CHAPTER 7

2.2K 44 0
                                    


Hindi magkaugaga si Jai sa tambak ng mga papeles na nakahilera sa mesa ng kanyang opisina nang araw na iyon. Kaya nang pagsabihan siya ng sekretarya niyang maglunch ay di na siya nagdalawang isip na tumayo at kumain. She was about to go out in her office when the door suddenly opens. Iniluwa noon ang nobyo niyang tatlong araw niyang hindi nakita.

" Hey, there sweet thing" kinabig siya nito at marahang hinalikan sa mga labi.

Sa loob nang apat na buwan ay di mapigilang hindi kiligin si Jai sa mga pinangagawa ng nobyo sa kanya. He was indeed sweet. Mahihiya ang mga langgam sa sobrang kasweet-an niya. Smooth sailing naman ang apat na buwan nilang relasyon. May panaka-nakang away man sila pero nareresolba naman ito agad. At first ay alangan pa si Jai sa mga pangyayari. But later on, she acted naturally and willingly on the sudden change between the two of them. Masayang masaya nga ang Nana Mayang niya sa relasyon nila. And she could'nt ask for more.

"Hey there handsome, how was your flight?" Nawala ang nobyo ng tatlong araw dahil narin nagkaproblema ito sa isa nitong mga supplier. Kinailangan niya pang pumuntang Cebu para makausap ng personal ang may-ari para maresolba ang problema. He checks her though from time to time na isa sa mga paminsan minsan niya ikinaiinis. She felt that he is really dependent on her. She appreciates his efforts though, pero sometimes he is just to much to take. Masyado itong clingy at possessive. Ang ikinakatwiran na lamang nito ay mahal na mahal niya lang daw siya nito. So much for being so corny.

"It was tiring. Pero nawala ang pagod ko nang makita kita." Then he burst out laughing.

Hindi niya rin maiwasang matawa at kurutin ito.

"You're so corny, you know" Tumingin siya sa kaniyang relong pambisig. It was past one o'clock. Tila napansin iyon ng nobyo at inakbayan siya papuntang pinto ng sariling opisina.

"Hindi ka naman nag lunch ng tamang oras. Tsk. Let's go grab some food." Hinawakan niya sa bwayang ang nobyo at tumango. Nakita niya pang bahagyang tumingin ang mga empleyado nila sa kanilang dalawa at bahagyang ngumiti. She can't help but feel a bit shy though. Hindi kasi talaga siya sanay sa ganito. Alam naman nang mag empleyado niya na kaibigan niya si Kristian at talagang magtataka ang mga ito nang biglaang maging sila. Pero wala naman siyang narinig mula sa mga ito at nakikita niya pang kinikilig ang mga ito sa knailang dalawa. Naramdaman niyang pinisil ng nobya ang kaniyang mga balikat.

"Heads up, babe." Hinalikan pa siya nito sa kanyang sentido.


----------


"Tian? Is that you?" Tumingin siya sa babaeng bumati sa nobyo. Nakita niya namang kumunot ang noon ng huli na tila inaalala ang babae.

"Cherry's bestfriend. Remember? It's me Jessica?" Nakakitaan ng pagkarecognisa ang nobyo pagkasambit ng pangalan ng babae.

"Jessica? Wow! You're looking great. How are you?" Hinalikan pa sa pisngi ng babae si kristian. Napaka-Arggh! Seriously? Sa harapan ko pa talaga? Tumingin sa akin ang babae. Nakita niya ang pilyang mga ngiti nito. She can't help not to rise her eyebrows.

"So, you are still tailing your bestfriend huh?'' nalalangkapan niya ito ng sarkasmo. Aba't! Nginitian niya ng pagkatamis-tamis ang babae at pinigilan ang nobyo na akma na sanag magbibigay ng explanasyon.

"I'm sorry dear, but not the bestfriend anymore. I'm the girlfriend now, just to inform you. Baka hindi ka na kasi updated eh" she snorted. Nakita niya pang bahagya itong tumawa at binalingan ang nobyo. Imbis na mabahala ang nobyo ay nakita niya pang ngumiti ito. Tila nagustuhan nito ang narinig mula sa kanya. She mentally slaps herself. Nahahawa na rin siya rito. She's being possessive too.

Take a risk on you (COMPLETED)Where stories live. Discover now