CHAPTER 4

2.7K 54 2
                                    


Mahigit tatlong lingo na ang nakalipas ng mangyari ang aksidenteng iyon. Hindi malaman ni Jai kung matutuwa siya dahil hindi na muling pinag-usapan pa ng dalawa ang topikong iyon. They went back to what they used to be. Except for one thing she seems to notice. Masyadong nagiging clingy ang kaibigan sa kanya. Clingy at sweet naman talaga ito kahit noon pa pero mas nagging malala ito ngayon. At medyo naaasiwa siya rito. Gaya na lamang ng araw na iyon.

"Why can't you come with me, Jai? Tatlong araw lang tayo mamasyal doon. Kung gusto mo, isama natin si Nana Mayang." Ang tinutukoy nito ay ang plano nitong pumunta ng Sagada ngayong Sabado. Wala naman sanang problema sa pag-aaya nito kaso may commitment na siyang naipangako kay Ivo na magkikita sila sa sabado ding iyon. Nahihiya na siyang maudlot pa ang lakad ng dalawa lalo pa't pang tatlong beses na ang pagtatanong nito sa kanya. Hindi siya maka-oo nung una dahil narin sa lalaking nasa harapan nito. Nasesense ng dalaga na gumagawa nag paraan ang lalaki na hindi sila magkita ni Ivo at di niya maintindihan kung bakit nito iyon ginagawa. She knows that both of them were a good friends na nakumpirma niya mula mismo kay Ivo nung una silang magkita. At si Kristian pa nga ang nagreto sa kanya rito.

"I told you that it's a no, Tian. Ano ka ba naman. Pinagbigyan na kita these past few days and I'm beginning to get irritated. At nakakahiya na doon sa tao, maraming beses na naudlot ang mga lakad namin which of course is your fault" kung ano-ano mga pabor ang ginawa niya kasama ito nitong mga nakaraang araw. Kesyo may gusto daw magfranchise ng business niya at hindi makapag desisyon ang lalaki kung susuungin nito ang ganung oportunidad, He's been requesting for her presence even on the day of the meet-up of the possible franchisee. Nagmukha pa siyang sekretarya nito sa meeting na naganap. Well, alam naman kasi niyang may alam siya sa mga ganung bagay lalo pa't nakapagtapos siya ng Business Administration at nakikinita nitong kailangan nga nito ng tulong sa kinahaharap nitong sitwasyon.

"Who is more important, Jai? Kami dalawa ni Nana o yang Ivo na iyan?" She can't help but not to roll her eyes. These childish acts again. At idinamay pa nito ang walang kamalay malay na si Nana Mayang. Alam talaga nito kung saan siya titirahin.

"I don't want to argue with you anymore, Tian. It's final, okay? NO." Pinandilatan niya pa ito ng kanyang mga mata. Emphasizing that it's her final decision. Dapat minsan kasi ay hindi niya ito ini-ispoiled. Mabuti nang minsan ay tumanggi rin siya rito.

"You've changed. Hindi ka naman tumatanggi kapag nag-aaya ako ng bakasyon a. At isa pa, selebrasyon naman natin to kasi may isa na akong franchise. Sagot ko naman lahat, e" Pagpupumilit pa nito sa kanya. Ang kulit talaga ng lahi nito.

"You've changed too, you know. Akala ko ba I will try to work out dating with a guy. And I have a feeling that you seems to forgotten it." Ang deal nila ang tinutukoy niya. Mukha kasing nakalimutan na nito na dapat ay iwork-out nila ni Ivo ang date nila. Siya pa naman ang nakaisip niyon.

"Dahil nakalimutan ko na nga ito." Nabigla siya sa sinabi nito. He never broke rules. More especially, the rules which he's the one who made. Isa siya sa nakakaalam ng prinsipyong iyon. Kaya nagtataka siya kung bakit ito niyon sinasabi sa kanya.

"Don't make me confuse here, Tian. What are you trying to say?"

"Kalimutan mo na iyong deal natin. Parang ayaw ko narin palang magpakasal. Let's just go back to what we used to. The old us. Just you and me." Tinitigan siya nito. Bumilis ang pintig ng kanyang puso. Mukhang may pilit pinahihiwatig ang mga mata nito sa kanya.

"Ano bang nagyayari sa iyo? You seem different. Kung kailan nakakita na ako ng lalaking tingin ko para sa akin ay bigla-bigla mo na lamang iyan sasabihin." What's gotten into him?

Take a risk on you (COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora