Chapter 29

25 3 6
                                    

"Nyay. That looks bad on you." Natatawang sabi ni Maya tsaka hinila si Slither tsaka kami pinagtabi. "Now this is interesting." tawa pa nitong muli na siyang ikinailing-iling lang ni Reina na may sinusupil na ngiti sa mga labi.

Nangunot ang noo ko dahil hindi ko maintindihan ang dahilan ng tuwa ni Maya pero natawa nalang din ako nung makitang napahawak-hawak na si Slither sa natitira niyang pasa sa labi na hanggang ngayo'y hindi pa magaling matapos ang nangyari noong pagkahuli niya sa curfew. Pareho pala kami ngayong dalawa na may mga pasa sa mukha kaya tuwang-tuwa naman si Maya.

Napangiti nalang ako sa kanila at hindi na nagkumento pa habang nililinisan ni Reina ang sugat sa gilid ng labi ko. Binalikan kasi nila ako r'on kanina tsaka inakyat sa kwarto namin. Tungkol naman kay Demmy, ang sabi nila'y pinatulog na raw nila iyon at dinala sa k'warto nito. Pero napapaisip ako kung papaano nilang pinatulog si Demmy dahil grabe pa mandin ang pagwawala nito kanina.

"Ang tapang talaga nung Demmy na 'yon." Iiling-iling na sabi ni Slither na agad namang sinang-ayunan ni Maya.

"Gan'yan talaga. Kapag transferee, matapang pa 'yan eh. Pero kapag 'yan tumagal na dito, nako! Baka sa sumod, walang imik nalang 'yan dito." dagdag pa ni Maya dahilan para lingunin ko siya.

"Oh. Hindi ko naman sinasabi na pati ikaw. Hahaha. Pero matapang ka rin naman. Papuri 'yon, Symphony!" natatawang sabi ni Maya na may pataas-taas pa ng mga kamay.

"Tungkol nga pala sa transferee...

"Ang akala ko'y ako lang ang transferee rito base sa unang araw ko sa paaralang 'to?" Takang tanong ko matapos kong maalala na dating sinabi sa'kin na ako lang ang transferee sa paaralang 'to pero malaman-laman ko lang na transferee rin si Demetria at nung magkaroon kami noon ng pagtitipon sa Locus ay may tatlo pa noong iba ang kasama namin sa pila na para raw noon sa mga transferee.

"Ha! They're always like that. They're making you feel unique and special though in the end, they'll also make you realize that you're not the only one." Napalingon ako kay Reina sa sinabi nito na ngayo'y nag-aayos na ng mga ginamit niya sa paglinis ng sugat ko.

"Ang lalim ah? May pinaghuhugutan?" taas ang kilay na tanong ni Slither na hindi na sinagot pa ni Reina na umalis lang na bitbit ang kit na siyang pinaglagyan ng mga gamit na ginamit sa paglilinis ng sugat ko. Siguro'y isasauli na sa lalagyan nito.

"Ang weird talaga minsan ng isang 'yon." Iiling-iling na sabi nalang ni Slither tsaka tumayo narin para sana pumasok na ata sa kwarto nito pero bago pa itong makalapit sa pinto nito ay tinawag ko ang pangalan nito dahil sandali akong may naalala.

"Slither... Ano ang buong pangalan ni Sketch?"

Napatigil sa paglalakad si Slither at nilingon akong nakakunot ang noo.

"Ano'ng ibig mong sabihin?"

"Ahmm." Napaiwas ako ng tingin dito dahil mukhang takang-taka ito sa'kin. Pakiramdam ko tuloy ay wala itong alam sa nalaman ko sa kapatid niya. Dahil hindi man ako ganoon ka-talino at hindi sa iniisip kong nababaliw na si Sketch ngunit pakiramdam ko'y may topak ata sa utak 'yon. Madiin akong napapikit sa mismong salitang naisip ko. Ang harsh ko naman ata sa salitang topak!

"Symphony?"

Muli akong napadilat nung banggitin ni Slither ang ngalan ko kung kaya nama'y muli kong nasilayan ang mukha nitong walang pinagkaiba sa mukha ni Sketch.

"Slither, gaano mong kakilala ang kakambal mo?" tanong ko nalang ditong muli na mas ikinakunot ng noo niya sa'kin.

"Ano bang nasa isip mo ngayon, Symphony at puro ka tanong?"

Napabuntong-hininga ako nung hindi sagutin ni Slither ang tanong ko. Ang malala pa'y sinagot niya lang ako ng mga katanungan din.

"Nais ko lang na lubusang makilala pa si Sketch, Slither. N-nais ko siya kilalanin bago kaibiganin."

Ngumisi si Slither dahil sa sinabi ko at sa hindi malamang kadahilanan ay nakaramdam ako ng pagkasarkastikong awra mula rito at ramdam ko ring tila'y nagbago ang timpla nito. Mukha yatang may mali na naman akong nasabi.

"Hindi mo kailangang tuluyang kilalanin ang isang tao bago kaibiganin. Ang kailangan mo'y kaibiganin muna ang isang tao para tuluyan mo siyang makilala. Hindi ka makakahanap ng tunay na kaibigan kung gan'yan kang mag-isip, Symphony. Masyado kang mapili. Akala mo nama'y lahat ng mga napipili mo ay tama."

"Slither, hindi gan'on ang ibig kong sabihin."

"Kung ganon, ano ang ibig mong sabihin, Symphony? Akala mo ba'y limot ko na ang ginawa mo noong pagtalikod sa kapatid ko? Ang pagtalikod mo sa'kin? Sa amin? Nasabi at nagawa mo na ang mga salita at kilos na tumatak sa utak ko, Symphony. At kahit pagsisihan mo pa ang ginawa mo'y hindi na mawawala sa isip ko ang nagawa mo. You've been too judgemental, Symphony. And being judgemental means hurting other people. Lalo na kung ang mga taong 'yon ay ang mga taong tinuturing ka pang kaibigan."

Napanganga ako sa sinabi ni Slither lalo pa't pagkatapos niyang sabihin 'yon ay tinalikuran niya na ako tsaka malalaki ang mga hakbang na tinungo ang kwarto nito. Pagkatapos ay napalingon nalang ako kay Maya nung maramdaman kong gumalaw siya ngunit halos makonsensiya ako nung makitang pilit na nginitian ako nito bago tumayo at sumunod na kay Slither sa kwarto nila.

"Oh? Anong nangyari? Did I missed something?" tanong naman ni Reina nung makitang ako nalang ang naroon sa sala matapos niyang makabalik mula sa kwarto namin pero agad na inilingan ko nalang siya tsaka ko rin tinungo ang kwarto namin para makapagpahinga na ako. Ngayo'y mas lalo lang akong naguluhan- nasaktan sa mga naging desisyon ko noon.

Mali nga atang talaga ako sa mga ginawa ko. Maling-mali.

[A/N: Hi guys. Buhay pa ako. Wohooo. Salamat sa mga nag-click ng vote! I really appreciate it guys!]

Number 14 in Gehenna High (HIATUS!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon