CHAPTER 8

2.1K 40 0
                                    


Kulang na lang talaga ay itapon niya ang telepono sa sobrang inis. Kasalukuyan siyang nasa sariling opisina at kanina niya pa tinatawagan ang nobyo pero hindi siya nito sinasagot. Mukhang nakapatay rin ang telepono nito. Bago siya pumunta sa opisina ay dumaan muna siya sa bahay at resto nito pero wala daw roon ang binata. Kung ano ano na ang pumapasok sa isipan niya. Baka may nangyaring masama rito. She was currently scrolling each of her contacts hoping to find any of Kristian's friends. Nakita niya nakarehsitro ang numero ni David. Isa iyon sa common friend nila. Pinsan iyon nang sekretarya niya. Dali-dali niya itong tinawagan. Ilang segundo pa ang lumipas bago may magsalita sa kabilang linya.

"Hello?" nahulaan niyang kakagising lang nito dahil sa pagsagot nitong sinamahan pa nang hikab.

"David? It's me, Jai."

"Am I dreaming? Jai? The Jai I know?" she can't help to roll her eyes.

"Yes. Look, I'm kinda in a hurry. Alam kong pumunta ka sa reunion niyo. You see, hindi pa umuuwi si Kristian. Have you seen him? Kagabi?" nagbabakasakali siyang alam iyon nang lalaki. Parati pa naman niya noong nakikitang magkadikit ang dalawa. Kaya hindi malabong alam nito ang kinaroroonan nang nobyo.

"Were on the same table last night. Hindi ko sana ito gustong sabihin pero-'' tila nag-aalangan pa ito sa sasabihin. She was getting impatient. Ayaw niya nang may pasakalye pang sinasabi.

"Tell me or you're dead. I mean it."

"Hindi ka parin nagbabago. Huwag ka sanang maparanoid pero may kasama siyang babae kagabi. Mukha ngang hindi naman iyon nag-eenjoy sa party dahil panay ang usap nang dalawa." Napapikit siya. Tila pinipiga ang dibdib niya sa narinig. Nang hindi parin siya nagsasalita ay nagsalita na naman ang lalaki. Halos magkabulol-bulol na ito sa pagtatanggol sa kaibigan.

"Pero huwag ka mag-alala. Mukhang magkakilala lang naman ang dalawa. Hindi ko naman makakitaan nang kalandian ang mga ito. Alam mo naman na mahal na mahal ka nung si Kristian." Tumawa pa ito na alam niya namang peke.

"Did he drink?" gusto niyang makasiguradong hindi makukumpirma ang tumatakbo sa isipan niya. She was silently praying that David would say no.

"No. Hindi siya uminom. Kung alam mo lang na grabe ang pamimilit namin sa kanya na uminom. Panay ang tanggi niyon." Nakahinga siya nang maluwag. Atleast there's a possibility that those weird things that runs in her mind could not be happen.

"May alam ka ba kung saan siya? He's not still at home. Even in his resto. Hindi ko rin kasi siya makontak."

"Hindi ko narin kasi masyado napansin Jai. I was so drunk last night. Maybe Jared knows. That girl was his date that night."

"So you're telling me na magkasama sila nang babaeng iyon, ganun ba?" hindi niya mapigilan na ibunton ang inis rito.

"Whoah! Easy. Baka kasi magkakasama silang tatlo. The party ended almost early in the morning. I'm gonna text you Jared's number. Call him okay?"

"Im sorry for being grumpy, David. Thanks by the way." Napahilot siya sa kanyang sentido nang sumakit ang ulo niya sa kakaisip. Bakit hindi nagpaalam ang nobyo sa kanya? At nasaan ito ngayon? And most of all these questions, isa doon ang gusto niyang malaman. Whose that girl he's with?


----------


Kulang na lamang na ipaharurot ni Jai ang kotse niya. Kasalukuyan niyang binabagtas ang daan papuntang resto nang nobyo. Tama. Nasa resto na daw ito. Gusto niyang sabunutan ang lalaki pag nakita ito. Nakausap niya si Jared kanina lang. Sa bahay daw nila natulog ang nobyo niya. Medyo pagod na raw kasi si Kristian at di na kinaya pa magmaneho kaya nag-alok na raw ito na sa kanila matulog. And unfortunately, nawala ang telepono nito sa party kaya hindi daw siya nito magawang tawagan. Sinabi rin nang binata na binabagtas na raw ni Kristian ang daan pauwi nung tinatawagan siya kaya wala na raw dapat siyang ipag-alala. Papunta na raw ito nang resto dahil magbubukas pa raw ito at tatawagan daw siya. Nagpasalamat naman siya kay Jared at iniwan ang tambak na gawain sa opisina para personal na puntahan ang nobyo. Tila hindi siya mapakali na feeling niya na may mangyayaring hindi niya inaasahan. Iwinaksi niya ang naisip. Napaparanoid na naman siya. Natatanaw niya na ang resto nang nobyo. Alam niyang naroon na ito lalo pa't nakita ang sasakyan nito sa labas. Ipinarada niya ang kotse niya sa tabi nito. Tuloy-tuloy siyang lumakad papuntang opisina nito. May iilan pang mga empleyado nitong binati siya na tinangunan niya rin naman. Nakasalubong niya ang sekretarya nang nobyo at bahagyang nagulat pa ito nang makita siya.

Take a risk on you (COMPLETED)Where stories live. Discover now