"Readeeeeeeh! 1...2.....3!"

Anak ng tinapang binalutan ng talahib!!! Shet na malagket!! Ang bilis! Jusmeyoooooo!

Sobrang bilis nilang magpaandar ng motor at halos magkakapantay pa din kami, mas lalo akong kinabahan kasi hindi lang naman kami ang nasa byahe ngayong araw, at hindi din namin pagmamay-ari ang daan, pati baka mahuli kami! Haller! High school students pa lang ang mga mokong na 'to at baka wala pa silang License! Mapapatay ako lalo ng madrasta at daddy ko nito. Mas pinaharurot ni Anthony yung motor niya at kita kong unti-unti kaming nangunguna sa kanila, in fairness nakakaenjoy din pala 'to! Tumingin ako sa likod at nakita kong humahabol sa amin si Tyler habang magkapantay naman si Luhan at Stephan,

"Waaah! Bilisan mo Anthony! Nasa likod natin sila Tyler!" Ewan ko ba ba't nasabi ko yon baka mamaya magalit nanaman 'tong lalaking 'to at ibaba pa ako ng wala sa oras, pero hindi. Mas binilisan niya yung takbo niya at maya-maya tanaw ko na yung mall.

-

"Oh men! Wala pa ding nakakatalo sa'yo pag-dating sa race." Natatawang sabi ni Tyler na kasunod lang din naming dumating.

"Naman! Ako pa ba? Tsaka syempre naka-angkas sa motor ko yung inspirasyon ko kaya mas lalong hindi ako matatalo." Napatingin naman ako agad sa kanya at nakangiti sa akin ng mokong, trip nanaman ako ang bruhong lalaki na 'to.

"Inspirasyon mo mukha mo! Don't me Anthony, don't me." Sabi ko tsaka siya inirapan na ikinatawa naman nila.

"Hay nako, baby. Ang sungit mo, meron ka ba?" Sinamaan ko ulit siya ng tingin at tumawa nanaman sila. Jusko, nasan na ba kasi sila bessy!! Napakabipolar talaga nitong si Anthony, minsan masungit, minsan mabait, at ngayon naman napakalandi!!

"Hahaha! Ate Venice chill! Alam mo naman 'to si Kuya mark, napaka mapang-asar." Natatawang sabi sa akin ni Stephanie, kung makasabi ng mapang-asar 'tong isang 'to akala mo hindi niya ako inaasar. Nako talaga!After 5 minutes ay dumating na din sila sa wakas.

"Ang tagal niyo, pre. Ganon naa kayo kabagal?" mapang-asar na sabi ni Tyler.

"Gago, ang ingay kasi nitong babaeng 'to at napakagulo. Hindi ko tuloy mapatakbo ng maayos yung motor ko." Inis na sabi ni Stephan atsaka tiningnan ng masama si bessy.

"Abaa! Napakabagal mo lang talaga! Naninisi ka pa!" Binatukan naman ni bessy ng malakas si Stephan atsaka tumakbo papasok ng mall, hahahaha!

"A-aray! H-hoy!!!" At ayon naghabulan na sila papasok, wala naman kaming nagawa kung hindi ang sumunod sa kanila sa loob.

Author's POV

Sumunod na lang sila Venice sa loob ng mall, habang sila Maxine naman ay naghahabulan na parang bata. Una silang nagpunta sa shoe zone para bumili ng mga sapatos na susuotin ng mga babae, sa damit naman, nakapagpatahi na sila at darating na iyon sa Monday. Pare-pareho ng design yung susuotin nilang damit, mabuti na lang at napapayag ni Venice ang mga schoolmates niya na wag ng umangal sa ganoong set-up. Friday night gaganapin ang ball nila kaya madami pa silang oras sa pagp-prepare.

Nang makapasok na sila sa shoe zone nagkanya-kanyang hanap na sila ng design para sa sapatos na bibilhin nila.

"Anthony! Tingnan mo 'to, maganda ba?" Nakangiting sabi ni Venice kay Mark, simula noong nagkasama sila bumabalik na ang dating Venice, yung masayahin, makulit, maingay. Saglit na natulala si Mark sa mga ngiting ipinakita ni Venice,

"Ugh!!! What the hell is happening to me!?" inis niyang sabi sa sarili niya atsaka iniwan si Venice na nagtataka kung anong meron.

"Anong nangyari doon?" Napakibit balikat na lang ang dalaga atsaka pumili pa ng ibang designs para mapagpilian na nila.

Samantalang parang aso't pusa namang nag-aaway sila Maxine at Stephan na nag-aagawan sa design ng isang sapatos. Pinagtitinginan na sila nung mga tao at inaawat na din sila nung mga sales lady pero walang makapigil sa kanila,

"Ma'am, Sir, madami pa po kaming stock ng design na ganyan sa stock room namin." Mahinahong sabi ng isa pang sales lady habang pinipigilan sa pag-aagawan yung dalawa, napaharap naman si Maxine kaya nabitawan niya yung sapatos at tumalsik naman si Stephan.

"What the!! O-ouch." Inis nitong bulong.

"Meron pa pala! Ba't ngayon mo lang sinabi!?" Inis na sigaw ni Maxine,

"Kanina ko pa po sinasabi kaso hindi kayo nakikinig." Pabulong namang sabi ng sales lady.

"Ano?"

"Wala po, sabi ko po kukuha na po ako, ano po bang size?" napairap na lang si Maxine atsaka sinabing kahit ano, titingnan lang muna nila ang designs. Samantalang magkakasama naman sila Lisa, Stephanie, Luhan, at Tyler na naghahanap ng designs na pwede nilang isama sa pagpipilian. Nang makakuha na sila ng madaming designs napagdesisyonan na nila na mamili ng mga shoes na bibilhin nila.

"Tingin ko mas okay 'to," Nakangiting sabi ni Maxine,

"Hindi, mas okay 'to." Pang-aasar naman ni Stephan kaya sinamaan siya nito ng tingin.

"Ito din oh, maganda." Sabi naman ni Luhan at Lisa na sabay pang kinuha yung isang shoes, napuno tuloy ng asaran ang dalawa.

Nang mapili na nila lahat ng designs na sa tingin nila ay babagay sa ball, inilabas na ni Stephanie yung listahan na hawak niya, listahan iyon ng lahat ng shoe size ng mga mag-aaral ng Miyaki Academy. Ibinigay nila iyon sa sales lady para makapaghanap na sila ng ganoong mga size. Nang makumpleto na nila lahat ng kailangan nila ay napagdesisyonan na nilang kumain. Maski sa pagkain ay nag-aaway si Stephan at Maxine, napapailing na lang tuloy ang mga kasama nito.

Sa kabilang banda naman hindi nila alam na may nagmamasid sa bawat kilos nila.

"Magpakasaya ka lang, dahil sisiguraduhin kong, malapit ka ng magdusa ulit."

-----

4/3/16

A Nerd With ClassWhere stories live. Discover now