huwag mong bawasan ang dugo ko bampira." Natawa lang naman siya sa ibinulong ko. Hindi nalang ako nagsalita pa at ipinikit ko nalang ang mga mata ko.

———

Hindi ko alam kung ilang oras ba akong nakatulog dahil nagising nalang ako na kumportable ng nakahiga sa isang malambot na kama. Kaagad akong napabalikwas sa pagkakahiga ko tsaka ko inilibot ang paningin ko sa kabuoan nitong silid na kinaruruonan ko ngayon. Nasaan ako? Kaninong kwarto 'to?

Kaagad akong napatingin sa suot ko at nakahinga naman ako ng maluwag ng makitang ganon parin naman ang suot ko. Mabuti nalang talaga at walang nag balak na palitan ang gown na suot ko. If they did, baka makita pa nila ang dagger at tracker na inilagay ko sa thigh holster na suot ko. Ibinaling ko ang paningin ko sa glass wall nitong kwarto na natatakpan lang ng isang manipis na kulay puting kurtina.

Umaga na kaya? Hindi naman kasi ganoon ka maliwanag sa labas eh. Tsaka ilang oras ba ako nakatulog? Dahan-dahan akong bumaba sa kamang kinauupoan ko tsaka ako naglakad papunta doon. Marahan kong hinawi ang kurtinang nakatakip dito para malaya kong masilip ang tanawin sa labas. This city is dimmer than Night Blood University. Kahit wala namang matataas na punong kapoy sa lugar na ito ay hindi parin tumatagos ang liwanag ng araw sa lugar na ito.

"Did you sleep well last night?" Kamuntik na akong mapatalon dahil sa boses na 'yon na bigla nalang nagsalita sa likuran ko. Anak ng--nilingon ko ang lalaking bigla-bigla nalang nag salita sa likuran ko tsaka ko siya sinamaan ng tingin. Ngumiti lang naman ang mukong. Nabaling ang paningin ko sa hawak niyang isang kulay puting t-shirt tsaka isang jogging pants.

"Use this. Hindi ko pa 'yan nagagamit kaya okay lang na suotin mo 'yan." Siya nga pala ang kasama ko kagabi bago ako nakatulog. Kaagad akong napahawak sa leeg ko. Hindi naman siguro binawasan ng bampira na 'to ang dugo ko diba? Mas lalong kumunot ang noo ko ng marinig ko ang mahinang pagtawa niya. He looks at me--amuse with my reaction.

"I didn't taste even just a single drop of your blood, Hyrreti." Ngumisi siya tsaka niya inabot ang kamay ko at inilagay doon ang mga damit na hawak niya.

"Hindi na kita ginising kagabi dahil mukhang napalalim na ang pagtulog mo." Tumango nalang ako.

"I'll cook you some food. Puntahan mo lang ako sa dining hall kapag tapos ka ng mag-ayos." Hindi na ako nakasagot pa ng kagaya  dati ay nawala nalang siya bigla sa paningin ko. Napabuga nalang ako ng hangin. Napatingin ako ulit sa tanawin na nasa labas nitong kwarto. Is this the place where royal-blooded vampires live? I wonder how can they use to live in a dim place like this.

"They were just like a prisoner of darkness." Naiiling na saad ko tsaka ako naglakad papasok sa pintuang konektado sa kwarto na ito na sa tingin ko ay siyang bathroom nitong kwarto.





"Siraulong bampira na 'yon. Siguro kasama niya parin hanggang ngayon ang Lauvrene na 'yon kaya ni hindi man lang siya nag abalang alamin kung nasaan ako. Tsk." I murmured in pique. Hanggang ngayon ay hindi ko parin talaga alam kung bakit ba ako umiyak kagabi. Nababaliw na kaya ako? Hayst.

NIGHT BLOOD UNIVERSITYWhere stories live. Discover now