Chapter 1 Lauren

Magsimula sa umpisa
                                    

But anyways, that doesn't mean I like bragging my name to everyone. Mas gusto ko pa ring tumayo sa sarili kong mga paa.

Like for example, kahit ayaw ni mama Laurent na tumutulong ako sa tubuhan, yung nagtatanim ako ng tubo specifically, ginagawa ko pa rin. Hindi ako tumutulong dahil anak ako ng may-ari ng hacienda, tumutulong ako para magkapera. Honestly speaking, mayaman kami. I mean, mayamang-mayaman, modesty aside. I can buy everything or anything I want, but that's not me. I want to have my own money. I want to buy things from my own pocket.

Yun ang hindi namin pinagkakaintindihan ni mama minsan. Anak daw niya ako at obligasyon daw niyang ibigay lahat lahat ng pangangailangan ko. And she's more than willing to give me everything. Hilingin ko man sa kanya o hindi. Ako lang talaga yung tumatanggi. Pero yung huli niyang gift sa akin noong twenty-second birthday ko, a luxurious car, hindi ko natanggihan. Kinausap kasi ako ni mommy na wag ko daw tanggihan dahil sasama ang loob ni mama. Kaya wala akong nagawa kundi tanggapin iyon.

"Alis na ako, mommy." Paalam ko kay mommy Bella sabay halik sa pisngi niya.

"Okay anak, ingat ka ha? Galingan mo." Nakangiting sabi niya sabay haplos sa pisngi ko.

"Opo mommy." Nakangiting tugon ko.

Lumapit ako kay mama na kausap si Mang Damian, yung super loyal niyang bodyguard. Mukhang binibigyan niya ito ng instructions, to what? I don't know.

"Ma." Tawag ko sa kanya habang papalapit ako sa kinatatayuan niya dito sa may driveway.

Awtomatiko siyang napalingon sa akin. "Yes?" Tanong niya.

Pormal na pormal yung suot niya ngayon. Siguro may hearing na naman siyang dadaluhan. Kahit may edad na siya, hindi pa rin maitatago yung kagandahan niya. Maraming nagsasabi sa akin na kamukha ko daw siya, little Laurent nga minsan ang tawag sa akin ni mommy. At may mga ugali daw ni mama na nakuha ko. Siguro isa na dun yung pagiging brat ko minsan. Or most of the time, I should say?

"Alis na po ako." Paalam ko sa kanya.

"Okay." Tipid na tugon niya.

Humalik ako sa pisngi niya. "Sige po." Saka tumalikod na.

"Take care." Narinig kong sabi niya nung pasakay na ako sa kotse ko dahilan para matigilan ako't magbaling ng tingin sa kanya. "And good luck." Dagdag pa niya.

Unti-unting nagliwanag yung mukha ko. "Thanks, ma."

Isang tipid na ngiti lang ang isinagot niya sa akin bago tumango.

Pakiramdam ko nag-lighten up yung mood ko at na-boost yung confidence ko. Kaya naman nakangiti lang ako habang nagmamaneho palabas ng hacienda. Hindi pa ako tutuloy sa bayan, dadaan muna ako sa bahay nina tita Blaire.

Kung tutuusin, mas spoiled pa ako kay tita Blaire kaysa kay mama. Pero ang tawag ko talaga sa kanya tita-ninang. Siya lang ang nag-iisang godmother ko.

Pumarada ako sa harapan ng isang may kalakihang talyer na may pangalang Baba Alexis Talyer. Agad kong naispatan yung taong sadya ko. Nakangising in-off ko yung engine at bumaba ng sasakyan.

"Psst!" Sitsit ko sa lalakeng nakatalikod at abala sa pagvu-vulcanize ng gulong. "Bakla!" Tawag ko pa ng hindi siya lumilingon.

He looked over his shoulder with a disgusted expression on his face. "How many times do I have to tell you Lauren, not to call me bakla?" Sabay tayong kontra niya at binitawan ang ginagawa para harapin ako. May grasa pa sa guwapo nitong mukha. Pati mga kamay ang dungis din.

Hinahagis-hagis sa ere saka sinasalo yung hawak kong susi ng kotse habang naglalakad papalapit sa kanya.

"Here." Saad ko sabay hagis nung susi ng sasakyan na agad naman niyang sinalo. "I want your car."

The Taming Game (Montalban - Montefalco Clash)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon