CHAPTER 14 || The Epic Duo ||

63 4 2
                                    

CHAPTER 14 || THE EPIC DUO||

VINCE'S POV

Eto ako ngayon ang aga pumasok sa school. Naunahan ko pa nga si manong janitor. Ahehe, may mission ako e.

Mission Impossible!

 Ang pasagutin si Erin ng malaking YES. Akala niyo ay este niya kasi na hindi ko talaga totohanin ito. Pwes nagkakamali siya. SERYOSO ako! Mahirap mang paniwalaan pero totoo. (^_-) AJA!

Balik tayo kung bakit maaga ako, kasi nga kailangan ko pang ihanda yung room namin at kuntsabain ang aking mga classmates sa gagawin ko. Ay oo nga pala alam na ng buong school na liniligawan ko si Erin, ipagsigawan ka ba naman ang "Will you be my GF Erin?" isang umaga bago magsimula ang flag ceremony. Ang addict ko no? Bwahahaha... sensya na in love lang. Naks! Ang gay ko na pero keribels pa din. 'Di joke lang, LALAKI ako, straight, barako, at gwapo. (A/N: O sige sya ng mayabang!)

Isa pang move ko ay ang pag-post sa mga bulletin boards ng "Will you be my GF Erin?", Uy may permit to post yan galing sa SSG president namin ha, nagmakaawa ako dun at siyempre ginamit ko ang aking connections. Wahahaha *EVIL LAUGH DAW* hahaha! Nung una maraming girls ang nagalit kay Erin keso ginayuma daw ako at kung anu-ano na lang pero hindi sila inatrasan ng Erin ko kaya yun napahiya. May mga lalaking inis sa akin, well PROBLEMA na nila yun, paki ko sa kanila. Pero malaking percentage ng school population namin ay ERVIN shippers. O ha instant celebrity loveteam kami kaso nga magdadalawang linggo na hindi pa rin ako sinasagot ni Erin. Hay ang hirap pa lang manligaw, totoong manligaw pero gusto ko 'to kaya GO.FIGHT.WIN ang peg ko.

Makapag-prepare na nga lang. Pa-humm-humm pa'ko habang naghahanda dito sa room parang na-fe-feel ko na ito na yung araw na sasagutin na ako ni Erin. Feel ko talaga. Okay sige ako na positive thinker lang ganun naman dapat para good vibes. (^______^)

= = = = = = = = = = = = = = = = = =

ERIN'S POV

Pagpasok ko sa room namin. (0.0) "Asan mga tao dito?" Wala ni isang classmate ko sa loob. Impossible namang ako ang nauna kasi medyo late na nga ako at hindi pa nakapag-attend ng flag ceremony. Baka may event nagyon! Lagot ka Erin! Hindi kasi nakikinig sa klase! Lately kasi may isang major turnaround itong loner life ko mula sa pagiging lucky pick prom partner ni Vince,  pagkakaroon ng friends, pagiging instant celebrity ng school, at ngayon ang lucky girl kuno na nakakuha sa atensyon ng brat prince na si Vince!

Tinupad nga ni Vince ang ang panliligaw sa akin. At sa lahat ng pinaggagawa niya hindi ko alam kung masasayahan o maiirita ba ako. Hindi naman siya masyadong  vulgar kong manligaw ano, ngayon alam na ng buong school may fans club na nga love team namin. Ano ba yan... nakaka-PRESSURE! Sagutin ko na lang kaya... ahehe.

 *(^_^)* Haba ng hair... nag-rejoice ka ba girl? (Yung commercial, alam niyo?)

Umupo na lang ako dun sa usual seat ko sa likod. Wala din namang mangyayari kung hanapin ko pa mga classmates ko. Inilibot ko ang buong paningin sa room namin, teka nga parang may mali dito! Eh kasi naman bakit nagkaroon ng maraming kung anu-anong  shades ng roses nagkalat sa paligid at marami pang ibang kakaibang bagay dun sa room na para bang may pinaghahandaang espesyal na bisita dito. Anong  trip nila? Pero parang may ideya na ako kung sinong may kagagawan nito, ayaw ko lang mag-assume.  Ilang minuto lumipas ay isa-isang pumasok mga kaklase ko, as in ISA-ISA talaga walang nagsasabay tapos kinukuha nila yung mga bulaklak at ibinibigay sa akin. Akalain niyo meron talaga tig-iisa, well planned ah. Lumalim pagdududa ko dito. Kagagawan talaga ito ng ungas na si Vince at nangdamay na naman! Naiinis ako!

Inis daw siya baka kinikilig. *Tsk. SHATTAPPP mind! *

Tanggap lang ako ng tanggap hanggang nakapasok na silang lahat at umupo. Kita mo'tong mga tao nag-aabot ng bulaklak sa akin pero walang nag-sasalita. Tinapik ko yung nasa harap ko nakaupong  si Alex. "Psst... Alex anong meron? Saan kayo lahat galing? Aanhin ko itong mga bulalak? Para ba ito kay ma'am? Sino namang ma'am?"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 12, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Unlucky PickWhere stories live. Discover now