"He will just mess everything up." Ano bang pinagsasabi ng mukong na 'to? Tsaka, bakit niya kinakausap ang sarili niya? Nababaliw na ba siya? Tumingala siya sa itaas na bahagi nitong lugar tsaka siya tahimik na tumitig sa gawa sa salamin na bobong nitong lugar. Ngayon ko lang din na pansin na gawa pala iyon sa salamin dahilan para matanaw mo mula dito sa loob ng silid ang itim at walang buhay na kalangitan. Hindi pa lumalabas ang buwan, 'yon din ata ang hinitintay ng mga bampira na nandito ngayon sa kasayahan. Kapag lumitaw na ang kulay pulang buwan mamaya, sigurado akong tatagus ang liwanag nito dito sa loob. Mukhang ginawa talaga ang pasilidad na 'to para sa mga ganitong klaseng pagdiriwang.

Ilang minuto na ang lumipas pero hanggang ngayon ay hindi parin nakakabalik sina Kleinhaus at si Lauvrene. Naikuyom ko nalang ang mga kamay ko dahil sa hindi ko malamang dahilan. He asks me to stay with him and he even said that he'll keep me safe, now his out with another girl. Just great. At iniwan niya pa talaga ako sa mayabang na Zatrius na 'to. Tsk.

Nang ilang minuto pa ay hindi parin sila bumabalik, nag pasya na akong tumayo sa kinauupoan ko. Hindi ko alam kung saan ba ako pupunta ngayon. Gusto ko lang munang magpahangin. Masyado na akong naasiwa sa pagmumukha ng mga bampira na 'to eh. The sight of them having a good time makes me sick. Narinig ko pa ang pagtawag saakin ni Zatrius pero hindi ko nalang siya pinansin. Isa pa 'yang bampira na 'yan eh. Kung ano-anong mga pinagsasabi, mas lalo lang tuloy sumasakit ang ulo ko. Tsk.

Hindi ko na alam kung saang banda naba ako nitong lugar napadpad, namalayan ko nalang ang sarili ko na nakatayo na dito sa malaking balcony nitong lugar ngayon. This place looks more like a castle in the Disney movie. Hindi ko na masyadong binigyang atensyon ang kagandahan nitong lugar kanina, ngayon ko nalang ulit napansin ang kakaibang disenyo nito. So, this is the vampire world?

Tahimik kong tinitigan ang tanawin mula dito ngayon sa balcony na kinatatayuan ko. Maganda na ito kahit gabi, paano pa kaya kapag umaga? Vampire sure is living in a world where fear has no room. Their race is way more powerful than the other races. Hindi na nila kailangang mabuhay pa sa takot. Hindi kagaya ng mga tao araw-araw nabubuhay sa takot. Takot na baka isang gabi bigla nalang silang atakihin ng mga bampira. Kagaya ng eksaktong ginawa ng mga bampira na 'yon sa pamilya ko four years ago.

Noong una wala naman talaga akong balak na ubosin ang lahi ng mga bampira. Ang gusto ko lang ay hanapin ang mga bampirang pumatay sa mga magulang ko at pagbayarin sila sa ginawa nila. Pero noong makapasok ako sa Zapero Organization. Ipinakita nila saakin kung gaano kadaming pamilya ang pinatay ng mga bampira. Hindi nalang ito tungkol sa mga magulang ko kundi pati narin sa lahat ng buhay na nawala dahil sa mga bampira.

Kung tutuosin nakakainggit din naman talaga ang buhay na mayroon ang lahi ng mga bampira. They have the power, the ability. The only thing that they can never have is the normal life that human has. Vampires didn't experience to live in a world where sun rise and sets. Instead, they were curse to spent their whole life in the shadow. They are the one who lies beneath the darkness. In fact, they are the darkness themselves. Napabuntong hininga nalang ako. Paano ko kaya masusundan ang mga royal-blooded vampires na 'yon mamaya? Paano ko malalaman kung saan sila nagtatago? Hayst. Kaya siguro hanggnag ngayon ay wala paring nagtatagumpay na alamin ang lugar na pinagtataguan ng mga royal-blooded vampires dahil hindi naman pala talaga ito madali. Tsk.

"You're alone in this solitude, huh? I see." Napalingon ako sa isang nilalang na bigla-bigla nalang sumulpot sa tabi ko. He's unknown to me, and I don't like the way he looks at me right now. His eyes are glowing with great desire for my blood. Mukhang may plano pa ata ang bampira na 'to na inumin ang dugo ko ah. He smiles at me which I just responded with a deadly glare.

"Do you wanna know how tempting your scent is? Your blood smells unique than the other humans. I wonder why." He let out a playful smile as his gaze drop down into my neck. Punk! Mas lalo pa ngang lumapad ang nakakairitang ngiti sa labi niya ng makita niya ang marka doon. Paano niya naman maamoy ang dugo ko eh naglagay naman ako ng scent remover kanina? Hindi kaya nawawalan na ng epekto ang inilagay ko?

NIGHT BLOOD UNIVERSITYOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz