CHAPTER 10 || P R O M N I G H T ||

120 2 6
                                    

Chapter 10 | PROM NIGHT |

ERIN’s POV

At exactly seven in the evening, I am now standing at entrance of MILESTONE HIGH’S Dance Hall waiting to be ushered inside for the program proper to start. Tonight is our PROM, noon hindi ko naman masasabing excited ako sa event na’to pero dahil na rin sa series of events na nangyari sa akin prior to this night, well siguro I would just live and enjoy the moment. :D

Sa pagkaka-alam ko, isa-isa kaming papasok sa loob pagkatapos ma-introduce ang aming pangalan tapos ay pauupuin kami sa assigned seat and table para sa amin, kakain, some words mula sa school faculty, at susunod na doon ang sayaw with respective partners, na susundan na ng ‘STUDENT DISCO’ kung saan malaya na ang lahat na magsayaw kani-kanino man nila gustuhin hanggang hatinggabi ‘yan.

Ang ONE THING na kinakabahan ako ay ang SOLO DANCE namin ni Vince dahil nga sa ‘presidential son’ siya at maraming press ang mag-cocover sa event na’to. Hindi pa naman ako sanay sa atensyon lalo pa’t maramihan. Ang masaklap pa nito hindi pwede pumunta si mommy at daddy kasi nga baka malaman ng mga tao na ako ‘yong anak nila, haizzt hindi pa time para doon, I still love my freedom. Kaya’t ngayon ang chaperon ay si kuya BG na naka-amerikana rin! Ang kyuuttt lang e, marami rin ‘nagkaka-crush sa kuya ko noh.

At dahil hindi makapunta si mommy ay binuhos niya ang full effort niya sa pag-make over sa akin. At ako naman ang walang magawa kundi ang sumunod, kapagod rin kaya mga ginawa naming buong araw ayaw ko ng isipin ulit. Kapagod rin pala ang maging babae, tsk. :|

I’m on a dirty white dress na napaka-elegant at fashionable, not my words actually dahil si mommy naman ang nagpasadya nito sa friend niya na designer, ano ba naman ba kasi alam ko sa fashion. Ayon kay mommy bagay daw sa akin, sabi niya e, ang unang tao magsasabing maganda ka ay iyong INA! Tamaaaaaa! ( A/N: I’m not good at describing dresses or people’s attire  talaga kaya tingnan niyo na lang sa right side, yan mga suot nila.)

Tinawag na’yong nasa harap ko at pumasok na siya sa loob.

Anebeyeeen…nakakakaba naman ‘to!

*Buduum…buduum…buduum…buduumm…*

Breathe in, breathe out, breathe in, and breathe out. Kalma ka lang mahal kong puso, kakayanin natin ‘to. Fighter yata ‘to! Sinong niloloko ko? Nakakatakot kaya ang maraming tao, pero nandito na ako. GO.FIGHT.WIN.AJA!!!

“Ladies and gentlemen, Ms. Erin Grace Real Valderama of Section DIAMOND.” Sabi ng announcer at pumasok na ako. WOW naman daming tao at lahat sa akin nakatingin, yung iba parang ngayon lang ako nakita. At isang bagay pa hindi ako nakasalamin ngayon, dahil ayon pa rin kay mommy hindi babagay sa suot ko. Okay lang din naman dahil hindi naman sira talaga ang paningin ko, it was part of my deception para hindi malaman ang true identity ko, mahirap na. Parang nag-slow motion ang paligid pati ang pagtungo ko sa table ko. Pansin ko yung iba nagbubulungan, meron namang iba na NGANGA lang. Mahirap ba talagang paniwalaan na ang babaeng na sa kanilang harapan ay si Erin, ako eto guys! The girl many hardly noticed suddenly became the center of attention. Ang awkward naman, ano pa kaya kapag nagsayaw na kami ni Vince?

“Here’s your seat Ms. Valderama.” Anang waiter, pinasalamatan ko siya at umupo. Tingin ako sa paligid at kung sino ang mga ka-table ko. Nabunutan ako ng tinik ng mapagtanto ko kung sino ang mga kasama ko e, hindi ko na kailangang makipag-interact sa iba na hindi ko kilala dahil ang mga kasamahan ko ay sina Vince, Joco, at isang unknown girl na parang nahihiya na kinikilig ba.

Si Vince at Joco parang nakakita ng multo habang nakatingin sa akin. Anong problema ng dalawang ‘to? Tumabi ako dun sa unknown girl, hindi ko sila papansin hanggat hindi sila bumabalik sa kamundohan.

The Unlucky PickWhere stories live. Discover now