CHAPTER 6

2.4K 52 2
                                    


What the hell just happened? Sinampal sampal pa ni Jai ang mga pisngi para masigurong hindi siya nananaginip lamang. She feels hurt at the slap and that's the proof that she was not really dreaming. She made a mental note that the man that she was talking a while ago was really Kristian. Wala naman itong kakambal kaya nasisiguro niyang ang kaibigan niya nga ito. Kaibigan. They were friends, bestfriends to be exactly. At mas lalong hindi siya bulag ng makita niya itong kinindatan siya nito. At lalo ng di siya bingi para di marinig ng klaro ang mga sinabi nito. He loves me? And he's gonna court me?! Ano daw? Nababaliw na ba ito? Hindi niya maintindihan kung papano mag-react sa ganoong sitwasyon. All she could do was just keep on fidgeting. Kinakabahan siya sa di malamang dahilan. I thought that they were friends. Ano ba nag dapat niyang maramdaman? Kinapa niya ang sariling damdamin. She feels a mixed emotions. She was nervous, confused and excited at the same time. Wait- what? Excited? Saan nanggaling ang damdaming iyon? But one thing that keeps on bothering her, is the rapid and the fast beating of her heart. Mukhang nakikipagkarerahan ito sa kabayo sa sobrang bilis.

"Bakit ayaw mong subukan anak?" nagulat siya nang magsalita ang Nana Mayang niya na dinalhan pa siya nang tuwalya. Iniabot nito sa kanya iyon. Nakaramdam siya nang matinding hiya rito. Nakita kaya niya ang nangyari kani-kanina lang? Naman! Nakakahiya talaga!

"Natatakot ho ako, Na. Alam niyo naman na isa si Kristian sa pinakamahalagang tao sa buhay ko. Ayaw ko pong sakaling mawala siya"

"Wala namang mawawala kung hindi mo susubukan anak. Kilala ko na iyang si Kristian. Nasubaybayan ko kayong sabay na lumaki. At alam ko nang matagal na siyang may gusto sa iyo" nagulat siya sa sinabi nang matanda. Ano raw? Matagal na siyang gusto nang binata? Pero bakit hindi niya naman iyon napapansin? I know he's sweet and caring but I never give it any malice. Tinging kaibigan lang rin naman ang nararamdaman ko sa kanya noon. Well, lately I was having this weird feeling towards him.

"Kung matagal na niya akong gusto bakit ngayon lang siya umamin? He could have done that before."

"At sa tingin mo magiging malapit parin kayong kaibigan kagaya ngayon? Alam niya namang iiwas ka dahil ayaw mo naman sa mga ganun noon pa lang."

Napag-isipan niya ang sinabi nang matanda. What if noon niya pa nalaman? Kinapa niya ang damdamin. Hell! She was confused. There's this side of her wanting to accept him but the other side shows otherwise.

"Hindi lahat nang lalaki kagaya nang inaakala mo Jai. Marahil takot kang sumubok dahil sa napagdaanan mo noon pero hindi iyon batayan para ihalintulad mo silang lahat sa ama mo."

That's it. Iyon ang dahilan. Paano kung mag-gaya lang rin siya sa sariling ina? She cannot bear to felt too much heartache for the second time around.

"Anong kaibahan niya sa kanila, Na?"

"Eto." Hinawakan nito ang puso niya. Malakas ang pintig niyon.

"Inalagaan ka niya sa puso niya sa matagal na panahon. Sa tingin mo ba na madali iyong gawin?" napabuntunghininga siya. Litong-lito na siya. Hindi niya alam ang dapat na gawin. Tila napansin naman iyon nang Nana niya.

"Mahal mo ba siya?" hinawakan pa nang matanda ang mukha niya. Sinisiguradong matitingnan siya nito nang masinsinan. Napalunok siya bago nagsalita.

"O-oo" nauutal niyang pag-amin. "Mahal ko na ata siya Na." napapikit niyang sinabi rito. There. She have said it. Hindi niya narin naman makayang itago pa ang sariling nararamdaman. Nasilayan niya ang matamis na ngiti nang pangalawang ina niya.

Take a risk on you (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora