Chapter 9 || Having Fun w/ Friends ||

90 3 0
                                    

Chapter 9

_ERIN’S POV_

Wala kaming pasok ngayon kasi Sabado pero may practice pa rin para sa Prom na bukas na gaganapin. Tssk!!! Kahit sabihing friends na kami ni Ogre ay sige Vince pala, hindi ko pa rin feel ang PROM. Ang dami kayang tao nyan. Si mommy siguro excited yun e…

Pumunta ako ng maaga sa school kahit mamayang 10 am pa ang dance rehearsal namin. Umiiwas na rin sa aking butihing ina na kung anu-ano ang naiisipang ipagawa sa akin mula sa pagpapapili ng dress na susuotin hanggang sa pabangong gagamitin. Ano ba naman, sa hulihan kahit ayawan ko pa eh siya din masusunod. Pagbibigyan ko na lang siya pero bukas na huwag muna ngayon.

Huminto na ang sinasakyan ko sa harap ng Milestone National High. Wala pa masyadong tao, quarter to nine palang.

“Sige kuya BG mauna na’ko. Buh-bye po. Have a good day!”

“O sya little princess, text ka na lang kapag gusto mo ng magpasundo, okay?”

“Yes sir!”

“Good, sige have good day too little princess. Pakabait ka ha.”

Napangiti na lang ako at lumabas sa kotse. Isang final wave kay kuya tapos tinungo ko na ang aming Dance Hall dahil dun gaganapin ang PROM at kailangan naming ma-familiar sa lugar. Naglalakad na ako papasok sa hall ng madaanan ko si Mr. Janitor na nagma-mop ng sahig pasipul-sipol lang. At dahil good mood ako, binati ko siya with matching smile pa.

“Good morning manong.” Huminto siya sa pagma-mop at tiningnan ako, na-curious ata sa inasta ko. Ngiting-ngiti pa rin ako sa kanya kaya gumanti na rin siya. Yun o!

“Good morning din hija, mayroon pa rin palang mga kabataang naturuan ng magandang asal sa panahong ito.” Sabi ni Mr. Janitor at pinagpatuloy niya ang paglilinis.

“Ahehehehe, marami-rami pa rin naman po kami, kailangan pagtiyagaan niyo lang pong hanapin dahil endangered na. Joke!”

“Aba’t joker ka rin pala hija, mabuti yan ‘Smile and the world will smile at you back’.”

“Naks naman manong English yun a, nosebleed.” Masaya kausap si Mr. Janitor.

Nag-usap pa kami ni manong ng ilang minuto tungkol sa pulitika, global warming, sports(Oo, mahilig ako!) at kung anu-ano pa bago ako nagpaalam sa kanya at tumuloy na sa hall.

Breathe in. Breathe out. Ang sarap ng katahimikan. Ma-enjoy nga ito kahit konti lang, kaya’t pumwesto ako sa pinaka-corner ng dance hall, naupo at ipinikit ang aking mga mata.

After 30 minutes…

Nagising ako sa ingay ng paligid. Pagtingin ko ay marami na akong kaklase at ka-batch sa loob ng dance hall. Maingay na dahil sa iba’t-ibang pinakakaabalahan nila. I’m glad walang umistorbo sa aking pagtulog, well sino ba namang lalapit sa akin wala nga akong kaibigan. Ay meron na pala kahapon lang si Ogre Vince at si Joco.

“Eeeerrrrriiiiiiinnnnn” May tumuwag sa’kin. Ano ba yan, natahimik tuloy buong hall sa lakas ng sigaw ng kung sino man iyon. Lingon sa paligid, nakatingin sila sa iisang direksyon lang, sa main entrance at nandun ang dalawang ungas yung isa wagas makakaway parang isa akong bagong dating na sinalubong sa airport at yung isang naka-smile lang. Parehong patungo sa puwesto ko.

“Speaking of the devils.” Bulong ko. Kailangan ba talagang papansin lalapit lang sa akin? Tumingin ulit ako sa paligid at tahimik pa rin sila habang sinusundan ng tingin si Vince at Joco. Baka ano na namang pinag-iisip ng mga taong ito at sigurado akong hindi na naman kagandahan ang tingin nilan sa akin sa bandang huli.

Wala akong pakialam!

“Good morning Erin my new friend.” Wow, may tupak ata ‘to si Joco. Nakangisi pa rin siya at prenteng tumabi sa akin at niyakap ako(friendly hug okay). “Kamusta ka naman? How’s life? Mine? Okay lang.”

The Unlucky PickOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz