CHAPTER 5

2.4K 63 2
                                    


Kasalukuyang naglilinis si Jai nang kanyang sasakyan nang araw na iyon. Itinutok niya ang hose sa sasakyan habang sinasabayan nang pagkanta at pagsayaw ang nakasalang sa headphones niya. Todo giling pa siya nang mapansing may bulto nang lalaking nakatayo sa labas nang gate nang bahay niya. Nagulat pa at nanlaki ang mga mata niya nang mapansin na si Kristian ang lalaking iyon.

"My gosh! Nakakagulat ka naman! Kanina ka pa ba dyan?" Tinanggal niya ang nakasalampak sa tenga niya at hinarap ang kaibigan. Arghh! Nakakahiya talaga? Baka nakita nito ang ginawa niyang paggiling-giling. She could die right now of embarssment. Arggh!

He made a playful smile before walking towards her. Tila naconscious naman siya sa kanyang itsura na una niyang naramdaman sa binata. She was in a messy bun. Nagkalat ang ilang hibla nang kanyang buhok at may iilan ring butil nang pawis na mapapansin sa mukha niya. At pasimple niyang inamoy ang sarili. Amoy pawis narin siya. Teka- Bakit naman siya Naco-conscious rito. Hindi naman ito ang unang nakita siya nang ganun nang binata. But lately she was having weird thoughts on her mind. At ganun na lang ang ipinagtataka niya sa kanyang saarili na sa tuwing nakikita niya ito ay tila may rumaragasang kabayo sa dibdib niya. Hindi niya maintindihan ang sarili. That's why she's avoiding him these past few days dahil may hint na siya kung ano ang nararamdaman niya. As much as possible she doesn't want to admit it and tries to escape it.

"Obviously. But I don't mind though. Ive enjoyed the live show you put on" kinindatan pa siya nito na ikinatayo nang balahibo niya. Dati naman ay naririnig mong bumabanat siya sa iyo a? Bakit lately ay iba na ang nagiging dating nito sa ngayon?

"Shut up!" asik niya rito. "Anong ginagawa mo rito?" tanong niya rito.

"Ano ba namang tanong iyan Jai? Parati naman akong tumatambay rito a?" umupo ito sa rocking chair nila at prenteng inihiga ang katawan na pinagmamasdan siya. Oo nga naman Jai. Parati naman talaga siya sa bahay mo. Ano ba namang tanong iyan.

"At nagsadya talaga akong pumunta rito para humingi sa iyo nang eksplanasyon?" nakakunot noong tinapunan niya ito nang tingin. Explanasyon? Para saan?

"What for? Wala naman akong natatandaang may dapat akong iexplain sa iyo a?" tanong niya rito.

"I need an explanation on why the hell you're avoiding me these past few days?"

Nahihimigan niya pa ang bahagyang galit mula rito. At paano ko sasabihin sa kanya na ang rason sa matinding pag-iwas ko ay ang wirdong nararamdaman ko tuwing nakikita ko siya.

"Did I do something wrong? Ilang beses kitang tinawagan but you didn't even answer? Pinupuntahan kita sa opisina mo pero palaging sinasabi na wala ka raw pero nakita kong nakapark naman ang kotse mo sa labas? When I go to your house Nana would told me na tulog ka raw. Seriously? What's happening?" mahabang litantiya nito. Nahihimigan niya ito nang matinding pagtataka na may halong hinanakit. Tila nawalan siya nang sasabihin.

"Wala no! Haha! Medyo busy lang kasi talaga ako these past few days, Tian." Palusot niya rito na halata namang nagsisinungaling lang siya. Hindi naman siguro ito nito mapapansin. Itinuon niya pa ang pansin sa pagsaboy nang tubig gamit ang hose sa kanyang sasakyan. It was her way of diverting away her attention towards him.

"I don't buy that crap reasons Jai. Did Ivo tell you something?" tila nahimigan niya pa ito nang pagkakaba. What's their deal by the way? Kung iisipin niya ay mukhang may relasyon ang dalawa sa dami nilang sekretong itinatago.

"Wala no. Basta busy ako lately kaya ganun."

"Were cool right?" Hindi siya lumingon rito bakus tumango siya. Kahit hindi niya ito tingnan ay naiimagine niya na ang mukha nitong nagmamakaawa.

Take a risk on you (COMPLETED)Where stories live. Discover now